Chapter 24 (Commotion)

0 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 24
"Commotion"

A FEW DAYS LATER

NAKUMBINSI NI MYLA SI NELO NA HUWAG NG MAG BACK OUT SA MR & MISS GABNER DAHIL HINDI NA RIN NAMAN KASALI SINA JAKE AT PAULO.
2 WEEKS DIN SILANG SUSPENDED SA SCHOOL.
KASALUKUYANG NASA REHEARSAL SINA LYNE AT NELO.
ABALA NAMAN SI MYLA SA STUDENT COUNCIL.

SAMANTALA, SA ISANG BUILDING NA PAG AARI NG MGA CLEDERA, NANDOON SI LILIBETH UPANG MAG DELIVER NG MGA TINDA NIYANG ULAM.
PALAPIT NA SIYA SA ELEVATOR NANG MAKABANGGAAN NIYA SI KELLY NA MAY KAUSAP SA PHONE HABANG PALABAS ITO  NG ELEVATOR. NABITAWAN NI LILIBETH ANG MGA DALA NIYANG PLASTIC BAG AT KUMALAT SA SAHIG NG BUILDING NA IYON ANG MGA ULAM NA DALA NIYA DAHILAN UPANG MATALSIKAN NG SARSA ANG SAPATOS NI KELLY. NAAGAW NILA ANG ATENSYON NG MGA TAO.

Kelly: OH MY GOD!!!

Lilibeth: 'Yung mga paninda ko!

NAKATINGIN SI LILIBETH SA NAHULOG NA PANINDA. HINDI NIYA ALAM KUNG ANONG GAGAWIN. SINIGAWAN SIYA NI KELLY.

Kelly: HOY!!!!

NAPATINGIN SI LILIBETH KAY KELLY AT TILA NAMUKHAAN NILA ANG ISA'T-ISA.

Kelly: IKAW??? PARANG NAKITA NA KITA? ANONG GINAGAWA MO DITO? TIGNAN MO NGA ANG GINAWA MO SA SAPATOS KO! ALAM MO BA KUNG MAGKANO ITO??!!

Lilibeth: Hindi ko naman sinasadya eh. Ikaw nga itong bumangga sa akin dahil may kausap ka sa phone habang naglalakad!

Kelly: AKO PA NGAYON ANG MAY KASALANAN HA???!! HINDI MO BA AKO KILALA?

Lilibeth: Wala akong pakialam kung sino ka! Ang mahalaga sa akin 'yung mga paninda ko na nasayang dahil sa'yo!

Kelly: REALLY? AKO PA TALAGA ANG SINISISI MO SA KATANGAHAN MO?

Lilibeth: Oo, dahil hindi naman matatapon 'yang mga paninda ko kung tumitingin ka sa nilalakaran mo! Paano ngayon 'yan? Paano ko pa ide-deliver ang mga 'to?

Kelly: THAT'S NOT MY PROBLEM ANYMORE! ALAM MO IKAW, ANG KAPAL NG MUKHA MONG ISISI SA AKIN ANG KATANGAHAN MO! GANYAN TALAGA KAYONG MGA MAHIHIRAP EH NO, ISINISISI SA IBA ANG KAMALASAN NILA!

Lilibeth: Bakit, kasalanan mo naman talaga ah?

DUMATING ANG ISANG JANITRESS.

Janitress: Excuse me po, lilinisin ko lang po 'yung sahig para po hindi na po makaabala sa mga taong dumadaan.

PINIGILAN SIYA NI KELLY.

Kelly: NO! Ang gusto ko 'yang babaeng 'yan ang maglinis! Tutal naman siya ang may kagagawan niyan!

Lilibeth: Sige, lilinisin ko pero babayaran mo lahat ng mga paninda ko!

Kelly: HAHAHAHAHA! Ayan! Edi lumabas din ang totoo! Gusto mo lang ng pera! Eh kung pabayaran ko din sa'yo itong sapatos ko na worth 1 Million Pesos lang naman!

Lilibeth: Hmmm... Mukhang sa palengke mo lang naman nabili 'yan!

Kelly: EXCUSE ME??? Hmmm, sige, gusto mong bayaran ko 'yang mga paninda mong bulok? Tignan mo nga oh, halatang hindi masarap!

Lilibeth: Wala akong pakialam sa sinasabi mo, basta bayaran mo ang mga 'yan tapos ang usapan!

Kelly: Ang kapal talaga ng mukha mo noh? Sige, babayaran ko 'yan pagkatapos kong gawin sa'yo ito!

SINABUNUTAN NI KELLY SI LILIBETH AT INGINUDNGOD ANG MUKHA SA SAHIG.

Kelly: Ayan! Linisin mo 'yang dumi mo gamit ang mukha mong makapal!!!!

Lilibeth: AHHHHH!!!!

PINAGTITINGINAN SILA NG MGA TAO.
VINI-VIDEOHAN DIN SILA NG ILANG MGA NANDOON.
DUMATING NAMAN SINA JOAQUIN AT DOÑA PILAR.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon