[Yuri]
Napailing nalang siya habang napapailing. Paranoid na naman siya. Simula nang umattend siya sa kasal ni Pamela ay ganito na palagi ang pakiramdam niya.
Hindi kaya dahil umuulan nang pogi no'ng time na 'yon?
Sinaid niya ang laman nang hawak niyang baso. Hindi siya nakontento at nagtawag pa nang waiter, this time ay hard ang pinili niyang inumin at saka uminom nang uminom.
"Ang tahimik mo d'yan, ah." Umupo si Nikka sa tabi niya na kararating lang. Bahagya pa siya nitong binangga sa balikat. "Do'n tayo sa grupo nila Ken. Tara, let's enjoy the night."
"Ikaw nalang, dito nalang muna ako." Nagtaas siya nang kamay at humingi nang panibagong alak sa nagsisilbing waiter sa event.
"Ano ba ang senisenti-senti mo d'yan?" Umakbay si Nikka sa kanya. "Si Virvin na naman ba?"
Ininom muna niya ang laman ng basong hawak bago humarap sa kaibigan na nakangiwi pa. "Maganda naman ako, di'ba, Nikka?"
"Tinatanong pa ba 'yan?! Syempre oo, maganda ka!" Agad na pakli ni Nikka. "Bulag lang ang hindi nakakakita no'n."
Bumuga siya nang hangin at malungkot na tumingin sa kawalan. "Maganda? Sampong taon ko na siyang gusto, pero hanggang ngayon hindi parin niya ako pinapansin. Ano ba ang kulang sa akin?"
"Yuri..." May awa sa mukha na tumingin sa kanya si Nikka.
"A-Ang tagal ko nang naghihintay sa kanya... U-Umaasa na isang araw bigla nalang niya akong papansin at mamahalin. Pero hanggang ngayon wala pa rin nagbabago... ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa."
Humawak sa baba si Nikka. "Hindi kaya dahil sa kalagayan mo kaya hindi ka niya magustuhan?"
Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan.
"Ulila ka, walang pamilya... hindi kaya 'yon ang pumipigil sa kanya na magustuhan ka?" Humawak ito sa balikat niya. "Don't get me wrong, Yuri, huh. Pero hindi ba't isa 'yon sa mga tinitingnan ng mga lalaki, or babae sa pinipinili nilang karelasyon."
Dumaan ang lungkot sa mukha ni Nikka.
"Isa kasi 'yon sa dahilan kaya hindi ako kayang mahalin ng lalaking mahal ko... H-Hindi daw ako pang girlfriend material. W-Wala na nga akong pamilya, wala akong maipagmamalaki, wala pa daw akong pakinabang."
"N-Nikka." Kahit ilang beses na niya itong narinig sa kaibigan ay naaawa pa rin siya rito hanggang ngayon.
Bakit kasi may gano'ng klase ng tao? Ano naman kung ulila sila at walang pamilya? Hindi naman nila ginusto 'yon.
"Kung ako sayo, hanapin mo ang kuya mo. Di'ba sabi mo sa tingin mo ay may kapatid ka pa?" Tumango siya rito. "Find him, Yuri. Hindi ka pa ulilang lubos kagaya ko... Pwede pa kayong mabuo... mas magiging masaya ka kung hindi lang si Virvin ang makukuha mo. Di'ba mas masaya kung may pamilya ka pa at mabuo kayo."
Hindi nalang siya kumibo. Hindi rin naman siya sigurado kung may kapatid pa nga ba talaga siya.
Pagkaalis ni Nikka ay muli siyang uminom ng alak. Nakarinig siya ng komusyon pero isinawalang bahala nalang niya 'yon.
Ilang beses siyang kumurap nang mahagip ng tingin niya ang isang lalaking nakatayo sa dulo. Pamilyar ang tindig nito sa kanya.
Ilang beses siyang kumurap— Teka, bakit parang nakatingin ito sa kanya? Napaawang ang labi niya.
Ito ang lalaki sa bar!
Teka, ano nga ulit ang pangalan nito? Rod?
Napalunok siya. Hindi niya maipaliwang kung bakit biglaan ang paggapang ng takot sa buo niyang katawan dahil sa titig nitong kay lalim, at kay dilim.