KABANATA 7
Sinasalo ng bubong ang mga patak ng ulan. Sa umpisa'y mahina lang iyon at paisa-isa. Sa sunod-sunod na pagpatak, nakalikha na ng mas malakas na ingay sa bubong ang bawat tagatak.
Doon na tuluyang nagising si Sandra. She slowly opened her eyes and allowed a full minute to adjust to the light.
Umaga na... Naman.
Subalit hindi maaraw at hindi gaanong kaliwanag sa labas.
Nanatiling nakahiga, inabot ni Sandra ang naka-kuwadradong retrato ni Uriah. Nakapatong iyon sa lamesita sa gilid ng kama.
Sandra stared at the picture of her beloved angel. Even in the photographs, his smiles and eyes gave away his kind-heartedness.
Madalas noon sa tuwing magkasama sila, si Uriah ang mabilis lapitan ng kung sinong estranghero upang magpatulong, magtanong, o mag-alok ng kung ano-anong paninda.
Hinaplos niya ang mukha nito sa retrato. Iyon ang pinakapaborito niyang kuha nito. She photographed him in the middle of the trees when they went for a swim in the cold spring.
Nakatalikod ang katawan nito subalit nakalingon sa kanya ang mukha. Malaki ang mga ngiti ni Uriah, bahagyang nakabuka ng bibig kaya't nakalabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin.
Maraming-marami siyang larawan ni Uriah na nakatago. Sandra enjoyed the time that she was able to capture memories with him as much as she liked. Because right now, she had a hundred photographs of his smile—an image that would always be kept alive.
Hinalikan niya ang retrato ng nasirang nobyo. Pumikit siya nang maramdaman ang pag-iinit sa gilid ng mga mata.
Nangako siyang kikilos na ngayong araw. Hindi habambuhay na magluluksa lamang siya.
Bumangon si Sandra, ibinalik ang retrato ni Uriah nang maayos sa gilid ng kama. At saka pumasok sa sariling banyo.
Pagkatapos makapag-ayos, narinig niya ang pagkilos ng ama sa labas.
Ngumiwi si Sandra sa harap ng salamin. Napahawak siya sa tagiliran.
Lumabas siya ng silid. "Papa?"
"Nandito ako sa hapag, Lyssandra! Malapit nang matapos ang agahan. Sasama ka ba sa 'king magsimba pagkatapos?"
"Papa, maaari bang magpahatid sa 'yo sa ospital?" tanong niya pagkatapak sa hapagkainan.
Biglang napalingon sa kanya ang ama mula sa paghahanda ng mga pagkain. "O-Ospital?" Nanlaki ang mga mata nito. "May masakit muli sa 'yo, hija?"
Mas nilagyan niya ng puwersa ang paglapat ng kamay sa kanang tagiliran. "Masakit muli ang tagiliran ko, Papa..."
"Ito na nga ba ang masamang kutob ko." Agad siyang dinaluhan nito. "Matagal kang hindi nakakain nang maayos. Hindi ka rin kumakain ng ilang araw noon. Ito na ang kutob kong baka nag-simula iyon ng isang komplikasyon sa 'yo!"
"P-Papa, huwag niyo naman akong takutin," nakangiwi pa rin si Sandra. "M-Magpapatingin na lang po ako at b-baka maagapan pa."
Tinakpan muna nito ang mga pagkain. "Halika na! Magtungo na tayo sa ospital. Noong isang araw ko pang nabanggit sa 'yo na baka hindi simpleng sakit lang iyan."
Unang beses niyang naramdaman ang sakit sa tagiliran noong nakaraang Biyernes. Habang kumakain sila ng tanghalian ng ama. Nawala rin naman kaagad kaya't hindi na niya pinansin. Hindi rin naman naulit...
"Kung matatagalan ito, Papa, ay puwede niyo 'kong iwan doon at magsimba muna. Balikan niyo na lang po ako pagkatapos," mahina niyang wika habang nagmamaneho na ang ama patungo sa bayan.
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.