Kabanata 7

3.3K 148 9
                                    

Sa mga sumunod na araw, ang bawat pag-iwas ko sa kan'ya ay gano'n ko rin siya kadalas makita. He's like everywhere. Hindi ko man siya maabutan sa waiting shed, nadadaanan ko naman siya sa gate ng campus, nakakasalubong sa hallway, at nakikita sa canteen na bumibili ng pagkain.

Noon ay tila hindi siya nagi-exist pero ngayon ay parang naging parte na siya ng school. Dahil rito ay madalas na ang panunukso sa akin ni Julie pero tinatanggi ko naman ang paratang niya na may gusto ako kay Gian.

"Pang-ilan mo na siyang crush?" tanong niya habang pabalik kami ng classroom dahil malapit ng matapos ang recess.

"Wala akong crush."

"So, this is the first time?" she giggled.

"Wala nga, Julie."

"Pero bakit mo siya iniiwasan?" tanong niya, dahilan para matigilan ako.

Muntik ng matapon ang hawak niyang chichirya nang magkabanggaan kami.

"Hindi ko siya iniiwasan," I said in a serious tone and continued walking.

Pagkatapos no'n ay hindi na ako kinulit pa ni Julie. Pareho kaming tahimik habang nakikinig sa discussion ng teacher namin. I'm not totally listening because my mind keeps dozing off. Nakatitig lang ako sa white board pero walang pumapasok sa utak ko.

Pinaglalaruan ko ang ballpen ko nang mapalingon ako sa labas. Tila may tumawag ng pansin ko. Malapit ako sa pintuan at tanaw ko ang school grounds.

Agad kong namataan si Gian na mag-isang naglalakad habang may dala-dalang mga libro. Nakakunot-noo ito at ang kan'yang mata ay mas lalong sumingkit dahil sa sinag ng araw.

May nakasalubong siyang lalaki na mukhang kakilala niya dahil sandali silang nag-usap. Tinulungan siya nito sa mga dala niya at habang binibigyan niya ng dadalhin ang lalaki, sumilay ang kan'yang malawak na ngiti.

Hindi lang basta ngiti na labi lang. Kahit malayo ay naaninag ko pa rin ang mapuputi niyang mga ngipin. Ang kan'yang mata ay tuluyang nawala dahilan para mapangiti ako. Nagsimula silang maglakad at nakita ko siyang tumawa. Napahiling ako na sana ay naririnig ko iyon.

Ano kaya ang tunog ng tawa niya?

Sandali.

Napailing ako. Hindi pwede.

Ano ba itong mga iniisip ko?

Nagulat ako nang bumulong sa akin si Julie na nasa tabi ko. "Crush mo na nga."

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon