Chapter 15

29 12 5
                                    

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin kay Mama ang nangyari. She didn't even question me kung bakit wala akong dalang grocery, ni hindi niya rin napansin na may sugat ako sa pisngi ko. Parang ang dami niyang iniisip at parang mas naging abala siya sa pagpapack ng mga orders sa kaniya at sa pagli-live selling. I tried to question her, sinubukan kong kusang sabihin, pero parang wala siya sa sarili. I want to vent my anger, gusto kong magalit at sigawan siya sa pagiging walang kibo niya sa lahat ng bagay, pero alam kong sa mga oras na 'yon ay mas kailangan niya ng taong makakaintindi sa kaniya. Hindi rin umuwi si Papang kagabi. I hate it, I hate everything that happened to the family. Hindi ito ang pangarap ko, hindi dapat ito nangyayari, pero—

Maybe families are meant to be ruined, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya at kumpleto, na hiram lang ang mga sandaling masaya at puno ng pagmamahalan. Masakit isipin pero ganoon talaga eh...

Hindi ko namalayan na kanina pa pala nakahinto ang mga paa ko sa tapat ng dentist hospital. Hindi naman talaga dito ang punta ko, malapit lang dito ang plaza kung saan kami magkikita ni Del Reyes, pero dito ako dinala ng mga paa ko. Nagtatalo ang isip ko kung papasok ba ako o hindi. I want to confront Pang, gusto kong malaman mismo sa bibig niya ang katotohanan. Pero sa tuwing naiisip ko 'yun, dinadaga ang dibdib ko sa takot. Takot ako sa katotohanan. Gayunpaman, alam kong may karapatan akong malaman ang katotohanan sa kabila ng sakit na maidudulot nun.

I took a step in. Nasa waiting area pa lang ako, wala pa man, ay naririnig ko na ang boses ng babae sa loob ng office ni Pang.

"I told you many times to take care of your teeth. Kain ka kase ng kain ng matatamis eh, does it hurt?" Boses iyon ni Pang.

"Dad naman! Sweet is life, tsaka kumakain lang naman ako nun tuwing galing kay Jal, hehe!" Sagot naman ng babae na malambing na boses.

Dad? She called my Pang dad? And who's Jal is she talking about?

"Si Jal ba iyung palagi mong nakukuwento sa akin? Yung anak ng mayor?"

"Opo, Dad."

"Nice choice! Yan ang gusto ko, magaling pumili ng lalaki, iyung katulad ko, guwapo diba?" Pang said, with a hint of a joke. Nagtawanan sila na para talagang mag-ama.

Okay lang na nagkagusto siya sa lalaki pero pagdating sa akin ay parang kabaliwan ang magkagusto?

"Dad, alam kong guwapo ka naman but don't compare yourself to Jal. He's way 10× hotter and handsomer than you okay?"

"Halika nga dito, ng mapektusan kita!"

"Ahhh, sumakit bigla yung ngipin po."

"Oh, tama na ang kuwentuhan. Lalagyan ko na ng anesthesia, mabunot na yang sumasakit mong ngipin."

Ramdam ko sa tunog ng mga boses nila na masaya silang nagbo-bonding bilang mag-ama. Sa kung paano sila nagbibiruan at malambing, parang ang lapit-lapit ng loob nila sa isa't isa. Ang saya-saya nilang pakinggan, something I never knew Pang would have. Ni hindi ko nagawang maging ganun kalapit kay Papang, mas close sila nang mas higit pa sa inaasahan ko. And I hate how happy he is right now, I hate the way he laughed, I hate that he could act caring and sweet pero hindi sa amin. And that's when I knew I lost my dad. You got yours but I lost mine at wala akong karapatan na mag-demand dahil alam kong nauna kayo at pangalawa lang kami.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang umalis sa lugar na 'yun at tumakbo. Hindi ako naiyak pero durog na durog ang kalooban ko ngayon.

I thought I could have time alone to devour this sadness, akala ko kasi wala pa si Jal pero nauna na pala siya sa puwestong napag-usapan namin.

Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon