Ang kwentong ito, ay pawang kathang isip lamang, mangyaring maging isang magandang kwento ang m
Ang kwentong ito, ay pawang kathang isip lamang, mangyaring maging isang magandang kwento ang mabasa niyo at sana'y magbigay kulay sa araw nyu..
Hehehehehe :D enjoy.....
Ako nga pala si abby, 23 years old taga mangaldan pangasinan, may isang nakakakilabot akong karanasan na hindi ko makalimutan, nagging baliw ako sa nangyari sa akin, ngunit bumalik din naman ako sa aking dating katinuan sa tulong ng aking mga kaibigan, kaya nais ko sa inyong ibahagi i2..
Tanghaling tapat noon, nang magyaya ang aking kasintahan na lumabas, kumbaga DATE, kakain sa restaurant, mamamasyal sa mga mall d2 sa dagupan at syempre manood ng sine, lagi lagi kmi nagdadate twing tanghali hanggang hapon, napag-isip namin, para maiba naman itry naman naming magdate ng gabi...
At ayun, nag set kami ng petsa kung kelan kami magdadate at kung saan kami pupunta, June 15, 2012 ang aming napagusapan,
pupunta kami ng pampanga, sa kanyang mga lolo at lola, medyo malayo raw un pero hindi naman kami nangangamba dahil my kotse naman si Vincent, Vincent nga pala pangalan ng aking kasintahan, at 25 years old na siya,
Hayan !!!!!!!! June 15, na 8:00pm na,, hinihintayko nun si Vincent sa harap n gaming bahay,
Mga 9:30pm na nga lang siya dumating, ayaw raw kasi mag start ng kotse nya, tapos nong nag start na raw, ayaw namang umabante, may kutob na ko nun na may mangyayaring masama sa amin ngunit hindi ko ininda,
Habang papunta na kami sa Pampanga doon sa mga lolo at lola niya, may kaba akong nararamdaman na tila may mangyayari sa amin, sinabi ko i2 kay Vincent pero sabi niya, wag raw ako mag-alala dahil kasama ko siya.......
Hanggang sa makarating na kami ng bayan ng pampangga 11:30pm na nun, at mangilan ngilan na lamang ang mga tao sa kalsada,
Kumain muna kmi sa isang restaurant, at dun mga 12:15pm kmi umalis, masama dw asing mgdrive pag saktong 12:00am ng drive eh.. yun ang sabi nila...
At ayun nga papunta na kmi sa bahay ng mga lolo at lola niya,, naramdaman ko ulit ang takot at kaba ng Makita ko ang dinadaanan naming,
Sino ba naman kasing hindi mtatakot eh, ang dilim dilim, walang mga bahay... puro matataas na puno at mga wala pang street light,
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, ng magloko na ang kotse ng bf ko, namatay ang kotse at sumakto pa kmi sa tapat ng puno ng balete, natakot ako ng subra, dahil walang katao tao...
Bumaba ang bf o para itsek ang makina ng kanyang kotse, mga ilang minuto pa, sinabi ng bf ko na hahanap lang muna siya ng malapit na bahay, at hihingi ng tubig, dahil kailangan ng tubig na kanyang kotse, nakalimutan raw kasi lagyan bago siya umalis,
Doon lang dw ako sa loob at huwag na huwag raw akong aalis kahit anong mangyari, dadalhin niya raw ang susi at ilock ko raw ang pinto ng kotse para safe dw ako,
Ayoko sanang maiwan sa loob ng kotse ngunit sabi ng bf ko dun nlng dw ako sa loob, kaya ginawa ko nlng ang sinabi niya,
Mga 1 oras na ang nakalipas 2:45am na nun wala pa ang bf ko, nag aalala na ko, tenext ko na siya nun, narinig ko nman ang cp niya sa may upuan niya, hindi niya pala dala....
Habang hinihintay ko si bf ko,
Natakot ako dahil may babaeng papalapit sa kotse at sa likod siya nang galling,
Ang panget ng itsura niya, magulo ang buhok na parang nakipagsabunutan, tumatawa mag-isa at parang baliw, natakot ako dahil kumakatok siya,, nagtataka ako sa dis oras ng madaling araw namamalimos ung baliw na un ....
Isa pa, bakit duguan ang kanyang damit at tila may hawak na malaking bola na tumutulo,
Itinaas niya ito at ng Makita ko ay
Pugot na ULO ni Vincent.........
Napasigaw ako at Umiiyak na ko, at tumatawag sa mga kakilala ko..........
ang malas.. wala akong signal .... Habang umiiyak ako, siya naman ay tumatawa..............
Ikot siya ng ikot sa kotse, gusto ko nang paandarin ang kotse dahil alam ko rin naming magdrive, kaso naalala ko, hawak ni Vincent ang Susi ........
At muli niyang tinaas ang pugot na ulo ni Vincent at ipinakita sa akin habang tumatawa,, hinagis niya ito sa kotse at itinaas naman niya nag SUSI ng KOTSe
Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya ako nabaliw.........
Kung sayo nangyari ang ganito, ano ang gagawin mo sa loob ng kotse??????
OPEN ENDED .............................................................................................. :P