Part 4

37 0 0
                                    

M

abilis na lumipas ang maraming araw at buwan. Sa susunod na linggo ay nalalapit na ang araw ng pagtatapos ni Jordan sa kanyang kinuhang two-year course sa college. Nung isang araw lamang ay ang kapatid niyang si Jerome ang nagtapos sa elementarya. Nagtapos itong First Honorable mention. Masayang masaya ang kanilang nanay Marta. Pati siya’y masaya rin para sa kanyang mga kapatid.

Kaya habang may ilang araw pa siya upang makapaghanda para sa kanyang graduation ay nagtrabaho muna ang binata sa palayan. Tamang tama ang panahong iyon para sa kanila dahil panahon iyon ng anihan. Nagkukulay ginto ang buong nayon dahil sa hinog na butil ng mga palay na naghihintay na lamang na sila’y gapasin. Mamumutiktik na naman ang mga saku-sakong palay na gigilingin sa gilingan sa bayan.

Papalapit na ang buwan ng tag araw kaya mainit na ang panahon sa kanilang nayon. Bakasyon na rin ang ilang mga bata sa kanilang kapitbahay at ngayo’y abala na agad ang mga ito sa pagpapalipad ng mga saranggola sa mahanging bahagi ng bukirin. Kahit malaki na ay napapangiti na lamang ang binata dahil kahit malaki na siya ay namimiss parin niya ang pagpapalipad niya noon ng saranggola kasama ang mga bata sa kanilang baryo. Pero ngayon ay hindi na niya dapat ginagawa dahil malaki na siya.

Binilisan ng binata ang pag gagapas ng mga hinog na palay dahil magtatakipsilim na at kailangan na niyang umuwi at magpahinga. Natapos na niya ang huling balumbon ng inaning palay nang may tumawag sa kanya. Napalingon siya sa pinagmumulan ng tawag. Si Anya na kababata niya.

“Oh, Anya. Akala ko ba nakaalis ka na?”, anang binata. Lumapit ito sa kaibigan habang nagpupunas ng pawis sa malapad nitong mukha.

Napangiti si Anya. “Umalis na ako doon eh. nakahanap na kasi ako ng bago at mas magandang trabaho saSan Mateo..”,

“Ah ganun ba? Eh bakit mo naman naisipang umalis doon?”, nagtatakang tanong ni Jordan.

“Sakitin na kasi si tatay eh. Walang mag aasikaso sa kanya sa bahay kasi alam mo naman si nanay me trabaho rin sa palengke..”, sagot ng dalaga. “Mas mabuti na rin yung umuuwi ako ng madalas sa bahay, tutal malapit lang naman ang pagtatrabahuan ko.”

Nag iisang anak lamang si Anya. Ang itay nito ay kaibigan ng kanyang tatay Artemio na isa ring mason at karpintero. Ang nanay ni Anya, kagaya ng kanyang nanay Marta ay may maliit ding puwesto sa pamilihang bayan pero mga gulay ang itinitinda nito, samantalang isda naman ang itinitinda ng kanyang ina.

“Hmm mabuti na rin pala ang ganun. Mahirap na nga kung madalas na mag isang naiiwan sa bahay ang tatay mo. Kasi diba gabi na rin kung makauwi ang nanay mo..”

Hindi umimik si Anya. Napapansin niyang kanina pa ito pasulyap sulyap sa kanya na tila hindi naisasaloob ang mga sinasabi niya. nginitian siya ng dalaga nang may maalala ito.

“Siyanga pala may dala akong ginatan. Nagluto ako kaninang hapon. Diba gusto mo ang ginatan? ”

“Ha. Talaga? Nakakahiya naman pero sige hindi ko tatanggihan yan, eh paborito ko ”, anang binata at sabay silang nagkatawanan. Sumunod siya sa kababata papunta sa maliit na kamalig na nasa ilalim ng punong kaimito at palumpon ng mga madre de cacao.

Habang nakasunod siya sa likuran ng dalaga ay may kung anong pilyong bagay na pumasok sa kanyang isipan. Lalo na nang mapagmasdan ang magandang hubog ng katawan nito na mas lalong lumutang sa suot nitong manipis at maikling shorts. Naka yellow blouse lang ang dalaga na niyang kababata. napakalaki talaga ng improvement ng kaibigan niya mula nang makapagtrabaho ito saCebu. Tama nga siguro ang madalas niyang marinig na kapag nakapunta ka sa isang malayo at industryialisadong lugar, maraming magbabago sayo. Kaya naisip niyang bigla ang Maynila.

“Heto oh..para sayo. Ubusin mo lahat yan ha..”, iniabot sa kanya ni Anya ang isang medyo may kalakihang baunan.

“Ikaw di mo ‘ko sasabayang kumain? ”, may pilyong ngiti na sumilay sa mukha ng binata. Namula tuloy si Anya sa tanong niya.

Tumapak Man Sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon