Chapter 32

6 3 0
                                    

ALEXA

Pagabi na pala, nag-book ako ng ride sa Angkas kasi malamang wala na naman akong tricycle na maabutan diyan sa labas. Nakauwi na lahat ng co-teachers ko at ako nalang ang naiwan, since I don't have an advisory class - sa faculty room ang office ko, at dahil ako ang pinakabago kaya I should have the initiative to clean the room bago ako uuwi.

*Deep breaths*

I'm tired, pero ang dami ko pang dapat gawin. Nakapag-submit na ako ng grade sheets at malapit na ang closing ceremony for this school year but that doesn't mean na hayahay na. Ayun, since new teacher ako - ako na assign na mag-MC saka gagawa ng invitation, sana lang may program na silang ibibigay para maglelayout nalang gagawin ko.

After locking the faculty room, tinahak ko na ang covered path patungo sa gate saka nag-time out at paalam na din sa nagbabantay na sekyu. Na-upo muna ako sa waiting shed habang ina-antay yung rider na maghahatid sakin ng bahay.

Magpapasundo sana ako kay Brianne para less gasto sa pasahe pero may family dinner daw sila kasi may iya-annouce father niya, probably about sa business or something family-related.

He told me naman that he'll come to my place afterwards and magcecelebrate daw kami kasi may work na siya. As a way to congratulate him for landing a job at a well-known company, I ordered a cake and bought a bottle of wine. Gusto ko sana siyang ipagluto pero dinner yung pinuntahan niya kaya malamang kakain na siya dun.

*Blush* sana magustohan niya tong gift na hinanda ko.

Pagdating ko sa bahay, saktong paalis naman ang kapatid ko para sa trabaho niya sa comshop. Buti nalang sobrang bait ng kuya ko at wala akong nadadatnang gawaing bahay paguwi ko galing ng trabaho.

"Nasa lamesa yung niluto kong ulam, kumain kana after mong mag-bihis" bilin niya

"Opo kuya, ingat!" sabi ko bago isarado yung pinto pagkalabas niya

Yung kwarto ko nalang ang aayusin ko, nakakahiya namang madatnan na naman ni Brianne yung mga nakakalat na portfolios at written activities ng mga students ko.

After ko mag-bihis at kumain, I went back to my room and placed everything into order then sprayed air freshener after cleaning. Saka ako naligo at nag-ayos tapos inihanda na sa lamesa yung cake at wine. Aantayin ko nalang na dumating yung boyfriend ko.

I thought he'd be here at 10 o'clock pero 8:30 palang at nandiyan na siya kumakatok sa pinto.

Patakbo kong binuksan ang pinto para salubungin siya "Babe!---"

"Oohhh, sorry I'm not him" nandito na naman siya

"Mr. Lim" sambit ko habang tinatali ang suot kong silk-robe *embarrassed* akala ko pa naman si Brianne lang yung darating, nagsuot tuloy ako ng nightgown.

"Uhmm, sorry I saw something I'm not supposed to see" *flustered* he looks away, magkaiba nga sila ng itsura ng kapatid niya pero pareho lang sila ng reaction, namumula ang mga tenga nila

"I, I'm sorry I can't invite you in" sabi ko, I don't care if it sounds rude - ayokong magalit bf ko

"Okay lang, may sasabihin lang naman ako" now he looks back to me and napaka-seryoso ng mukha niya

"I can't *sighs* I'm all ears" gusto ko na siyang paalisin pero yung curiosity ko kasi ang nangingibabaw

"I know you love my--- that pathetic idiot you call boyfriend, but hear me out. I know it will hurt you" he keeps beating around the bush

"Kung sisiraan mo lang siya hindi kita pakikinggan" I'm about to close the door

"He's engaged! And with his fiancee at the moment" Sabi niya sabay pigil sa pinto

She's Kinda Hot (The Remake)Where stories live. Discover now