°°°Chapter 76°°°
Habang lumalalim ang gabi ay lalong nananalasa ang mga busaw at alasik sa buong Baryo, halos mapuno ng sigawan, hiyawan at iyakan ang buong Baryo
Napapatakip na lamang ng kanilang tainga ang apat habang nakaupo na magkakatabi sa isang kwarto para samasama silang protektahan ang sarili nila lung sakaling mapasok sila ng mga mabagsik na aswang
Habang sa labas ng bahay at sa kalsada ay nagkalat ang mga piraao ng katawan ng mga kababaryo nila, nadiligan ng dugo ang tuyong lupa, umaalingasawa ang lansa at humahalo sa maalinsangan na hangin
Nagkalat ang mga ulo sa bawat gilid kasama ang mga parte ng katawan na putol putol at ang katawan na nakatiwangwang, biyak ang tiyan at wala ng lamang loob
May ilan naman na puro buto na lamang at nagkalat iyon sa kalsada na sinipa sipa na lamang ng ilang mga aswang na naglalalad at naghahanap ng bahay na mapapasok
Dahil karamihan sa bahay doon ay matibay kaya iilan lang ang napasok ng mga aswang, ang mga bahay na iyon ay gawa sa pawid o nipa, o iyong bahay na madali lang gawin at masira, mga kubo na halos lahat ay sora na at wasak, habang makikita sa loob ang mga katawan na pira piraso at nagkalat na parte, halos nadidiligan na din ang silong ng mga bahay ng dugo na mula sa mga bikimang aswang
Ang gabing iyon ay tila napakahaba at napakabagal ng oras para sa mga naging biktima, pero para sa mga aswang ay pabor sa kanila dahil mas marami silang malalantakan at mabibiktima para sa gabing iyon, kaya nagpakasawa ang mga aswang, kung sino ang makikita nila at mapapasok na bahay ay agad na nilalantakan at walang itinitirang buhay kahit na ang mga sanggol na walang kamalay malay
•
•
•
•
•
•
•
•Kinabukasan
Nanlumo ang apat ng lumabas sila mg bahay, halos mapasula sila sa kanilang mga nakita at naamoy, dahil ng umihip ang hangin sumabay ang malansa at nabubulok na laman ng tao na kanilang naamoy
Hindi na nila kinaya kaya nagsusuka na sila ng makita ang nagkalat na parte ng kanilangga kababaryo na magkalat sa labas lalo na ang mga buto ng tao na nilalangaw ng mga sandaling iyon,
Nakita din nila ang mamula mulang lupa na nadiligan ng dugo ng mga tao, mamasa masa pa ang mga iyon at nilalangaw, napakaraming langaw ang nagkalat sa paligid dahil sa amoy na humahalo sa hangin
Nadidinig din nila ang mga iyak at panaghoy ng mga tao sa paligid na namatayan ng kanilang mga kaanak, umiiyak ang mga ito habang tinatawag ang pangalan ng mga nawawalang kaanak
Tapos iiyak at sisigaw sa panaghoy kapag makita ang mga ulo na nagkalat sadi kalayuan, doon kasi tinambak ng mga aswang ang lahat ng ulo ng kanilang mga biktima
Wala din kasi doon ang tatay ni Lolo Rene ng gabing sumalakay ang mga aswang dahil nasa kabilang Baryo iyon at tumutugis ng mga aswang na lumusob, hindi nito naproteksyunan ang sariling Baryo sa kamay at hayok na mga Busaw at Alasik
Hindi nakakibo ang apat habang naglalakad sila at nag aalok ng tulong para mailibing ang mga namatay na kababaryo nila
Abala ang lahat sa pag gawa ng malaking hukay para doon nila sama samang ilibing ang lahat ng mga pinatay ng mga aswang, habang ang mga tanod naman ay sama sama at tulong tulong na inipon ang mga katawan, ulo at mga parte mg katawan na kung saan saan nila natagpuan
Dinasalan naman iyon ng Pari at mga Madre ang mga katawan bago tinabunan ng lupa at nilagyan ng kahoy na krus sa ibabaw ng lupa habang panay iyak ng mga kaanak ng mga namatay
Tahimik lang na naglalakad ang apat pabalik sa bahay nila Elinea, walang nagsasalita kahit isa sa kanila, nakikita naman nila ang mga tanod na nilikinis ang mga nagkalat na dugo sa kalsada at paligid
Napatingala sa kalangitan si Angela kaya napatanong sa dalaga ang katabi
"Anong mayroon?,"tanong ni Joorie sa katabi
"Makulimlim, maaga pa lang pero parang papagabi na,"sagot nito sa kaibigan
"Iba ang pakiramdam ko,"ani ni Elinea,"Panganib at trahedya ang binabadya ng panahon,"
"Huwag mong sabi.....,"hindi na naituloy pa ni Joorie ang itatanong at sasabihin ng makadinig sila ng sunod sunod na sigaw at angil na nadidinig nila sa di kalayuan
"Sabi ko na nga ba eh,"ani ni Elinea,"Susugod sila dahil makulimlim ang panahon, tara na at bilisan natin ang pagtakbo!,"sabay hila kay Veronica patakbo pauwi sa bahay ng mga magulang nila
Palingon lingon naman sila habang tumatakbo, nakita nila sa hindi kalayuan ang grupo ng mga aswang sumusunggab sa mga taong naaabutan nila, walang pag aatubiling hinahati at pinagpuputol putol ang mga katawan ng tao na kanilang maaabot, kinakagat at nginangasab bago itatapon sa gilid ang mga katawanng taong biktima nila
Mabibilis na kumilos ang mga Alasik habang ang mga Busaw ay pinuntirya ang mga kabahayan kung saan tumatakbong papasok ang mga taga Baryo na aligaga kung paano ililigtas ang kanilang mga sarili lalo na ang kanilang mga maliliit na anak na ngayon ay umiiyak na dahil sa takot
Lalong kumulimlim ng mga sandaling iyon, nawala ang sikat ng araw na nagtago sa makapal na ulap kung kaya mas lalong nagkaroon ng lakas ang mga aswang na lusubin ang Baryo
Sa bungad ng Baryo ay dumating ang bago pang grupo ng mga Alasik na siyang pinaka marami kumpara sa mga Busaw na halos kalahati lang ang bilang kumapara sa mga Alasik na lalong bumabagsik ng mga sandaling iyon lalo pa at nakakain na sila ng karne ng tao ng nagdaang gabi
"Bilisan na natin!,"ani ni Angela na kababakasan ng takot, dahil wala silang sandata na panlaban ng nga sandaling iyon, dahil dala iyonng tatlong binata
"Paano tayo lalaban?,"tanong ni Joorie,"Kailangan natin lumaban para mabuhay tayo!,"sabi pa nito habang tumatakbo,"Wala tayong aasahan kundi ang ating mga sarili lang, wala pa sina Lucas, at ang mga magulang ni Elinea, hindi pwede na tatakbo at magtatago lang tayo sa loob ng bahay,"
"Tama po si Ate Joorie,"pagsang ayon ni Nica,"Maghanap po tayo ng sandata na pwede po natin ilaban sa kanila para po sa kaligtasan natin,"mungkahi nito sa kanila
Sasagot pa sana si Elinea ng dambahan iyon ng isang Busaw kaya nadapa iyon at nabitawan si Nica na patuloy lang sa pagtakbo
"Si Ate Elinea!,"ani ni Nica kaya tarantang naghanap kaagad ng sandata ang dalawa bago niya binalikan amg kanyang Lola Elinea na kinakagat na sa leeg ng Busaw habang unti unting bumabaon sa tiyan nito ang mga kamay na may mahahabang kuko
Nakakuha naman kaagad si Nica ng matulis na kahoy kaya kaagad bitonh isinaksak sa likuran ng Busaw ng may diin at galit
"Lubayan mo ang Lola ko!,"sigaw ni Nica sabay diin ng kahoy na pinatulisan habang wala pa ang dalawa
Umatungal at umangil iyon bago namatay, kaya kaagad na nilapitan nito si Elinea na naghihingalo na ng mga sandaling iyon
Butas ang tiyan nito at wakwak na ang leeg, habang maraming dugo ang umaagos sa mga iyon, umiiyak na si Nica ng dumating ang dalawa na punong puno na ng dugo ang mga mukha at katawan ng mga ito na alam niyang napalaban sa mga aswang na nakasalubong nila papalapit sa kinaroroonan nila ng kanyang Lola Elinea
Habang papasugod sa kanila ang mga Busaw na naglalaway at hayok na hayok sa kanilang laman
•
•
•
•
•
•
•
•Itutuloy
Ano na kaya ang mangyayari sa kanila?
Maabutan pa kayang buhay nila Vleane at ng pamilya nila Lolo Ernie ang kapatid?
Kakayanin kaya nila ang sandamakmak na mga aswang sa Baryo?
Abangan.....
Please leave a Comment and reaction
And dont forget to Vote
Thank you....
•••••akiralei28
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...