KABANATA 9
"Para saan ang mga bulaklak?" nakataas ang kilay na tanong ni Dalia, nagmamaneho.
Tinaasan din ito ng kilay ni Sandra, nakaupo sa harap at katabi nito. "Isang pagbati para sa pagkapanalo ni Estefan. Nakakahiya namang pumunta sa selebrasyon kung wala akong dala-dala para sa kanya?"
Kumunot ang noo nito. "Nabalitaan kong nagtungo pala si Estefan noong Martes sa inyo. Nanatili pa roon hanggang dapithapon."
Sabado na'ng araw na iyon at tapos na ang bilangan ng mga boto. Idineklara ang pagkapanalo ni Estefan bilang bagong alkalde ng Monte Amor kaninang umaga. Nasungkit ng buong partido nito ang lahat ng posisyon hanggang sa mga konsehal.
May munting salo-salo na inihanda ang pamilya Valleroso para kay Estefan. Dadaluhan lang ng mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ang hapunang iyon. Bukas ay ang ang mas malaking selebrasyon kasama ang buong partido.
Sandra was invited over the family dinner when Estefan's mother called her over the phone earlier. Kasama rin sana ang kanyang ama ngunit inatake ng rayuma sa tuhod. Susunod na lamang daw ito kung agad na guminhawa ang pakiramdam.
Hindi naman inaasahang nagkita sila ni Dalia sa merkado habang namimili si Sandra ng bulaklak. Imbes na magpasundo pa sa esposo, sasabay na lang daw ito sa kanya. Pumayag siya ngunit ito ang pinagmameho niya patungo sa mga Valleroso. Hindi naman umangal.
Iyon nga lang ay ang sama ng tingin nito sa mga bulaklak na dala-dala niya.
"Oo, bumisita nga si Estefan sa bahay. Umalis na rin bago maghapunan."
"At anong pinag-usapan niyo?" agad na panunubok ni Dalia.
Tumanaw siya sa labas ng bintana. "Ipinahayag kong nais ko siyang pakasalan."
"Lyssandra!!! Hindi basta-basta ang tradisyon!" Nagtagis ang mga ngipin ni Dalia.
Nilingon niya ito. "Paanong nanggagalaiti ka? Hindi ba't ikaw 'tong pinilit akong mamulat sa tunay na nararamdaman ni Estefan para sa 'kin? Ngayong maaari ko nang tugunan iyon, bakit nagagalit ka?"
"Xandi, hindi ako ipinanganak kahapon upang makitang ipinapantapal mo si Estefan! My goodness! I know you're grieving, and a distraction would help but this? Are you going to take advantage of Estefan?"
"Ngunit ang tradisyon—"
"Oh, shut up! You were just using the tradition as a lame excuse! Fine, you're scared! Fine, you're devastated! But Estefan is too good for you to use him as a distraction from your sorrow. He's not a band-aid. Ngunit ang isa pang ikinagagalit ko'y papayag ang isang iyong magpagamit sa 'yo!"
Mas niyakap niya ang mga bulaklak. "Kung pakakasalan ko siya'y mawawala na ang sumpa ng tradisyon..."
"Walang sumpa! Hindi 'yon totoo. Nawawala ka na sa tamang pag-iisip!"
"I kissed him."
Dalia cursed like a sailor! Eksaktong kapapasok pa lang nila sa paradahan ng mga Valleroso kaya't itinigil na nito ang pagmamaneho.
Buong katawan nito ang bumaling sa kanya, nanlalaki ang mga mata. "Hinalikan mo si Estefan?" pabulong na pagkumpirma nito. Her nostrils flaring.
"But he didn't kiss me back." Napabuntong-hininga si Sandra. "Magalang niya 'kong inilayo at inihatid lang ako pabalik ng bahay. Ang huling bilin pa rin niya'y pag-isipan ko pa ang tungkol sa tradisyon. Umalis na siya. Hindi na siya bumisita ulit. Ni walang tawag mula sa kanya gayong nangako siyang tatawagan ako palagi upang may nakakausap ako."
Bigla siyang hinawakan sa magkabilang balikat ni Dalia at saka niyugyog nang malakas!
"D-D-Dalia! N-Nahihilo a-ako..."
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.