Thea's POV
What is the essence of a woman?
Mostly, people will say that giving birth is the woman's greatest essence. Although I'm not against the idea, my young self just doesn't want to accept the fact that it's the first thing that comes into people's mind just because it's one of the few things a women can do but men can't.
But now, as I stare at the light above me, I felt numb while doctors are doing their job. Slicing my belly for an opening. Seems like nothing else matter. Not even the profound weakening of my heart.
I closed my eyes as I felt something is coming out from my body. I weakly smiled, still not opening my eyes. I know. My suffering will soon come to its end.
My heart beats faster than it was when I finally heard my baby's first cry. The product of my love for Raphael. And also my very last gift and memory to give.
Pasensya na, anak. Hanggang dito lang ang kaya ni mama. Pero huwag kang mag-alala. Alam kung mamahalin ka ng papa mo. Sigurado ako dun. Siguradong sigurado.
Droplets of my tears started to fall from my eyes.
Finally.
I made it.
Nararamdaman ko na ang unti-unting panghihina ng aking katawan. Tila ba naubos na ang enerhiyang kayang ibigay ng bateryang matagal ko ng ginagamit. Ni hindi ko man lang maigalaw ang aking mga daliri at tanging talukap na lamang ng aking mga mata ang pilit kong pinapanatiling dilat.
Hindi ko na kaya. Alam kong hindi na talaga.
Pero gusto ko pang magtagal dahil baka dumating siya.
Baka maabutan niya pa ako bago ko ipikit ang aking mga mata, lumisan, at magpahinga.
Siya lang ang gusto kong makita, wala ng iba.
Raffy...
...huwag mo naman sana akong biguin.
Kahit ngayon lang. Ako muna.
Third Person's POV
Hindi mapakali si Owen habang nasa labas ng Operating Room. Alam niyang critical ang lagay ni Thea at napakababa ng posibilidad na kayanin ng puso ng babae ang panganganak.
Nagpapasalamat nga siyang pumayag ang babae na sumailalim sa cesarean section upang mas mapadali ang kanyang panganganak. Ngunit halos isang oras na ang nakalipas nang magsimula ang operasyon.
Kung pwede nga lang na siya ang magsagawa ng operasyon sa babae ay gagawin niya pero hindi pumayag ang ibang doctor sa nais niya sapagkat kilala niya ang pasyente at maaaring makaapekto ito.
Walang ibang nagawa ang lalaki kundi ang maghintay at magdasal para sa mabuting kalagayan ni Thea at sa anak nito.
Kung sakali mang hindi siya mapagbibigyan ng Diyos, hinding-hindi niya mapapatawad ang pinsang si Raphael.
***
Palubog na ang araw nang makauwi si Raphael sa kanyang bahay galing sa trabaho. Ang bahay na ito ay dating tinutuluyan nila ng kanyang dating asawa na si Thea.
Pagod na hinubad niya ang kanyang coat at umupo. Hinilot niya ang kanyang pumipintig na sentido bago pumikit at tumingala.
Sobrang bigat ng pakiramdam niya ngayong araw. Para bang may pinapasan siyang mga sako ng bigas. Kung nandito lang sana si Thea, alam niyang imamasahe siya agad ng babae.
"Sir! May nagpadala po ng liham para sa inyo. Pasensya na po kung ngayon ko lang naibigay." Lumapit ang isa sa kanyang mga katulong at inilahad ang isang sobreng may lamang sulat.
Walang nakasulat kung kanino galing ang sulat nang tingnan niya ang sobre kaya binuksan na lang niya ito at binasa.
——————————————————————
ROS Hospital
Brgy. Tinaguan
St. Paliko-likoCongratulations, Raffy!!!
You're finally going to be a father sooner or later. Kaya huwag ka ng mag-alala tungkol sa magiging tagapagmana mo. Just focus on your happiness. Nothing makes me happier than watching you live your life without worrying about what your parents will say.
I know you've suffered a lot by just wanting to be yourself. Hoping that someday your parents will just accept and support you. It's been hard for you to live up with their expectations. You even reach the point where you need to deceive everyone. But not me.
Ayaw ko ng makita kang nagkukunwari. Alam ko naman kung ano ang totoo. Please be true about what you really feel. Yun lang naman ang gusto ko.
You love Lhanz.
Tanggap ko na. Matagal na at simula pa noong narinig ko ang pag-amin mo sa kanya. Oo, masakit. Sobrang sakit. Pero kailangang tanggapin ang katotohanan.
Nasasaktan ako pero alam kong nasasaktan ka rin, mahal ko.
Sobrang saya ko noong mga panahong mag-asawa pa tayo. Pinaramdam mo sa'kin lahat ng gusto kong maramdaman habang akin ka pa. And I took advantage of that, that's why I let you go. Kasi alam kong ako lang yung masaya.
I'm sorry. Please accept our child with no regrets because you didn't took me for granted. You never did, so there's nothing for you to be sorry about. I've been willing to help you. You know...
...that's how I love you so much.
Truly yours,
Theazalyn Almuena——————————————————————
Binasa ni Raphael ng paulit-ulit ang sulat ni Thea. Sinisigurado kung tama ba ang kanyang nabasa na magiging ama na siya.
He can't explain the happiness he felt. Without any hesitations, he immediately drove his car.
BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
De TodoIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...