Sabrina
Niyaya niya ako pumunta sa bahay niya. Grabe ang Pari na nakilala ko sa Tarlac, ganito kayaman. Gate palang ang ganda-ganda na. Maganda at malinis ang bahay ni Ezra.
Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng Gate. Inalis ko ang seatbelt bago bumaba. Pinasadahan ko ng tingin ang bahay niya. Siguro kahit mag trabaho ako ng sampu taon hindi ako magkakabahay ng ganito kaganda.
Napanganga nalang ako habang nakamasid sa bahay niya.
Bumaba siya sa sasakyan at pinasadahan niya ako ng tingin.
"Pasok ka binibini" Paunlak na saad niya sakin. Binuksan niya ang Gate.Pumasok kami sa loob, wala ako masabi sa bahay niya, ang ganda-ganda talaga. Iba talaga kapag galing sa mayaman na pamilya.
Binuksan niya ang Main door sa harapan. Grabe tiles palang ang kintab-kintab na. Ang dami gamit sa loob at halos lahat kumpleto ang mga kagamitan. Sa sala, sa kusina at Hanggang sa kwarto ay kumpleto lahat sa appliances. Maganda ang interior design ng bahay at planado ang pag design ng Architect na gumawa dito sa bahay ni Ezra.
Wala ako nakikita alikabok sa loob ng bahay niya dahil alaga sa kalinisan.
"Binibini may ibibigay sana ako sayo" Aniya. Binigay niya sakin ang isang brown envelope.
"Ano ito Ezra?" Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa brown envelope.
"Para sayo" Binuksan ko agad ang brown envelope at nakamata lang ako habang binabasa ko ang nakasulat sa papel.
"Titulo ito ng bahay ah, ito ba ang bahay na ito Ezra?"Tanong ko sa kaniya.
Tumango siya sakin.
"Yan ang titulo ng bahay na ito Binibini ko, Para sayo ito, regalo ko sa birthday mo" Saad niya. Napanganga ako sa sinabi niya."Nasa pangalan mo ang titulo ng lupa at bahay" Gusto ko umiyak.
"Ano kaba Ezra, hindi naman ako materialistic na babae e, okay lang sakin na kahit santan lang ang e regalo mo sakin sa birthday ko" sabi ko sa kaniya.
"Nasa pangalan muna ang bahay at lupa binibini ko. Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko sayo?" Tanong niya.
Napabuntong hininga ako.
"H-Hindi naman sa ayaw ko kaso napakamahal nito bahay Ezra. Halos million ang halaga nito e" sabi ko sa kaniya. Bigla siya nalungkot sa sinabi ko. Marami ako naging Boyfriend noon pero Ibang-iba si Ezra. Ang hirap tanggihan. Hindi ko na tuloy ang gagawin ko sa oras na ito.
Nagwawalang kibo siya umupo sa Sofa.
Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm sorry Sabrina. Na abala pa yata kita" Saad niya. Ang bait-bait talaga ni Ezra.
"Mukha nagtatampo ka yata sakin dahil hindi ko tinanggap ito regalo mo sakin" sabi ko.
"Okay lang Binibini" Saad niya.
"Sige na nga tatanggapin ko na ito regalo mo sakin" Bigla sumaya ang mukha niya. Nagtatampo na talaga sakin ang Boyfriend ko.
"Talaga Binibini?" Tanong niya.
I nooded for answered.
"Oo baka kasi magtampo ka kapag hindi ko tinanggap ang regalo mo para sakin. Alam ko na pinaghandaan mo ito para sakin. Tama ba ako Ezra?"Tanong ko.
"Oo magtatampo talaga ako sayo Binibini ko. Alam mo ba na bago ko lang binili ang bahay na ito para sayo" Napangiwi ako.
"Ano!" Saad ko.
"Bagong gawa ang bahay na ito Binibini ko. Binili ko agad ng matapos ang Construction" Aniya.
"Talaga kaya pala ang ganda at malinis na malinis Ezra" Palinga-linga ang mata ko sa Paligid.
YOU ARE READING
MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete
RomanceEzra Montecarlos is a Priest, Mahal na mahal niya ang maglingkod sa Diyos at Mangaral ng salita ng Diyos. Isang araw makilala niya ang babae si Sabrina Nunez, Masayahin, Palangiti. Hindi namamalayan ni Father Ezra na Mahuhulog na pala ang loob niya...