Divorce
"Amari" isang malambing tinig na galing sa kanan ko ang aking narinig na tinawag ang kambal ko.
Nakita kong nakatayo si mama habang nakatingin sa amin ng marahan. Malumbay ang kanyang mga mata na para bang inaantok at pagod. Malungkot yan ang gusto kong sabihin nang tignan ko ang mga mata ni mama.
"Kailangan na naming umalis anak, nakahanda na ang mga gamit ng kuya mo." Saad nya habang hinahaplos ang buhok ng kapatid ko.
"Paano po ako, mama? Hindi po ba ninyo ako isasama?" inosenteng pagkakasabi ni Amari.
Alam kong hindi isasama ni mama si Amari dahil ayun ang gusto nila mama at papa, bago nila naisipang maghiwalay o mag- divorced. Masakit mang isipin na sa murang edad alam ko na ang ibig sabihin non. Laging pinapaintindi ni Papa sa akin na kailangan nilang maghiwalay dahil ayun ang alam nilang tama.
Napatingin ako kay mama ng marinig ko ang mumunting hikbi na pilit nyang pinipigilan. Hindi namin maaaring isama si Amari dahil may sakit ito at alam nyang ang pamilya lang ni papa ang maaaring mag pagamot dito.
"My sweet Ellis, pasensya na anak pero hindi ka muna isasama ni mama hah?" garalgal na wika ni mama. "Dito ka muna kay papa tapos pwede ka namin dalawin ni Kuya Emrys mo. Kaya dapat lagi kang susunod kay Doctora, okay?" malungkot na nakangiti si mama kay Amari ng sabihin nya yun.
Gusto kong magsalita at magreklamo pero sabi ni Papa pagtiisan ko muna, nagbaba na lang ako ng tingin upang pigilan ang nagbabadyang kong luha.
Mami-miss ko si Amari. Pero ayaw ng pamilya ni Papa kay mama dahil nga isang Probinsyana lang si mama pero isang respetadong guro si mama. Ayaw nila sa kanya dahil wala daw syang maitutulong sa negosyo nila Papa.
Napaayos ako ng tayo ng tapikin ni Papa Ang balikat ko, napatingala ako sa kanya kung kayat nakita ko ang lumbay na nakabaranda sa mukha ni Papa. May sasabihin na sana sya ng biglang umiyak si Amari.
"M-mama, ayaw ko po. Iwan po niyo ako? Ayaw ko dito, bad sila mama" umiiyak na sabi ni Amari. Umalis sa tabi ko si papa upang buhatin at patahanin si Amari.
"Aalis lang si mama, pero pwede niyo akong dalawin, kaya dapat magpagaling ka muna bunso, hah?" si mama.
"Nandito naman si Papa, babantayan naman kita anak. Hindi ka iiwan ni Papa"
Habang tinitignan ko sila Papa, Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili. Kung hindi pa ba sapat na mahal nila ang isa't isa? At bakit kakailangin pa ng iba sirain ito, at hindi na lang maging masaya sa kanila? Hindi ko din maiwasan magalit at malungot sa katotohanang pamilya ni Papa ang sumira sa pamilya namin. Ganun talaga siguro ang pag-ibig may hahadlang at hahadlang.
Pagkatapos ng habilin ni mama kay Papa ay inaya nya na ako umalis dahil nakatulog na din si Amari sa balikat ni papa. Napatingin din sa akin sa Papa ng malungkot. But before we enter our car, Dad mouthed 'I love you son, take care of your mom okay?' habang kumakaway sya hudyat ng pamamaalam.
Pumasok na ako ng tuluyan sa sasakyan. Napatingin sa akin si mama sa harap na salamin, upang tignan kung maayos na ba ang pag kakaupo ko.
"Are you okay, Emrys? Don't be sad okay? Makikita din natin sila Papa mo kapag okay na ang lahat, hmmm?" Nakangiting wika ni mama na alam ko namang may halong lungkot.
Tumango na lang ako dahil ayaw kong magsalita dahil baka magaya lang ako kay Amari na umatungal sa pag-iyak. Ayaw kong bigyan ng problema si Mama kasi alam kong kami na muna ang pansamantang magkasama. Dalawa lang kami. Ayaw kong maging pabigat.
Tumingin na lang ako sa bintana. Iniisip pa din ang nangyari sa aking pamilya. Nakakatawang isipin na kahit pala maganda na ang pagsasama nila mama, may maninira at maninira pa din. I hate those people, a home wrecker. Hindi lang pala kabit ang naninira pati na din ang kamag anakan at kapamilya.
Masakit.
Ayoko sa mga naninira ng relasyon. I hate them all.
BINABASA MO ANG
(ROCKWELL AUDIO #1) Broken Rocks
RomanceHome wrecker? Emrys hate that to the core. Kabit man yan o kung ano. Para sa kanya walang patawad ang mga ganoong bagay. Pagiging drummer ang naging libangan nya sa pagdaan ng panahon upang makalimutan ang pait ng kahapon. Dito nya makikilala ang t...