Kabanata 8

2.9K 248 114
                                    

KABANATA 8

Naghihintay si Sandra ng pagbuhos ng ulan. Subalit kanina pa siyang gising at nanatiling mataas ang sikat ng araw.

Pinilit niya ang sariling bumangon. Pagkuwa'y kinuha niya ang larawan ni Uriah at pinagmasdan. Hinalikan niya iyon pagkatapos at saka maayos na ibinalik sa tamang puwesto.

Pumasok siya ng banyo at pagkalabas ay maayos na. It was past breakfast but too early for lunch. Wala na rin ang ama para pumasok sa trabaho. Nag-iwan na lang ito ng makakain sa ibabaw ng lamesa.

As she started to eat, she glanced at the telephone. Pagkatapos ng hapunan kahapon sa mga Valleroso, nangako si Estefan na tatawagan siya.

Hindi sila nakapag-usap kagabi. Hindi masyado. Bantay-sarado si Dalia sa kanya na animo'y isang inang ayaw mawala sa paningin ang batang anak.

"Wala ka sa tamang huwisyo, Lyssandra Dionne Salamanca! Huwag mong isipin ang tradisyon bilang paraan upang makatakas sa pangungulilang nararamdaman mo. At huwag mo itong babanggitin kay Estefan ngayong gabi. Give yourselves a break!"

"Dalia—"

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Huwag na huwag kang mawawala sa paningin ko mamaya. Kung kakausapin mo si Estefan, kasama ako!"

Napailing-iling na lang siya. Hindi na lang siya sumalungat kay Dalia kagabi at nakikita niya ang punto nito.

Subalit, hindi nito nakikita ang kanya.

At the end of last night, Estefan noticed how strict Dalia was at guarding her. Kahit nalilito, hindi nagtanong ang binata at binulungan na lang siyang tatawagan ngayon.

Naghuhugas na ng pinagkainan si Sandra nang ibalita sa radyo ang patuloy na bilangan ng mga boto kahapon.

Gitgitan ang bilang sa mga boto para kay Estefan at kay Uriah.

Kagabi, lamang si Estefan ng sampung boto. Kanina habang kumakain siya ay nakalamang naman si Uriah ng labing-dalawang boto.

Then after washing the dishes, the radio announced that Valleroso was leading again. Lumamang na ito ng tatlumpung boto mula kay Uriah.

Sandra changed the radio station. Pumainlang ang isang banyagang kanta. Hinayaan niya na iyon at umupo siya malapit sa bintana.

Tahimik na tumanganga siya sa maliwanag na alapaap.

She does not hate sunny days. She only preferred the sound of the raindrops over sunshine. Noong bata pa siya, mas maligayang maglaro sa ilalim ng ulan, kaysa sa nagbabagang sikat ng araw.

She would jump on a paddle and mud would splash at her or Uriah or Estefan...

Her younger years were a gallery of bliss. And in every snap of those moments, Uriah was with her.

Nakaagos ang isang butil ng luha bago niya pa namalayan. That's also when she heard a knock on the door.

Napatayo siya at napalingon sa pinto. Pinunasan niya ang tumulong luha. Pinatay niya ang radyo upang marinig muli ang pagkatok. Wala siyang inaasahang bisita.

Sumilip siya sa bintana katabi ng nakasarang pinto.

He softly smiled when she peeked. "Sandra."

She gasped and hurriedly opened the door. "Estefan, naghihintay pa lang ako kung tatawag ka." She stepped back. "Tuloy ka."

"Tatawag na 'ko kanina pagkatapos maglabas ng mga gamit mula sa opisina." Nagpagpag muna ito ng sapatos bago pumasok sa loob ng bahay. "Ngunit natapos iyon nang maaga at naisip ko na lang na puntahan ka mismo ngayon."

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon