Pag maganda daw ang babae, guwapo ang lalaki, true love.
Pag maganda ang babae, pangit ang lalaki, mayaman lang talaga yung lalaki.
Pag pangit ang babae, guwapo lalaki, ginayuma yung lalaki.
Pag pangit ang babae, pangit ang lalaki, pasensyahan. KAPWA KO MAHAL KO.
E pangit ako.
So pangit lang din ang katapat ko?
Grabe naman mangdiscriminate ng di kagandahan ang mundong to.
Bakit? Wala namang ginawa si Papa God na pangit ah. Nasa pag appreciate lang natin yan sa mga bagay-bagay.
Saka ang kagandahan wala sa panlabas, nasa loob.
Kaya sabi nila wag daw ako lalabas. -.-
Pero kung hindi ako lalabas, paano ko siya makikita?
Hanggang tingin na nga lang ako e.
Ace Romero. My prince charming.
Alam kong kahit kelan di mo ko mapapansin. Sa dami ba naman ng magagandang umaaligid sayo, paano mo nga naman mapapansin ang pangit na kagaya ko?
Hindi ko naman hinihiling na maging tayo. Napakaimposible naman kasi nun. Pero minsan nagiimagine ko. Haha.
Hanggang imagination lang ako e.
I'm just here, liking you from afar.
Kuntento na ko dun.
At hanggang ngayon, ikaw pa rin, kahit may iba ka na. (As if naman naging tayo, haha.Yaan mo na, hanggang imagination na nga lang ako e)
Alam mo Ace, inggit na inggit ako sa kanya.
Malay ko ba kasing hindi ka mapanghusga gaya nila.
Alam ko kasi na kung hindi ko lang sana sinayang ang pagkakataon....
AKO SANA SIYA.
He's beauty and I'm the beast (c) 2013
BASED ON A TRUE STORY
-------------------------------------------
5 votes lang po I'll start the story. :)
BINABASA MO ANG
He's BEAUTY and I'm the BEAST
FanfictionLangit siya, putik ako. Lacoste siya, tuko lang ako. Iphone siya, china phone ako. Butterfly siya, higad ako. Rexona siya, tawas ako. Mineral water siya, tubig gripo ako. Chandelier siya, gasera ako. Dami ko pang sinabi. GUWAPO SIYA, PANGIT AKO. YUN...