Warning: Some scenes might be sensitive, mention of rape.
ZILLEX'S POV
Napakamot ako sa akin kilay at humikab bago tumingin sa aking relo. Nangunot ang noo ko dahil ilang minuto na naman siyang late sa pinag-usapang oras.
Ilang beses ko ba dapat sabihin sa kanyang agahan niya?
My forehead creased when I saw him entering the library with a frown on his face. Ano na namang problema ng kolokoy na ‘to?
Ako nga dapat mabadtrip sa kanya! limang minuto siyang late!
“What happened?” seryoso kong tanong lalo na ng bigla siyang sumubsob sa akin.
Tumaas ang kilay ko at hinaplos ang buhok niya. Mabibigat ang pagkawala ng hininga niya kaya sigurado akong may problema o kaya naman ay may nangyari kaya siya badtrip.
“That girl.. she keeps on following me.” he groaned and nuzzled my neck.
I lick on my lower lip and stopped caressing his hair. Nagpalit na ang sitwasyon at ako naman ang naiinis sa narinig mula kay Dalton.
That girl.. hindi ba niya alam na may karelasyong iba ang kinakalantari niya?
Pumalatak ako. “Iwasan mo.” tangi kong nasabi, magkasalubong pa'rin ang kilay.
He groaned frustratedly. “She won't stop pestering me, kahit ilang beses ko pa siyang iwasan.”
Tinulak ko ang ulo niya sa balikat ko at hinarap na. “H’wag mong kausapin.”
“Kahit na. Humahabol pa'rin siya.” angal niya sa akin.
I sighed and massaged the bridge of my nose. Hindi ko pa kilala ang babaeng sinasabi niya, hindi ko pa nakikita dahil hindi rin naman kami madalas magkasama ni Dalton. Palihim pa'rin kaming nagkikita dahil hindi naman public ang relasyon naming dalawa.
“Does she know that you in relationship?” istrikta kong tanong.
Umiling siya. “We're not close para sabihin pa ‘yon. Iniiwasan ko nga siya diba?”
Nagsalubong ang kilay ko. “Pano ka niya titigilan kung hindi niya alam na may jowa ka na?”
His jaw clenched as he looked away. May kung anong dumagan sa dibdib ko sa ginawa niya. Mas tinitigan ko ang kanyang mukha, may kung anong hinahanap.
“O hindi mo talaga kayang iwasan?” madilim kong tanong.
He gulped harshly and remained bowing his head. Pagak akong natawa at mabilis na tumayo kaya nataranta siya.
“I-Iniiwasan ko, Lex..” mahina niyang sabi.
I smirked at him hiding my emotions completely. “Iniiwasan? pero palagi mong kasama?”
Napipilan siya at puno ng konsensyang tumingin sa akin kaya mas lalong tumindi ang galit at inggit na nararamdaman ko.
“Tapos na ang usapan. Aalis na ako.”
Mabilis akong tumalikod sa kanya. Sinubukan pa niyang humabol at tawagin ako pero natigilan din dahil alam niyang maraming makakakita ng gagawin niya.
Mas lalo akong mapait na natawa. Hanggang kailan niya planong itago ang lahat ng sa amin?
Hanggang kailan ako magtitiis? parati na lang bang sa dilim ang lahat ng pinagsamahan namin?
Naiingit ako sa totoo lang. I wish I could be that woman, para naman nakakaya ni Dalton na ipagmalaki ako sa iba ng hindi nahihiyang magkapareho ang kasarian namin.
BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love
RomanceA spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious man that has his own wo...