RESCUE MISSION

38 0 0
                                    

Nandoon parin ang dalawa sa pagbuo ng mga hakbang para alamin ang katotohan sa kanilang mga hinala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandoon parin ang dalawa sa pagbuo ng mga hakbang para alamin ang katotohan sa kanilang mga hinala.

"Sa susunod na linggo magbubukas na ang resort mo, at kasabay pa ng kabilugan ng buwan. Pupunta ka ba?." paalala ni Pawi kay Jelo

"Kailangan ko muna malaman kung nasaan si Arcel bago pa dumating ang araw na iyon Pao." Ang nababahalang tugon ni Jelo.

"Pero saan naman natin hahagilapin Ang Arcel na iyon, eh maging Ang impostor na Arcel hindi rin nagpapahuli." sambit pa ni Pawi.

Sa kalagitnaan ng kanilang paguusap, nagulat ang dalawa nang may nagsalita sa sahig.

"Ako alam ko."_isang alimango ang bigla na lang lumabas mula sa ilalim ng kama ni Jelo. At nag salita ito.

Agad na inusisa ni Pawi ang nakitang nilalang dahil sa may naramdaman ito dito.

"hindi ka pangkaraniwan alimingo, saan ka galing, bakit ka nandito? At paano ka napunta dito?" tanong ni Pawi sa alimango.

"huwag kayong matakot, hindi ako kalaban" Sabi pa ng alimango.

"Baka Ikaw matakot sa amin kung kikilawin ka namin. Sagutin mo tanong namin. Saan ka galing at paano ka napunta diyan?" tanong pa ni Jelo.

"Ako si Amirillo, galing ako sa resort. Isa ako sa mga trabahante doon. Ngunit ng matapos na Ang resort Isa Isa na kami binalik ni Baracula sa pagiging alimango. Iyon ang dahilan bakit wala na kayong nakitang mga nagtratrabaho sa resort nang pumunta kayo." bulalas pa ng alimango nang magpakilala ito sa kanila.

"sino si Baracula?" tanong ni Jelo na may pagtataka.

"Sabi ko na nga ba na may kinalaman ang mga lamang lumot sa nararamdaman ko noong pumasok tayo sa resort. Si Baracula ang kanang kamay ni Bukawa, Ang naging kabiyak ni Tulum. Kilala sa buong karagatan Ang kalupitan at kasamaan ni Bukawa sa lahat ng mga lamang tubig na sumusuway sa kanya. Galit si Bukawa sa mga lahi ng sirena at Kataw dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Nagkaroon kasi dati ng madugong labanan sa pagitan ng mga Kataw at mga lamang lumot. Naitaboy Ang mga kugtong at shukoy. Natalo Ang mga lamang lumot,. at napatay ni Haring Maguyawhan ang ama ni Bukawa." kuwento pa ni Pawi.

"Teka-teka lang ang gulo eh. Bakit na sangkot dito si Bukawa na iyan? At si Baracula ano ang kinalaman niya sa resort? Bakit nasabi mong nagtatrabaho kayo doon?" usisa pa ni Jelo sa alimango.

"Si Martin ,ang nakausap niyong si engineer Solivan. Hindi siya tao, siya si Baracula." Sabi pa ni Amirillo.

"Siya si Baracula?, ibig sabihin hindi lang tayo nakikipaglaro sa isang simpleng lamang lumot Jelo. At kung nandito na sa lupa si Baracula, Isa lang ang ibig sabihin nito, nandito na rin sa lupa si Bukawa." hinala pa ni Pawi.

"Ano? Paano? Bakit? ano ang ginagawa nila sa resort at kung si Baracula nga si Martin,...nanganganib din ang ama ko?" Tanong ni Jelo na bigla na lang nabahala sa seguridad ng ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Lover, Lair and a Legend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon