Someone's pov
"Magandang umaga sa inyong lahat mga minamahal kong Credence! Ngayon ang simula ng panibagong yugto sa inyong buhay. Ikinagagalak naming dito ninyo napiling mag-aral sa Faith Academy! Ako nga pala si Mrs. Ging Urrutia, ang may-ari ng school na ito." Panimula ng ng isang babae na nakatayo sa gitna ng entablado.
"Naisipan kong Faith ang ipangalan sa school dahil hindi nawawala sakin ang tiwala sa Diyos. Lahat ng Credence, mga mag-aaral ng Faith Academy ay hindi nawawalan ng tiwala sa Diyos dahil?" Iniharap nito ang tenga sa mga estudyante na para bang naghihintay ng tugon.
"Ang siyang hindi maniwala sa Diyos ay isang kasalanang walang kapatawaran." Sagot ng mga estudyante na nasa bandang likod ng entablado. Ang mga estudyanteng ito ang ang mga dati ng estudyante ng Faith Academy.
Tila ba walang buhay ang mga ito at puro kadiliman lamang ang makikita sa kanilang mga mata. Wala ni anumang ekspresyon at parang handa silang pumatay kahit anong oras.
"Batid kong alam niyo na ang inyong mga section?"
"Opo." Sagot ng mga estudyante.
"Mahusay, bago kayo pumunta sa inyong mga silid mayroon lamang akong ilang mga paalala. Huwag na huwag kayong pupunta sa loob ng room 111 sa kadahilanang hindi namin maaaring sabihin. Ayun lamang at maaari na kayong pumunta sa inyong mga silid." Pagtatapos ni Mrs. Ging at pinanood ang mga estudyante na pumasok sa kanilang silid ng may ngiti sa kanyang mukha.
"Bat kaya bawal pumasok sa room 111?" Bulungan ng ilang mga babae habang pabalik sa silid.
Biglang may isang lalaking sumulpot sa gilid na ikinagulat ng mga babae. "Basta. Bawal." Madiing sabi ng isang lalaki.
"Ahh!! Sir! Ginulat mo naman kami!" Sagot ng isa sa mga babae.
"Pumasok na kayo at huwag magulo." Seryosong sabi nito at tsaka umalis.
Pumasok naman ang guro nila para sa unang period.
"Magandang Hapon sa inyo 11 B6, tama ba?" Tanong ng teacher at ngumiti.
"Opo." Sagot ng mga estudyante.
"Okay good, hayaan niyong magpakilala muna ako. Ako nga pala si Binibining Wendy Datu ang magiging guro niyo sa asignaturang kompan. Gusto ko lamang magbigay ng mga ilang paalala habang tayo ay nag kaklase. Una wag gagamit ng phone. Pangalawa makinig ng mabuti. Pangatlo ay huwag maingay." Paliwanag nito at isa isang pinatayo ang mga bata upang magpakilala.
Dumating naman ang susunod nilang guro. Si Sir Villon. Malaki ang pinagkaiba nila ni Ma'am Wendy dahil lagi itong nakangisi ngunit seryoso ang muka. Mahilig itong magbiro pero kadalasan ay hindi nagugustuhan ng mga estudyante ang biro niya dahil sila ay napapahiya.
"Good afternoon, I'm Mr. John Resty Villon, you can call me Sir John and I'll be your teacher for earth science. I hope we get along well." Pakilala nito at ngumisi.
Matapos nito ay sumunod na ang kanilang adviser na si Sir Marky. Pumasok ito ng may ngiti at parang excited.
"Good afternoon B6! Ako nga pala si Mr. Marky ang adviser niyo at teacher sa UCSP. Bago ang lahat may papapirmahan muna ako sa inyo. Binigay niya sa mga estudyante ang mga papel. "Pirmahan niyo lang para maging fully enrolled na kayo dito sa Faith Academy. May plus points sa mga teacher ang unang mag babalik ng papel!" Saad niya at ngumiti ng kakaiba. Hindi naman ito napansin ng mga estudyante at pinirmahan na nila kaagad ang mga papel nang hindi lamang binibasa ng maayos.
Biglang pumasok ang isang teacher na babae.
"Nandito ba si Althea Gunio?" Nagtaas naman ito ng kamay. "I'm afraid hindi ka dito sa section na ito. Sa B3 ka."
"Pero nagpalipat po ako."
"Hindi pumayag ang principal kaya sa B3 kana talaga." Sagot ng teacher at wala na siyang nagawa kundi magpaalam sa kanila at sumama sa kanya papunta sa ibang section.
Lumipas ang oras at nakilala na nila ang kanilang mga guro. Nang dumating ang break time ay pumunta na ang lahat sa canteen para kumakain. Nahati ang klase sa iba't ibang grupo. Masaya ang lahat na kumakain at nagtatawanan habang nag-uusap. Habang ang iba ay naisipang pumunta sa room 111. Kabilang dito sila Jetpherson, Sam, at Gab. Sinabihan sila ni Merlinda na huwag pumunta ngunit matigas ang ulo nila't hindi ito pinakinggan. Natapos ang break time at bumalik na ang lahat sa klase ngunit wala pa rin ang tatlo.
Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang guro at napansin na wala ang tatlo kaya nagtanong ito kung na saan sila ngunit hindi sumagot ang klase sa takot na mapagalitan sa unang araw pa lamang ng klase at maaari rin itong makabawas sa kanilang reputasyon. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at dali-daling tumakbo papasok si Gab at Sam. Pawis na pawis at parang namumutla sa takot. Nagulat ang lahat at napasigaw ang iba.
"Saan kayo galing?" Tanong ng guro ngunit ang dalawa ay nanigas at hindi makasagot.
"Psst! Sumagot kayo ng maayos." Bulong ni Merlinda sa dalawa.
"N-Nag cr lang po..." Nanginginig pa ang boses ni Sam habang sumasagot habang si Gab naman ay tulala lang.
"Ganun ba, sige maupo na kayo—si Jetpherson...Sy, pala na saan?" Dagdag ng guro na mas lalong ikinamutla ng dalawa.
"Wala na..." Mahinang bulong ni Gab sa hangin.
"Masakit daw po yung ulo kaya uuwi daw po muna. Yun po sabi niya sa amin." Sagot ni Sam at sinagi ang binti ni Gab upang hindi na ito sumagot.
"Minus points yan sakin ha. Sabihan niyo siya." Sambit ng guro at sinimulan na ang pagpapakilala sa klase. "Magandang araw sa inyong lahat, ako nga pala si Mr. Klied Orande, ang magiging teacher niyo sa Math major ninyo at ang magpapahirap ng buhay ninyo." Biro nito kaya naman nagsitawanan ang mga estudyante.
Lumipas ang oras at nakilala nila ang iba pa nilang mga guro na si Ma'am Clare, Ma'am Cristina, at Ma'am Kristel. Nang dumating ang uwian ay dali-dali silang nagsilabasan. Mag gagabi na ang uwian nila kaya naman mahirap umuwi lalo na at malayo sa bayan ang kanilang eskwelahan.
Habang pauwi ay nag-usap ang mga magkakaklase.
"Ba't ganun yung nag teachers? Parang hindi sila masaya sa buhay?" Tanong ni Merlinda.
"Kaya nga eh, si Ma'am Wendy lang ata yung normal sa kanila." Sagot naman sa kanya ni Trixie.
"Tsaka yung mga grade 12 students, parang wala ding mga buhay." Sabat naman ni Charmaine.
"May kakaiba talaga sa school na to sabi ko sa inyo." Sabi ni Ralph habang sila'y nag lalakad.
BINABASA MO ANG
B6 11 - Unang Taon
Ficção CientíficaTungkol sa mga mag aaral ng isang seksyon, mula sa B6 11. Tunghayan ang kanilang kakaiba at nakakakilabot na unang taon sa isang paaralan na madaming sikretong kailangang ibunyag. Paano sila makakatakas? Sinong kailangang takbuhan? At sino ang matat...