Chapter 1

7 0 0
                                    

"Sophia!" sigaw ko sa kaibigan ko nang makita siyang palabas ng aming silid-aralan. Napalingon naman ito sa akin at huminto sa paglalakad.

"Ang bagal mo naman, gutom na ako oh!" ani Sophia habang hinihintay ako.

"Sorry naman, nag-solve kasi ako unlike you. Kidding." bigkas ko habang sabay kaming naglalakad. Napatingin naman siya sa akin na nanlalaki ang mata.

"Aba! Hindi ako kasing talino ng isang katulad mo. Ayaw mo naman kasi akong pakopyahin." Sabi niya habang pumipila upang bumili ng makakain.

Habang kami ay nagtatawanan ay naramdaman kong may tumapik sa aking balikat kaya nilingon ko iyon. Nang nakita ko mung sino ang taong tumapik sa akin ay laking gulat ko at natulala na lamang.

"Palibre naman, Luna, kahit isang burger lang." mahinhin na pagmamakaawa ni Nathaniel.

"Ang perang ibinigay sa akin ng magulang ko ay para sa akin lamang. Wala ka namang sigurong ini-ambag sa trabaho ng akin magulang upang hilingin iyan sa akin. Ngunit dahil mabait kang nagmakaawa, sige ililibre kita ngunit ito ay sa ngayong araw lamang." dahil ako na din ang susunod sa linya, um-order na din ako ng burger at ibinigay ito sa kaniya.

"Salamat, Luna. Next time ulit ha!" ani niya at kumaway bago lumakad papalayo.

"Pakipot ka pa, kahit naman araw-araw magpalibre yun hindi ka naman tatanggi." pangaasar naman ni Sophia.

"Hindi ko naman maaaring ipahalata ang nararamdaman ko." sambit ko at patuloy na naglakad.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kaniya na gusto mo siya?" tanong ni Sophia na hindi ko sinagot at nagkunwaring hindi ito narinig.

~Nathaniel's pov~

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing kausap ko si Luna ngunit araw-araw kong hinahanap-hanap ang boses niya.

"Palibre naman, Luna, kahit burger lang." pakiusap ko sa kaniya kahit parang ako'y mabubulol pa.

Hindi ko inaasahan na hindi siya tatanggi ngunit nagulat ako nang marinig kong bumili siya ng burger. Alam kong ayaw niya sa pagkaing iyon kaya naisip kong binili niya iyon para sa akin. Hindi nga ako nagkamali dahil ibinigay niya iyon sa akin na lubos kong ikinatuwa. Halos mapatalon ako sa ligayang aking nararamdaman ngunit hindi ko iyon ipinahalata dahil kasama ko si Ethan. Kumaway na lamang ako kay Luna bago lumakad papalayo.

"Nathaniel! Tara dun sa laboratory." rinig kong sigaw ng iba kong mga kaibigan.

"Ano na naman ang gagawin ninyo doon?" tanong ko ngunit hinila na lamang nila ako at hindi na sumagot.

Patuloy kaming naglakad patungo sa laboratoryo at hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Luna at Sophia.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kaniya na gusto mo siya?" narinig ko ang tanong ni Sophia kay Luna.

Mayroon ba siyang ibang gusto? Sino kaya iyon? Wala na ba akong pag-asa sa kaniya? Napaisip ako ngunit napagtanto kong wala nga naman talagang pag-asa magustuhan niya ang isang katulad ko.

"Tumamlay ka yata pre?" tanong ni Ethan.

"Ha? Ah wala ito, maaaring dahil lamang sa init." sagot ko at mabilis naglakad lampas sa dalawang dalaga.

"Hindi ba't siya yun? Aminin mo na, dumaan na oh! Sign mo na yun!" rinig kong sabi ni Sophia sa kaibigan.

Entangled HeartsWhere stories live. Discover now