NEVER PART OF THE PLAN

2.3K 18 0
                                    

Dumaan Sila sa Megamall ngunit walang napili na bagong Pabango si Beverly sa mga pinuntahan nila sa Shop. Napaisip si Beverly kung bakit ganito ang inaasal niya sa pabango ni Will na dati naman ang bangong bago Siya sa amoy niyon.

Lumayo si Beverly dahil tumawag ang Manager niya about her Photoshoot's noong nakaraan.

Hello, Beverly! - Manager Mark.

Hello, Sir Mark! Anong atin?
- Beverly.

Good news! Tumawag ang Company dito sa Pinas, no need na daw for more Photoshoot dahil nakuha na nila ang Perfect Angle sa mga nakaraang Photoshoot mo. Nasa Bank Account mo na rin ang Remaing Balance nila.
- Manager Mark.

Wow! That's good! - Beverly.

Yeah! So, tatanggap na ba muli akong ng Kontrata sa Europe? Kailan tayo babalik sa Europe? - Manager Mark.

Hmmnn, I'll call you back, Sir Mark.
- Beverly.

Sure! Let me know. Since wala ka naman naka pending na trabaho I'll just  remind you na hindi mo kailangan magmadali na bumalik sa Europe.
Depende na saiyo kung babalik ka pa don." - Manager Mark.

Thank you, Sir Mark! I'll let you know. Bye! - Beverly.

Nang ibaba ni Beverly ang tawag ay nasa likod na pala niya si Will at tahimik na nakikinig sa naging usapan nila ng kaniyang Manager.

"So, what's your plan?"
Tanong ni Will.

"I still don't know, Honey."
Bulong ni Beverly.

"Parang ganoon lamang kadali saiyo na Iwan Ako dito."
Mahinang bulong ni Will.

"Hindi naman sa ganoon, pero puno ng masakit na alala ang naranasan ko dito sa Pinas ng mamatay ang Parents ko.
Hindi ganoon kadali na mag desisyon at kalimutan iyong sakit na naging dahilan ng pag alis ko dito sa Pinas."
Mahabang pahayag ni Beverly.

"I understand, but don't you think it is about time to face your fears? Hindi ko ba nabura iyong sakit na iyon? Tell me now, Beverly. Am I not worth the risk?
Am I not worth it?"
Madamdaming tanong ni Will.

"You don't know the pain that I'd live through the year when they're gone, Will. You don't know how I tried to live without them, to make my own life there in Europe."
Sumbat ni Beverly.

"Hindi pa ba sapat na mahal na mahal kita? Mali pala ako ng inakala, akala ko  kasi kahit papano ay naibsan ang sakit at pangungulila mo sakanila kapag magkasama tayo. Hindi pala."
Sagot ni Will.

"The pain is still here, hindi nawala ang sakit dahil nasanay na ako sa Sakit ng pagkawala nila. You don't know my pain, Will kaya napaka dali lamang saiyo sabihin iyang mga sinasabi mo.
Wala tayong maayos na usapan at hindi tayo malinaw, Will. Kaya paano mo nasasabi saakin ang mga iyan?"
Seryosong pahayag ni Beverly.

"Really? I can't believe it! I can't believe What you're saying right now. So ano iyon? Wala lamang saiyo lahat ng ginawa natin?"
Manghang tanong ni Will.

"Totoo naman diba? Ngayon mo lamang sinabi saakin na mahal mo Ako, all this time ang nasa isip ko ay ang habol mo lamang ay ang Katawan ko kaya mo Ako ayaw paalisin."
Wika ni Beverly.

"Iyon lamang ba ang nakikita at nararamdaman mo? Na Katawan mo lamang ang habol ko? Beverly, never ko ginawa ito sa lahat ng Babae na nakilala ko, saiyo lamang ako nagka ganito. Hindi pa rin ba sapat ang mga pinakita at pinaramdam ko saiyo?"
Maanghang na tanong ni Will.

"Oo, dahil mas malinaw at klaro saakin na Katawan ko lamang ang habol mo kaysa sa mahal mo ako."
Sagot ni Beverly.

"Wow just wow! Gusto ko malaman ngayon ang sagot mo, ni minsan ba naisip mo na isama ako sa mga Plano mo?" Bulong ni Will.

Hindi sumagot si Beverly at yumuko na lamang, hindi niya matingnan ng tuwid ang mga Mata ni Will na naghihintay sa isasagot niya.

"I'm sorry, Will." Bulong ni Beverly.

"So, is this the end?" Tanong ni Will.

Hindi kumibo si Beverly kaya mas lalong nasaktan si Will, gusto niyang isama Siya sa Plano ni Beverly and allow Him to be part of her Life.

"If that's what you want, Beverly. Pasensya ka na kung pinipilit ko ang sarili ko saiyo. Pasensya na kung hindi ko agad sinabi na mahal kita dahil ang buong akala ko ay ramdam at parehas tayo ng nadarama."
Wika ni Will.

"Halika na, baka naghihintay na ang mga Supplier mo."
Aya ni Will.

"Mauna ka na, Will. I'll just book a Grab, I'm sorry."
Tanggi ni Beverly.

"Sure. Take care! Mag i-ingat ka sa pagbalik mo sa Europe."
Sagot ni Will at tumalikod na.

Hindi alam ni Beverly kung bakit parang pakiramdam niya ay nasaktan siya sa pag uusap nila ni Will at sa pag talikod nito sakaniya.

Hindi niya napigilan na umiyak sa patalikod at pag alis ni Will.

POSSESIVE WILD SERIES #5 ; Please Me by Beverly AND Capt. SalcedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon