Letters to Buret
Una sa lahat kung hindi mo kilala si Buret, hindi mo pwedeng basahin 'to. Hindi ka makakarelate.
Si buret? Sya yung perfect na character sa Fuckin' Perfect. Syang sya yun eh. Ako naka discover na ganun yung talambuhay nya. Mistreated, misplace, misunderstood. Pero kahit ano pa yung tingin sa kanya ng ibang tao wala akong pakialam. Lab ko kaya yun. Hindi ko alam kung bakit nung una ko sya makasama natutuwa ako sa kanya. Parang sobrang masaya syang kasama. Parang walang problema sa buhay. Pero kapag nakilala mo pala sya. Jusko. Walang sinabi yung mga istorya sa MMK sa istorya ng buhay nya.
Second year highschool ako nung una ko syang na kaklase. Sobrang nakakatuwa. Nakikita ko kasi na sya sa school at sa labas ng school dati kaya kilala ko sya. Hindi naman kasi kasing laki ng Pacific Ocean yung campus namin para hindi ko sya makita. Ang FC ko daw nun kasi lapit ako ng lapit sa kanya. Sya kasi yung batang sanay ng walang kausap maghapon. Padrawing drawing lang ganun. Katabi nya pa nun si Tita le. Pareho silang hindi nagsasalita. Kung classmate mo sila, aakalain mong may tampuhan silang dalawa. Pero ewan ko ba. Gusto ko talaga syang maging kaibigan eh. So, ayon. Hindi naman ako nabigo. Naging sobrang close namin hanggang ngayon. Natuto syang magsalita nung naging kaibigan nya ko. Yung tipong magugunaw yung mundo kapag dumating yung araw na hindi kami nag-ingay. Sobrang pareho pala kami ng hobby. Mahilig din syang manghusga. Ang bait namin no? Pagwala kaming pera, pupunta lang kami sa gym para manghusga. Ayun busog na busog naman kami. Isa yan sa mga sobrang mamimiss ko.
Sobrang may mga bagay na kami lang dalawa yung nagkakaintindihan. Nagkekwento na rin sya sa akin ng buhay nya. Saksi ako sa lahat ng pag-iyak ng mga mata nya na kung titingnan mo ay mukhang hindi marunong umappreciate. Hindi lang pala sya nagsasalita pero tinetreasure nya lahat ng bagay na ginagawa mo sa kanya. Kahit mga munting bagay. Kapag may tampuhan kami, sorry ako ng sorry. Sya naman walkout ng walk out. Suyo naman ako ng suyo. Pero nagkakabati din kami.
Kahit kelan hindi ko yan iniwan. Kahit naabno yan kung minsan. Kahit hindi yan nagsasapatos kahit marami syang sketchers. Kahit na hindi nya na sinoli yung sketch pad ko. Kahit hindi sya maiintindihan ng iba. Kahit na ginugupit nya yung buhok nya ng walang dahilan. Kahit na nilalayasan nya ko madalas. Kahit na binabato nya ako ng kung anu-ano. Kahit na lagi nya kong sinasaktan at sinusugatan. Kahit na hindi sya tumangkad. Kahit na marami syang nililihim sa akin. Kahit na maliliit yung sulat nya. Kahit na hindi nya ko binibigyan ng drawing. kahit hindi nya ako ginagawa ng doodle. kahit sapilitan ang pagla-like nya ng pictures ko. Pero kahit na sandamakmak yung "KAHIT NA" na yan. Andito pa rin ako lagi para sa kanya.
Maghihiwalay man kami, hindi ko sya makakalimutan. Lahat ng kagaguhan na ginawa namin ng magkasama. Lahat ng ballpen na ninakaw namin kay emma. Sa lahat ng white board marker na kinukuha namin sa physics lab. Sa lahat ng pagjejeep namin. Sa lahat ng pag-aabort nya. At sa lahat ng panghuhusga namin sa kung sinu-sino. Yan yung sobrang mamiss ko.:’(
Higit pa sa kapatid yung turing ko sayo. (baka tatay) sobrang sana hindi mawala yung closeness natin kahit na maghihiwalay na tayo. Pano ba yan Buret. Hanggang dito na lang. Mag-iingat ka lagi. :*
Kaya LETTERS TO BURET yung title na to kasi hindi kami magkaklase nung 4thyear. Gumagawa ako ng letter para sa kanya. Pero hindi ko naman binibigay. Ngayon ito, mababasa nya na to. Ito mismo yung letter ko para sa kanya.
Kung tatanungin nyo kung sino si BURET, sya si YOURLITTLEDEMON. At ako ang kanyang BIG ANGEL. :)<3