HER POV:
First day of school, bilang college student. Happy but nervous. Ganun naman siguro talaga pag first day diba? I'm happy kasi same kami ng school and course ni bestfriend. Actually boy bestfriend talaga. Napag-usapan na kasi namin na accountancy yung kukunin naming course.
Speaking of my bestfriend, nakita ko na siya sa may gate, kumaway pa nga ang loko. Ngumiti nalang din ako sa kanya. Medyo malayo kase siya dito saken. Kaya madami pa kong oras para magkwento. Haha!
Siya si Xavier James Palcon. One and only son.16 y/o, Gwapo, matangkad, matalino, may pagkasuplado nga lang sa iba tas magaling pa syang magbasketball. Kumbaga hearthrob sa school namin siya dati. Ewan ko na ngayong college na. Buti nalang hindi siya suplado sakin kundi masasapak ko siya. Hahaha! Simula kase grade school 'til high school magkakilala na kami then naging bestfriend na. Siya lang yung tumatawag sakin ng Erin. Gusto nya daw sya lang tatawag sakin ng ganun. Possesive much no? Haha (^_^) Tas ako lang din ung tumatawag sa kanya ng James. Ayaw pa nga nung una hanggang sa napapayag ko sya. Takot lang sakin yun.
Hala ang daldal ko na pala. I didn't introduce myself pa. I'm Kristal Erin Perez, 16 y/o. Only daughter also, kaya siguro malapit kami ni James. Maganda daw ako sabi nila (*^_^*), mabait kong mabait ka sakin then madaldal talaga ako.
"Hayss! I think nafa-fall na ko sa kanya.! Wag naman nya sana mahalata." Shocks! Nasabi ko pala yun ng malakas! Sana walang nakarinig.
Grabe ang tagal niya. Saan naman na kaya pumunta yun eh nakita ko na kanina. Di ko namalayan nasa tabi ko na pala siya tas biglang nagsalita kaya nagulat ako.
"Erin! Kanina ka pa? Sorry ha, natagalan ako kasi tumawag si mama ang dami niyang bilin sakin." Agad niyang paliwanag sakin.
"Ok lang. Tara hanapin nalang natin yung room natin." Sabay hila ng kamay ni James. Kinikilig ang lola niyo.haha!
Pagdating namin sa room may seating arrangement pala. And guess what! Magkatabi kami! Ano ba yan syempre naman Erin. Sita ko sa sarili ko. "P" kaya initials ng apilyido nyo.
After that dumating na yung prof namin. Parang mabait naman. Tas syempre mawawala ba naman ung introduction sa harap. She gave us some instruction about sa rules and about sa subject namin na accounting 1 sa kanya. Dissmiss na!
"Let's go, miryenda muna tau." Sabi ni James sakin.
Di muna ako sumagot kasi alam kong may idudugtong pa siya."Don't worry akong taya. Alam ko naman na kuripot ang bestfriend ko. Hahaha!" Sabi na eh! Yun na naman yung linya nya.
"Kuripot? Wow ha! Pinasa mo talaga sakin. Anong klase kang bestfriend ha?" Drama ko sa kanya.T_T With matching punas punas effect pa sa iyak ko kunware. Hehe.! Natatawa lang siya sakin.
"Naniwala naman etong bestfriend ko. Im just joking you know. Alam mo naman na love na love kita eh." Sabi niya. Grabe biglang uminit yata yung mukha ko sa sinabi niya, kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.
Parang bigla akong nailang. Kaya I change the topic nalang.
Ganun palagi yung nangyayari. Sabay kami pumapasok sa school, kase lagi niya kong sinusundo, sabay magmiryenda, sabay maglunch at sabay pag-uwi. Sabi nga ng iba perfect couple kami. "COUPLE?" No way! Perfect BESTFRIENDS pwede pa. Mababaliw na yata ako, kung anu-ano pumapasok sa isip ko!
Until one night magkatxt kaming dalawa ng..
James: "I love you Erin."Ano kaya problema nito. Go with the flow na nga lang. Reply ko nga sya.
Erin: "I luv u 2."
James: "What if manliligaw ako sayo? Sasagutin mo kya ako? Or bka nman pahirapan mo ko?"- sabi sa txt niyaHa?? pinagsasabi kaya ni James? Pero parang kinikilig naman ako konti. Haha >o< Makareply nga ulit.
Erin: "Ha?? Anong tinira mo ha bestfriend??? Adik ka na naman. We're bestfriends kaya." Sabi ko. Pero deep inside parang kinukurot yung puso ko.!
James: "Hahaha!! Epic ka bestfriend! Joke lang yun noh! Cge na matulog kna. Good night and sweet dreams Erin."
Bwisit! Kala ko pa naman! Kainis! Bakit ba ko naiinis? Im expecting ba na totoo yung sinasabi nya? Gosh!! I hate this! I don't want to ruin our friendship because of this ugh my feelings for him! Ang hirap aminin pero I'm already inlove with my bestfriend. Binato ko nalang ung cp ko sa may kama ko, alangan naman sa sahig. Pagalitan pa ko ng daddy ko. Makatulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS? or LOVERS?
Randomare you willing to take the risk?? Friendship or Love??