Leary's POV
Pagpasok ko sa classroom, may nauna na rito. Babae siya at nakatingin lang sa bintana, nasa window seat kasi siya.
Umupo ako sa tabi niya, mediyo malayo-layo naman ang bawat seats so okay lang.
"Ay!" sigaw niya nung hinila ko ang upuan, naka tiles kasi e mediyo maingay rin, konti. Baka oa lang siya.
"Sorry, nagulat ba kita?" tanong ko sa kaniya.
"Obvious ba?" sagot niya, tumingin lang ako sa kaniya.
ge lang.
"Joke! kanina pa kasi ako rito mula 5 o'clock, btw Franchezka Itzel nga pala pero you can call me Fitz. Cute pero hindi halata kasi 'di pa tayo close. Eme!" pagpapakilala niya
"Nice to meet you, Fitz. Leary Alerie pala" sabay tango ko sa kaniya.
Sa kalagitnaan nang paguusap namin ni Fitz, may isang student na pumasok.
Tumingin lang ito sa amin sabay upo sa tabi ko.
"Parang mataray." bulong sa akin ni Fitz, tinawanan ko lang siya.
"Hey, ako nga pala si Gale." napatingin na lang kami sa gulat, grabe naman 'tong si ate, gulat girl.
"Hi Gale! I'm Franchezka Itzel but you can call me Fitz, this is L..- Le ano nga 'yon? Le..a..r.. Oh! Leary! Cute kami pero hindi lang halata kasi hindi pa tayo close, EME!" malakas na sabi ni Fitz.
Nag smile lang si Gale sa amin.
Ilang minuto lang ulit, may pumasok na namang studyante. Nakasimangot ito na parang galit na ewan, napatingin naman ako kay Gale na para bang gusto nang kagatin yung Lalaking pumasok.
"It's you! ikaw yung nakabangga sa akin kanina, tapos mag so-sorry kang nakasimangot? grabe." sigaw ni Gale sa Lalaki at napatayo sa inuupuan niya.
Tumingin lang saglit ang Lalaki sa kaniya at umupo sa pinakaunahan na upuan.
Umupo na lang din si Gale at napabuntong hininga. "May araw ka rin sa 'kin."
First day of school may eksenang ganito ako makikita, grabe! HAHAHA
"Sino ba 'yon?" tanong ni Fitz kay Gale.
"Ayan yung nakabunggo sa akin kanina e, ganda ganda ng araw ko tapos may bubunggo sa akin at nakasimangot nung nag sorry? Hays" sagot ni Gale na naiinis.
Ilang minuto na naman ang lumipas ay may pumasok na namang studyante, pero ngayon dalawa sila.
Umupo silang dalawa sa unahan namin ni Fitz, nagtatawanan pa nga sila.
Tumingin ako kay Fitz pero natutulog ito habang nakasandal sa window glass.
"Tangina mo, hindi ka ba talaga titigil sa kakatawa, Crae?"
"Nakakatawa naman kasi talaga! HAHAHA"
narinig kong usapan nung dalawa, sana all masaya.
Wala pang 5 minutes may dumating na naman na studyante.
Nagtagalan ay marami na kami rito, isang seat na lang ang natitira. Kailangan bang mapuno 'to?
///
Kuro's POV
Nakita kong nakaupo si Knox mag isa roon sa unahan kaya umupo ako sa likod niya, ayaw kong tumabi sa kaniya takte! nasa harapan kasi siya baka ako pa unang tawagin sa recitation, 'yoko.
Kinalabit ko ito dahil tila hindi ako napansin nito.
Hindi ito kumibo, Tangina dahil ba kanina? Nung nag 32 missed call at 99+ texts siya sa akin at hindi ko nasagot? Ang oa naman nito.
YOU ARE READING
The 13 Pets
De TodoLeary Alerie, a young girl who recently transferred to a new school. She was nervous as she thought she was the only transfere there. Little did she know, there's more of them to meet and that's when the bond started. Leary Alerie and her 12 pieces.