Ang Bituin

101 4 1
                                    


Kagabi, habang ako'y nagsta-stargazing,

May nakita akong bituing napakaningning

Sa lahat, siya lang ang naiiba

Dahil sa namumukod-tangi niyang ganda.

Ako'y napangiti habang aking tinititigan

Ang katangi-tanging bituing nagdulot ng kasiyahan

Habang tumatagal, gusto kong laging nasisilayan

Ang kanyang gandang hindi matatawaran.

Naisip ko bigla, ang bituing iyon ay parang IKAW

Na sa malayo ko lamang tinatanaw

Natanong ang sarili at ako'y nalungkot

May pag-asa pa kayang ika'y maabot?

Ako'y pumikit at sa bituin humiling

Na sana'y dinggin ang aking dalangin

Magkaroon sana ng tapang na sabihin

Ang nilalaman nitong puso ko't damdamin.

Ang BituinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon