Caylee's POV
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Basta ang alam ko nag-iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko na talaga magets ang mga ginagawa ng lalaking iyon. Masakit pa man din ang ulo ko dahil napuyat ako last night sa kaiisip sa kanya. Habang nag-mumuni-muni ako ngayon dito sa labas ng parking lot ng mall eh may nakita akong isang bulto ng lalaki. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko sila makilala ng mabuti dahil nakatalikod siya sa akin.
Nakita ko siyang humarap sa babaeng kausap nito. Shock struck my senses! Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Cyrus Monteverde! Ang boyfriend ni Leeca. Pero anong ginagaw ng hudyong ito dito kasama ng babaeng iyon?
Akmang hahalikan na niya ang babaeng iyon ng mapansin siguro nito na may mga matang nagmamasid sa kanila. Shock was written over his face when he saw me jaw dropped while watching them.
Agad nitong binulungan ang babae at sa hindi mawaring dahilan ay umalis ang babae na parang nagmamadali.
"O Caylee? What brings you here?"- sabi nito na parang walang nangyari
"Oh me? Nothing. Parang ako dapat ang nagtatanong niyan sa iyo. Anong ginagawa mo dito Cyrus kasama ng isang babaeng iyon? Hindi ba't dapat ay nasa loob ka dahil sa pagkakaalam ko ay hinihintay ka na ni Leeca."-mahabang paliwanag ko dito
"Ah, iyon ba. Wala lang iyon. Childhood friend ko iyon at sakto namang nakita niya ako kaninang pagkababa ko sa kotse ko. Ayun, we talk about a little during our chilhood days. It's really nothing to worry about Lee."-Cyrus
Kaibigan daw, eh kung hindi niya ako nakita eh malamang ay hinalikan na niya ang babaeng iyon. Uhhmp! Psh.
"If it is so, pumasok ka na sa loob dahil hinahanap ka na ni Leeca."-walang ganang sagot ko
"Why so fast?!" then he gigled
"Kamusta ka na sweetheart?" bulong nito sa aking tenga
Mabilis na bumalot sa aking katawan ang init na nagmumula sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo Cyrus? Tumigil ka nga. Hindi na ako natutuwa sa iyo. Umamin ka nga, mahal mo ba talaga si Leeca o linoloko mo lang siya? Alam mo bang hindi na ako palagay noong niligawan mo siya? Mas lalo na ngayong may relasyon na kayo sa bawat isa."
"Gusto mo ba talagang malaman ang totoo Lee?"-tanong nito na may malademonyong ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha
Binalot ako ng takot sa katawan. Sinasabi ko na nga bang may tinatagong kulo sa loob ang lalaking ito.
"Tama ka. Ginagamit ko lang si Leeca para mas lalong mapalapit ang loob mo sa akin. Pero parang hindi naman epektibo ang ginagawa ko at ngayon ngang ikaw na mismo ang lumapit sa akin, why waste my chance isn't?"
"Ikaw ang gusto ko Lee. Sa simula't simula pa lang ay ikaw na ang gusto ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako magawang magustuhan gayong nasa akin naman lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Pinilit kong magpakasanto, hinayaan kang pagurin ako sa tuwing nililigawan kita, pinilit kong ibili ka ng mga bagay na maaaring magustuhan mo pero walang saysay lahat ng mga iyon dahil napakamanhid mo."-may halong galit sa tono ng pananalita nito
BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Teen FictionSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...