29

805 22 22
                                    

Maagang nagising ang lahat dahil ngayon na ang flight nila pabalik ng manila. Todo abala naman sila sa pag-aayos ng gamit dahil baka may maiwan sila. Bigla naman nagring ang cellphone ni miguel kaya agad niya naman itong sinagot.
________________________________
Nasa loob na sila ng eroplano ngayon at halos magkakatabi lang din ang mga upuan nila. Nasa likuran naman sila alyssa, ysay, at marck.

"Marck, bakit parang hindi mapakali si miguel? Kanina pa yan ah." Tanong ni aly ng may halong pagtataka. Actually, hindi lang si Aly ang nakapansin sa girls na parang biglang naging aligaga si miguel at mukhang hindi mapakali.

Marck: Bianca called earlier. Sinugod daw sa ospital si julia. Nag-aapoy daw kasi ang lagnat.

Napatingin naman silang tatlo kay miguel na nasa medyo harapan lang nila at kanina pa tingin ng tingin sa kanyang relo.

Jia's POV

Kakababa lang namin ng eroplano at nandito kami ngayon sa airport habang naghihintay ng sundo.

Mich: Oh miguel, san ka? Wala pa yung sundo natin.

Rinig kong sigaw ni mich kay miguel na naglalakad na kaagad palabas. Napalingon naman si miguel sa amin at nagwave na ng kamay. "I'll go ahead. I'll take a cab nalang."

Napaharap ako kay mich with an "ano yun?" look.
"Nagmamadali yata." Sabi niya.

Inayos na namin yung mga gamit namin at sakto naman na dunating na yung sundo namin. Ako, kila ate ella muna dederetso. Wala daw kasing tao sa bahay dahil wala pa sila mamu.

"Babe, ako na." Sabi ni karlo at kinuha yung bag ko. Hinayaan ko naman siya na dalhin yung isa ko pang bag. Hindi rin naman 'to papayag pag hihindi ako eh.

Pagkasakay na pagkasakay namin ng van, nakaramdam ako bigla ng antok. "Sandal ka nalang dito oh" sabi ni karlo and he offered his shoulder. I just smiled and placed my head on his shoulders. Papikit na sana yung mata ko pero nahagip pa nito yung daliri ko na may suot na singsing. And I remembered, I'm engaged...with someone else.

End POV

Kakadating lang nila jia sa bahay nila ella. Si von at yung mga couples nila eh umuwi din muna sa kani -kanilang mga bahay. It's just denden, ella, jia, and alyssa in the house kaya for sure, kalokohan na naman ang gagawin nitong mga 'to.

Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa ngayon habang nakatulala. Medyo pagod pa dahil sa biyahe.

Ella: Movie marathon?

Bigla namang nagliwanag ang mga mata nung tatlo.

Denden: Iset up mo na besh! Jia, gawa tayo ng popcorn? Ella, meron ka pa bang stock dito?

Ella: Meron pa yata dun sa cabinet. Ly, you know what to do.

Agad namang tumayo si jia at si denden para gumawa ng popcorn at iba pang mga kakainin nila including the drinks. While si ella naman ang taga set-up ng DVDs. Si alyssa ang incharge sa hihigaan nila at sa pagpapadilim ng room para magmukhang sinihan.

Maya maya pa ay tapos na nilang gawin ang kanya kanya nilang task at nagsimula na nga silang magmovie marathon.

Aly: Just like the old times.

"Yeah!" Sagot nung tatlo habang ngumunguya pa ng popcorn. Bigla namang nabilaukan si denden. Kinati siguro ang lalamunan.

Jia: Ate ella!!! Tubig!!!

Ella: Ly! Tubig!

Aly: Jia!

Halos batukan na nila si denden para matanggal yung pagkasamid. Nung okay na siya, nakahinga na rin sila ng maluwag dahil halos hindi na makahinga si denden kanina.

The More You Hate, The More You Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon