05: Colet

623 13 1
                                    

Nakahain na ang pagkain sa mesa nang makababa sina Colet at Aiah. Ilang sandali lamang ay bumaba na rin sina Ian at Mikha. She gave James a kiss on the cheek bago siya  ipaghila ng upuan ni Ian sa tabi ng Dad nito, at saka umupo sa tabi niya. Nakaupo si Aiah sa right side ng tatay nito kaya magkaharap sila.

Mikha looked at Aiah, who was busy talking to the woman beside her. Nagtatawanan ang mga ito na tila ba may sariling mundo. Aiah is wearing a plain white blouse, and her wavy long hair is resting on her shoulders. Mikha couldn't help but stare at her beauty. Binalingan naman niya ng pansin ang humahalhal na katabi nito. Sa side profile pa lang ay hindi maipagkakailang maganda rin ito.

Mas maganda naman ako. Mikha unintentionally rolled her eyes.

Napansin iyon ni Ian na kanina pang hindi naaalis kay Mikha ang tingin. Alam niyang sa kapatid niya nakatingin ang dalaga sa tabi niya. He was clenching his fist under the table nang malaglag ang salamin ni Colet kakatawa kaya yumuko ito sa ilalim para damputin ito.

She saw Ian's hand, gigil na gigil ito. Umayos siya ng upo at pasimpleng tiningnan si Mikha na bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin kay Aiah. Nag-aya nang kumain si James kaya nagsimula na sila.

"You should try this. It's one of my favorites."  Kumuha si Ian ng soup at inabot iyon kay Mikha na siya naman inayawan ng dalaga.

"I don't like tinola." Pinipigilang matawa ni Aiah. Alam niyang sa lahat ng pagkain, tinola ang pinaka ayaw ni Mikha. Siniko ito ni Colet at pinandilatan siya ng mata. Naguguluhan si Colet sa mga nangyayari. Ang alam niya ay deadma at lampasan lang kung tumingin kay Ian dati si Mikha dahil kay Aiah ang gusto niya. Hindi tuloy mapakali si Colet kapag nakikita niyang hinahayaan ni Mikha na asikasuhin siya ni Ian. 

Twice pa lang nagkita si Colet at si Mikha. Noong isang beses na nagbakasyon sila sa Batangas at bigla na lamang sumulpot si Mikha mga dalawang taon na rin iyong nakakalipas, at ngayon na lamang ulit sila nagkita kaya hindi na siya magtataka kung hindi siya nito naaalala. Ang alam niya lamang ay ito ang babaeng laging nakabuntot kay Aiah noon. Muntik pa nga niya itong masapak dahil iniirap-irapan siya ni Mikha noon kapag nagdidikit sila ni Aiah. Umaandar tuloy pagiging chismosa niya sa mga kaganapan ngayon. Tatanungin na lamang niya si Aiah mamaya para makasagap ng chika.

Kumakain sila nang nagexcuse si Mikha dahil tumatawag umano ang kaniyang Mom. Colet in her marites mode, excused herself, too para  pasimpleng sundan si Mikha. Naiwan ang mag-aama sa mesa. 


********


Aiah's P.O.V.

"Aiah, how did your business trip go?" Dad broke the silence. Colet excused herself to charge her phone daw kasi lowbatt na siya. Baka raw tumawag si Tito Vincent at hindi niya masagot agad kapag nadeadbatt.

"It went well, Dad. Tito even let Colet have her vacation here in Manila kasi we managed to finish a month's worth of workload." He seemed pleased with my reply kaya napangiti ako.

Kapag nakikita kong natutuwa si Dad sa mga nagagawa ko pakiramdam ko worth it lahat ng pagod. Lumaki kami ni Ian na walang affection na nakukuha mula sa kay Dad. He is always busy with work. Hindi ko nga alam kung naranasan ba naming makalaro ang tatay namin noong maliit pa kami ng kapatid ko. Para bang nabuhay lang kami para gawin niyang tagapagmana ng kayamanan niya.

Kaya sobrang happy ko kapag nakikita ko na natutuwa siya sa mga ginagawa ko kasi doon ko  nararamdam na to him I'm not invisible, na anak niya ako at may father ako na proud sa mga achievements ko. I never knew mom. Walang picture, or any records para makilala namin siya. Hindi rin nagkkwento si Dad kaya hanggang ngayon ay wala kaming kaalam-alam ni Ian.

You Caught My AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon