BLAIRE SAMANTHA'S POV
Kapag ba nakaramdam ka ng saya, kailangan mo rin bang makaramdam ng lungkot? Yun kasi ang tingin ko e. Hindi ko alam kung bakit kailangang panandalian lamang ang saya na mararamdaman ko.
Ilang araw na rin kasi ang lumipas matapos ang nangyaring halikan namin ni min. At pagkatapos ng pangyayaring yun ay naging mailap na si min sakin. Napapansin ko ang madalas nitong pag-iwas kapag nakikita ako. Pero minsan naman ay nahuhuli ko rin siyang nakatitig sakin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong gagong di makamove on sa nangyari samin pero siya? Ewan ko na lamang.
"Ang ganda mo gurl!"bigla akong nabalik sa hwesyo at napatingin kay kiel, ang baklang nag-aayos sakin. Nang makita siyang nakangiting nakatingin sa repleksyon ko sa salamin ay ganon rin ang ginawa ko. At ganon na lamang ang pagkamangha ko nang masilayan ko ang itsura sa salamin.
Ang mata ko ay mas lalong nadepina dahil sa inilagay na mascara sa natural na mahaba kong pilik mata. Mga labi kong ngayon ay kulay pula na dahil sa ipinahid na lipstick. Mapapansin rin na mas lalong tumingkad ang pagkamestiza ko dahil sa suot kong black backless dress na pinaresan ng black stilettos.
Kay bilis ng takbo ng araw. Di ko akalaing birthday ko na ngayon. Parang kahapon lang 18 pa lang ako, pero ngayon magna-19 na.
Mahina akong nagpakawala ng hininga. Im still hoping na sana magawang makarating ni mommy at daddy sa birthday ko. Wala pa naman akong natanggap na tawag o text galing sa kanila.
"Naku gurl! Ang ganda mo ngayon kaya wag kang nakasimangot diyan. Smile! Para lalo kang gumanda." muling saad ni kiel sakin. Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Naku! Ang gwapo rin ng fiancee mo dun. Talagang pinaghandaan ba naman to."
Si min ang tinutukoy niya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung ano ang suot ni min ngayon. Hindi ko pa kasi siya nakikita simula kanina.
What if his wearing---oh shut it! Hindi ko napansing pinaypayan ko na pala ang sarili ko. Napatigil lamang ako ng mapabaling ako kay kiel na mapanuksong nakatingin sakin. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay bago lumihis ng tingin para maitago ang kahihiyan.
Yan kasi sam kung ano-anong iniisip.
"Tara na! Hinihintay ka na doon birthday celebrant. At nang sa ganon ay makita mo na ang iyong prince charming hindi iyong iniimagine mo lang. Mas mainam talaga iyong makikita mo." mahina ko naman siyang pinalo na nagpatawa sa kaniya. Sinimangutan ko siya saka tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Naramdaman ko namang sumunod sakin si kiel. Baklang to!
"Oh my god! Your so pretty bes!" salubong ni scarlett sakin na agad akong niyakap.
Yes she's here! Kahapon kasi ay tinawagan ko siya para papuntahin dito sa birthday ko. At dahil daw tunay ko siyang kaibigan ay mas pipiliin niya ko kesa sa mga lalaki doon sa palawan. Ewan ko sa babaeng to!
"Of course bakla ako ang nag-ayos e." singit ni kiel.
"Good job bakla!" sagot naman ni scarlett sa kaniya tsaka sila nag-apir. Di ko maiwasang mapakunot sa kanila. Kanina pa sila nagkakilala pero kung makapag-apir akala mo ilang taon ng magkakilala."By the way bes happy birthday. Mamaya ko na ibibigay sayo yung regalo ko."
"Thank you bes!" marahan ko siyang niyakap. Niyakap rin naman niya ako pabalik.
"Oh my.... hija! You look stunning!" kapwa naman kami napabaling kay tita celine at tito miguel na naglakad palapit samin. "Happy birthday hija!"
"Thank you po tita."
"Happy birthday hija." bati ni tito sakin.
Ngumiti naman ako, "Salamat po tito."
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomansaBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?