Bumaba ako kahit na hindi pa nakakarating sa amin. I need to calm myself, I need to think straight. Ayaw ko sa mga naiisip ko tungkol kay Gabby. I need this stupid dream out of my system.
Mabagal akong naglakad at titig na titig siya sa akin. Ilang ulit akong tumigil para lang pakalmahin ang sarili dahil hindi na ako mahinga. Pakiramdam ko ay tinakbo ko ang buong subdivision- hingal na hingal ako at parang nalulunod sa sarili kong hininga. Hindi ko makontrol ang kaba ko.
Kakaiba ang titig niya sa akin. Malamig, madilim, malalim. Parang hindi ko siya kilala.
Pumikit ako sandali at pinunasan ang ilang pawis na namuo sa aking noo kahit na malamig naman ang simoy ng hangin.
The girl Infront of me is Gabby, my cousin. Hindi niya ako sasaktan.
Ilang beses kong inulit iyon dahil sa ngayon ay iyon lang ang pinanghahawakan ko.
Mabagal akong naglakad ulit habang hindi rin bumibitaw sa titig niya. Still looking for the Gabby I used to know.
Huminga ako ng malalim. I also need to clear things out. Baka naman kapag nagkausap kami ay malilimutan ko na ang panaginip kong iyon.
Kung ano man ang ipinunta at sadya niya sa akin ay siguradong importante iyon. She will not waste time to come here just for nothing. She will not waste her time on me.
Baka nga kaya siya nandito dahil may mga bagay din siyang nakikita katulad ko at gusto niyang linawin iyon sa akin. Tama, baka nandito siya dahil natatakot din siya.
Pareho naman naming alam na mag pinsan kami kahit na hindi kami vocal tungkol doon. Siguro dahil iniiwasan nang pag-usapan ng bawat pamilya ang hindi na dapat pag usapan pa. Hindi nga rin ako sigurado kung may alam ba talaga sina tita at tito tungkol sa family history ng mga Somerheld kasi ang alam ko ay dito na sila sa Nuevo Pacto naninirahan noon pa man. They were both civil naman with my Mom, they know that my Mom was a Somerheld pero hanggang doon na lang yata iyong alam nila.
Gabby was a free child. Unlike me na kailangang itago ang tunay na pagkatao para lang maging ligtas sa isang sumpang wala namang basehan kung totoo nga o hindi.
"Gab..." saad ko nang tuluyang nakalapit.
"May mga katanungan ka, tama?"
Agad bumalik ang kabang pilit kong tinataboy kanina dahil sa paraan ng pananalita niyang purong tagalog. Kikay si Gabby, maarte sa katawan kaya sigurado akong hindi siya lalabas ng bahay nila nang nakapaa lang.
Tumikhim ako. "Y-yes, G-gab," Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan. "I-I heard about what happened sa inyo ni Faith doon sa pool-"
"Hindi iyan ang sadya ko rito, Dahlia."
"W-what do you mean by Dahlia? Sinong Dahlia? C'mon, Gab! P-pagod ako. If this is-"
"Ano mang oras simula ngayon ay unti-unti nang babalik sa iyo ang ala-ala ng nakaraan kaya mas mainam na dumulog ka sa akin upang matulungan kita, Dahlia."
"W-what are you talking about, Gab? Why are you keep on saying the name Dahlia? A-are you okay?" Hilaw akong tumawa para sana maitago ang kaba ko.
Akma kong hahawakan ang kanyang noo ngunit umatras siya kaya naibaba ko ang aking kamay.
"Huwag mong gamitin sa akin ang mga modernong salita. Hindi magtatagal ay maiintindihan mo rin ang mga sinasabi ko at nasisigurado kong dudulog ka sa akin at mag mamakaawang isiwalat ko sa iyo ang buong katotohanan!" Tumaas ang boses niya.
Napa atras ako ng isang beses nang makitang nanlilisik ang kanyang mga mata. Ang kaba ko ay nahaluan na ng takot.
"Anong... ibig mong sabihin?" Napalunok ako. She's not the Gabby I know! God, mukha siyang sinapian!