Interaction
─────⊱🥀⊰─────
Kianna's Point Of View
Napabuntong hininga ako.
Wala na akong ibang choice kun'di umupo sa upuang malapit sa mga pinsan ko. Sana walang maka pansin sa akin dit--
"Oh, nandyan ka pala Kina. Halika rito. Para may kasama ka" tawag sa'kin ni Kuya Leyhz.
Nanigas ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Naglalakad na siya papalapit sa'kin.
"A-ay h-hindi, okay lang ako dito" pagtanggi ko .
"Halika na. Huwag ka nang mahiya sa'min dahil mga pinsan mo kami"sabi niya habang marahan niya akong hinihila papunta sa kinauupuan ng ibang pinsan ko.
Hindi ko alam pero kusa akong nagpatianod sa hila niya. Natatakot ako na kapag tumanggi pa ako ay saktan niya rin ako katulad ng ginawa sa'kin ng unang pamilyang umampon sa'kin.
Agad silang napatingin sa amin ni kuya Leyhz pagkadating namin doon sa table nila.
"Makikiupo daw siya sa atin" sabi ni kuya Leyhz.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Ang tangkad kasi. Napatingin din siya sa'kin at ngumiti.
Wala naman akong sinabi na makikiupo ako ah? Siya ang nagyaya. Napayuko ako dahil bumalik nanaman ang hiya ko.
Pero ang hindi ko inaasahan...
"Dito ka na Kina" sabi ni kuya Louis patukoy sa tabi niyang upuan.
"Hindi! Dito dapat siya sa tabi ko!" reklamo ni Luz sa kuya niya. Binelatan naman siya pabalik ni Kuya Louis.
"Dito ka sa gitna namin Kina" sabay na sabi nina Kuya Raphael at Rylee.
"Dito Kina oh, bakante 'yong upuan" sabi ni Ronnie habang tinutulak ang katabi niyang si kuya Rainier hanggang sa maging bakante na talaga ang upuan.
"Tado kang bata ka!" Sigaw naman sa kanya ni kuya Rainier at agad siyang nakisiksik sa upuan ni Roxhtin na agad ding nahulog sa kanyang kina-uupuan.
Humalakhak sa tawa si kuya Rainier ng makitang pulang-pula na sa galit ang mukha ni Roxhtin.
Kaya no choice si Roxhtin kun'di ang umupo sa lamesa nila dahil wala ng bakanteng upuan. 'Yong iba naman daw kasi ay para sa'kin. Natawa ako nang tignan ng masama ni Roxhtin si kuya Rainier, na ngayon ay tawa parin ng tawa.
"Oh, paano ba yan? Marami ang gustong makatabi ka? Pumili ka ng mabuti, baka mamaya mag away-away 'yang mga 'yan." Pagkasabi iyon ni kuya Leyhz ay agad naman akong napalunok.
"Puwera na lang kung 'yong pipiliin mong makatabi ay iyong mga hindi pa nagyayaya sa'yo" sabi ni Kuya Leyhz na ang tinutukoy ay ang mga anak ni tita Keya.
Bakit kaya gano'n? Ang bait ni tita Keya samantalang 'yong mga anak niya--ewan ko na lang.
Tinignan ko si Kieth na awtomatikong nagtaray at nagsungit sa'kin. Hindi... Ayoko. Hindi ako uupo sa tabi ng Kiethong na 'yan.
Lumipat ang tingin ko sa katabi niyang kambing este kambal na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.
Ayoko! Hindi ako uupo diyan sa tabi ng dalawang iyan. Ang sarap niyong tawaging owlet twin!
Tinignan ko naman ang katabi ng kambal na si Kuya Vio. Nakatingin lang siya sa cellphone niya. Hindi rin ako tatabi sa kanya dahil baka mamatay pa ako sa sakit sa puso kapag nagkataon.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mystery / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...