chapter 4- The Beginning

52 0 0
                                    

Kristal Erin's POV

  Haayy! Ganito pala ang feeling ng inlove! Yung para bang every minute naeexcite ka. Everyday good mood ka tas mapapangiti ka nalang. Haaayy ('♡‿♡').. !

Bangon na nga ako. Malelate pa ko sa school. Ay oo nga pala may susundo sakin ngayon! Di ko mapigilang hindi kiligin. Hahaha!

"Lalalala!" Yun oh. Nagiging singer na naman ako. Hihi.. sarreehh!!

Pagkatapos ko maligo, bihis na agad! Then konting polbo, apply ng lipgloss at syempre wisik muna ng pabango! Nang may kumatok.

"Kristal iha, bumaba kana para makapag-almusal kana.  Andito na pala yung sundo mo." Sunod-sunod na sabi ni yaya.

"Opo ya. Bababa na po!" Sagot ko sa kanya.

Pagbaba ko ng hagdan. Grabe ang gwapo ni James. Nakaupo siya sa sofa at kausap niya si Daddy. Oh my! Baka anong sinasabi ni Daddy sa kanya!

"Good morning Dad! Good morning James!" Sabay halik sa cheeks ni dad at James.

"Kain na tayo iha. Nakahanda na ang almusal. Sumabay kana din iho." Sabi ni dad.

Habang kumakain kami. Ang tahimik naman. Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko nang biglang nagsalita si Daddy.

"Kristal, may gusto ba kayong sabihin sakin ni James?" Tumingin siya samin ni James.

"Ah eh kasi daddy.." hindi ko na naituloy kasi biglang sumingit si James.

"Ah tito, girlfriend ko na po si Erin." James

Halah! Bakit niya sinabi agad? Hindi ba pwedeng sabihin niya na nililigawan niya ko? Napaka-straight to the point niya talaga magsalita! Kinakabahan tuloy ako. Baka kasi magalit si daddy. Ang seryoso kasi ng mukha niya! Baka paglayuin niya kami! No!! Hindi pwede! Hindi ako makakapayag!

"Congrats iho! Sa wakas! Hindi kana torpe! Hahaha!" Hala anyare kay daddy?

"Hindi ka galit dad?" Sabat ko naman.

"Why should I iha? Eh matagal ka nang mahal nitong bestfriend mo Kristal Erin." Sabi ni daddy. Weh? Bat niya alam? May hindi ba ko alam? Tumingin lang ako ng James. Umiwas siya ng tingin. Huli ka!

"Ui anu yan ha?" Sabi ko sa kanila.

Ngumiti lang si daddy. Hmmp. Ayaw pa nila sabihin.

Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami niJames sa school. Ayiiehh! Kinikilig pa din ako ih! Haha!

Xavier James POV

"Baby bakit ka nakangiting mag-isa jan ha?" Tanong ko sa kanya.

Nagpout lang siya sakin. At nagblush, ang cute talaga ng girlfriend ko.

"Eh naninibago lang kasi ako sa tawag mo sakin." She pouted again.

"Masanay kana baby. Kasi you're always be my baby forever." I said to her. Haha! Namumula na ang mukha niya.

"Ang corny mo!" Sabi niya pero ayun nagpipigil ng kilig. Haha! Sasagot na ulit sana sa kanya ng may kumausap sakin.

"Hi Xavier! I'm Althea nga pala. Classmate tayo sa Accounting 1." Sabi nong babae. Este Althea nga pala. Tumango lang ako sa kanya. Nagulat ako ng mag-walk out si Erin.

"Erin! Wait!" Hinabol ko na siya. Ang bilis niyang tumakbo. Grabe naman tong babaeng to. Buti nalang mahal ko.

"Ay ano ba yan Thea, ang suplado. Hindi ka man lang kinausap." Narinig ko nalang na sinabi ng kasama ni Althea.

Pagdating ko sa room, andun na upuan namin si Erin. Nakasimangot na naman.

-TBC-

Please vote or comment naman po kau.. please (┳Д┳)

Salamat po (^_^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDS? or LOVERS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon