SPECIAL CHAPTER ( THE FAMILY )

118 3 0
                                    

Totally, perfect. Everything is so perfect. Just like now, I cherish every moment I've got while I'm still carrying my baby. It's my last month before giving birth to our second princess. Yes, it's a she! And lastly, we already have a name for her. Talagang pinag-isipan pa yun ni Yusei dahil gusto niyang maging kaparehas ng kambal namin.



I'm sitting peacefully while caressing my womb and the same time waiting for my husband and my twins. I'm sure they're on their way home now since it's already four. Dismissal na ng kambal namin.



"Hija, uminom na muna ng gatas habang naghihintay..."


Nilingon ko si Nanny Gerlie at nginitian, "Salamat po."



Umalis naman agad si Nanny Gerlie kaya mag-isa na naman ako. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng hardin. Umayos rin ako ng upo tsaka sinimulan ang pag-inom ng gatas ko. Nakakalahati ko na ito ng biglang may nagtakip ng mata sakin.


Napangiti ako. Dahan-dahan kong itinabi  ang baso ko sa gilid tsaka hinawakan ang kamay na nakatakip sa mata ko. Sa amoy pa lang ng pabango ay alam ko na kung sino to. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil sobrang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko.



"Yusei..." natatawa kong tawag.



I heard him laughed before taking his cover on my eyes. Nilingon ko siya, napasimangot ako. Pinagkakaisahan na naman nila ako. Maingat akong tumayo, mabilis naman akong inalalayan  ni  Yusei. Pinulupot niya ang braso sa bewang ko habang nakaharap kami sa aming kambal.


"Hi, mommy..." Yasmin giggled.

I pointed her nose, " Hello, baby princess..."


She pouted cutely, "I'm not a baby princess! I'm ate! Big sister!"


Napatawa ako. I remembered it clearly. When I told them about my pregnancy, Yasmin showed me how excited she is. Nagtatalon siya habang tumatawa. Good thing, Yandel was beside her, watching his twin sister. For, Yandel, he just smiled at me.



"Don't worry, Min. Our baby sister will surely love you." paninigurado naman ni Yandel.


"Are you sure, kuya?"


Yandel nodded, "Yes."




Yusei chuckled while listening to them. Kapag talaga magkasama silang dalawa ay mukha silang may sariling mundo. Sigurado ako na magiging mabuting panganay si Yandel sa dalawa niyang prinsesa. I can't wait to witness them to grow with respect and love.



"My lady..." Yusei whispered.

"Yes?"  I whispered too.

"Where's my kiss?"

I glanced at him. Napanguso siya, pinipigilan ang paglawak ng ngiti. Kahit kailan talaga ay napakapilya nitong asawa ko. Kahit ngayon na nagdadalawang tao ako ay wala siyang mintis. Inirapan ko siya bago pinatakan ng mabilis na halik ang labi niya.


"Done." I smiled.

"That's it?"

"Shh." binalik ko ang tingin sa kambal ko. " Tama na yun"


Nagtatawanan na sila dahil sinusundot ni Yandel ang tagiliran ni Yasmin. Hindi naman siya makaiwas dahil may nakasabit pang bag sakanyang likod. Kitang-kita ko na medyo naiinis na si Yasmin pero tumatawa pa rin. Si Yandel naman ay ginaganahan. Ganyan sila, pagkatapos ng seryosuhan ay biglang ganya. Ang kulitan nila ay nauuwi sa away.



"Come on, Nastya. Please..." pangungulit pa ni Yusei.


"Ewan ko sayo. Napakahilig mo."


Claimed By Successor (MONTEGUADO'S HEIR #1)Where stories live. Discover now