Naranasan mo na bang mainlove sa taong manhid? Yung tipong nasasaktan ka na pero balewala ka pa rin sa kanya?
I'm Cassandra Angel Richards, 15 years old. Pumapasok sa Caleb University, 4th year highschool.
Sa university namin, marami akong naranasan. Magkaroon ng mga totoong kaibigan. Yung tipong dadamayan ka kapag may problema ka.
Ang pangalan ng bestfriend ko ay Fretzie Kaye Torres, siya ang bestfriend ko simula nung unang pagpasok pa lang sa C.U. nung 1st year highschool. Mabait, friendy, lovable, at higit sa lahat, maganda. Marami sa kanyang nanliligaw.
Samantalang sa akin, wala pang nagbalak manligaw sa ken sa totoo. No boyfriend since birth ako, okay lang basta may kaibigan ako.
May isa kasi na tao na gusto ko kahit manhid siya. Maraming nagkakagusto sa kanya, kapag dumadaan siya sa pathwalk, tumitili lahat ng babae. Pero hindi niya pinapansin.
Kaya imposible na magustuhan ako niyan. Kahit sinong babae pa ang lumapit dyan kahit maganda, wala pa rin sa kanya.
