Ashley POV
Tama ba kung tatakasan ko na naman ba ulit ang lahat?
Takot kasi ako...na baka hindi ko kayang tanggapin.
Totoo bang patay na talaga siya? Alam ko naman iyong sagot pero bakit, kailangan na paulit-ulit kong tanungin 'yon sa sarili ko.
Paanong nagpakatanga ulit ako, nagkaroon na ako ng ediya pero mas gusto kong paniwalaan na siya nga si Kevin.
Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.Nag-check in muna ako sa isang hotel na medyo malayo sa mga taong nakakakilala sa akin. Gamit ko ang card na ibinigay sa akin ni lola, matagal na panahon na.
Tumunog ang aking cellphone hudyat na may nag-message.
Agent X :
Sagutin mo naman ang tawag ko, may news ako.Sandali akong tumingala sa ceiling . Everything was useless, kung alam ko rin naman na hindi ko matatanggap ang lahat kapag nalaman ko na, edi sana hindi nalang ako umasa na mahanap siya.
Nagtipa ako ng e-r-reply,
Me :
E text mo nalang, busy ako.Agad din naman siyang nagr-reply,
Agent X :
This is important, nalaman ko na ang address ng parents ni Kevin. Ang lugar kung saan sila naglipat. You should call me if your interested.Napairap nalang ako sa message niya, bakit ang tagal ngayon pa na alam kona kung sino talaga ang inaakala kong si Kevin.
Tumawag nga si Agent X; ang hiningan ko ng tulong upang hanapin si Kevin.
"Huh" malamig kong wika sa telepono, masyado pa akong wala sa mood.
"Sana pala d'yan ako sa Pilipinas nag
simulang maghanap e, text ko nalang sayo ang address"
Panimula niya,
"At alam mo ba nalaman ko rin na may kambal
pala yang si Kevin, a-at sya nga pala ang pinakaimportante kong sasabihin,
s-si Kevin kasi-""Alam ko. Thank you for your effort.
I'll send the money to your account, now you can close this case. "
Saad ko sabay baba ng tawag.Nagpunta ako sa CR upang mag-shower, hoping na sana makapagpahinga ako ng maayos. Pero pano, ngayong iyong tao na matagal ko nang hinihintay na bumalik ay patay na pala. Ang tanga noh, ano bang ginagawa ko sa mga nakaraang taon na 'yon.
Hindi ko mapigilan na maiyak, at isubsub ang aking katawan sa bathtub. Should I just accept everything and move on ?
♕♕♕
Tulala ako habang nakasakay sa bus, papunta sa kung saan kami nag-camping ni Kevin...ken.I want to confirm it, paanong naging tanga ako sa mga oras na iyon.
Pagkarating ko ay agad ako na dumiretso sa log-in.
"Hi! Umm- can I ask a favor ? Pwede ko po bang makita ang list nang nag-log-in dito last week? " Paki-usap ko sa babae, hindi ako dinala ni ken nang nagbayad siya para sa entrance. Dahil ayaw niyang malaman ko na siya si Ken, apaka smooth ng galawan niya.
"Sorry po, pero private po kasi ang bagay na gusto ninyo. "
"P-pero gusto ko lang naman makita, pumunta kasi ako dito last week at gusto kong makita ang pangalan ng kasama ko " inirapan lang ako ng babae, sungit naman nito kala mo kung sino.