CHAPTER 23

40 25 20
                                    

Hindi ko napigilan ang sarili ko na saktan sya. Nasagad nya ang pasensyang natitira sa akin. Unang araw palang namin dito ginugulo na nya agad kami. Hindi ko sya kilala, wala akong alam ni isa tungkol sa kung sino sya at kung ano ang pagkatao nga pero isa ang sigurado ko, masisira ang pamilya ko kapag naniwala ako sa paninira nya.

"Larissa!" hinawakan ni Callen ang braso ko para pigilan ako sa pananakit sa babaeng kaharap.

Sa sobrang galit ko hindi ko namalayan na hawak ko na ang buhok ng babae at sinasabunutan sya.

"Hon tama na, tama na, kumalma ka muna."

Sinamaan ko ng tingin si Callen. "Paano ako kakalma, Callen? Tangina sinisiraan ka nya sa'kin!"

Kung akala ni Amelie mauuto nya ako pwes nagkakamali sya. Kilala ko si Callen, hindi nagsisinungaling ang asawa ko. Ibang-iba ang lalaking kasama nya sa video kumpara sa asawa ko, iba ang boses ng lalaki.

Hindi ako palamura, hindi ako magagalitin at hangang sa makakaya ko ay nagtitimpi ako pero pagdating sa babaeng 'to nanggigigil talaga ako, mas gugustuhin ko nalang maging masamang tao.

"Gumamit ka pa talaga ng ganyan para magulo kami. Mahiya ka naman sa sarili mo, Amelie. Nakakahiya ka!"

"I hate you!" Sinubukan nyang abutin ang buhok ko pero pinigilan sya ni Callen. Hinarang ni Callen ang katawan sa akin, pinoprotektahan ako.

He glared her. "Subukan mong saktan ang asawa ko kakalimutan ko na babae ka. Tangina, please lang Amelie, umalis ka na. Kapag hindi ka umalis, hindi ako mag dadalawang isip na kalad-karin ka," mahinahon pero seryosong sabi ni Callen.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang umalis na ang babae, sumandal ako sa dibdib ni Callen dahil pakiramdam ko nanghina ako. Siguro kung wala akong tiwala kay Callen baka naniwala ako kay Amelie, baka nagalit agad ako kahit hindi ko pa napapanood ng matagal ang video.

Akala ko talaga kanina si Callen ang kasama ni Amelie sa video. Kung si Callen 'yon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lalaki si Callen at alam ko ang pangangailangan nya, normal lang na may maka sex syang iba pero hindi ko matatanggap 'yong nagsinungaling sya.

"Nag-iinuman kami dito noon kasama ang mga pinsan ko," napatingin ako sa kanya nang magsalita sya.

"What?"

"Magpapaliwanag ako, ayaw kong pag-hinalaan mo ako,"

"Hindi na kailangan naniniwala ako sayo,"

"Magpapaliwanag ako," pilit nya. Bumuntong hininga sya, lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko para magpantay kami. "Kasama din sya noong time na 'yon at ang ilan nyang kaibigan. Close kasi kami e, naging classmate ko sya noong high school. Naparami ang inom ko kaya nalasing ako ng sobra, alam mo naman ako, mahina ako sa alak," huminga sya ng malalim at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Nagising ako h-hubad na sya sa harap ko at h-hinuhubaran nya ako, she was about to remove my short buy I kicked her. Nakasakit ako ng babae at alam kong mali 'yon pero kasalanan naman kasi nya. May mangyayari sana sa amin kung hindi ako nagising. Lalaki din ako Larissa syempre kapag may hubad titigasan talaga, tapos lasing pa ako noon ang tingin ko sa kanya ay ikaw. Kung hindi ako nagising at umalis, baka may nangyari nga pero wala hon. Maniwala ka sa'kin, hindi ako gumalaw ng iba. Nagsasabi ako ng totoo."

Kinuyom ko ang kamao ko. Mas lalo akong nanggigil sa babaeng 'yon. Alam nyang kasal na si Callen pero sumisik-sik pa sya. Alam ko na noong mga panahong 'yon ay hindi pa kami okay ni Callen pero hindi ko maiwasang magalit.

"Naiintindihan ko. Wag mo nang isipin 'yon."

"Ayaw ko lang na isipin mo na niloloko kita. I know that we're not in a good term that time but I don't have any plan on doing something reckless. Hindi sumagi sa isip ko na magloko, kasi alam ko sa sarili ko na ako din ang magdudusa sa huli."

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon