Puppy Love </3 ( ONE SHOT )

178 1 0
                                    

 

 A/N: Ni-REVISED ko na po ito at Inedit! Kaya ni-Repost ko :) 

--------------------------

"asan na kaya sila maricris?" tanong ko sa sarili. Inikot ko na ang school namin pero hindi ko talaga sila makita.

Titigilan ko na sana ang paghahanap ko sa kanila ng biglang mapalingon ako sa may gawing canteen. Sa may pinakasulok ng canteen nakita ko si Darwin at si Maricris nagtatawanan. Magkatabi pa sila at parang ang sweet nila.

Agad ko silang nilapitan, malapit ng malaglag ang mga luha ko.

"M-maricris? Darwin? anong ibig sa-sabihin nito?" humihikbi ng tanong ko

"Mikan? ah eh.. ano walang ibig sabihin ito.." tarantang sagot ni darwin bigla itong tumayo at lumapit sa akin.

"Ano? magpapalusot ka pa? nakita ko na kayo! ang sweet sweet nyo pa di ba?" sabay hagulgol ko. Di ko na mapigilan eh! ang sakit eh!

T______________T

Bigla ko na sya tinalikuran wala na ako pakialam sa mga nagtitinginan sa amin. Ang hindi ko alam nakasunod pala sa akin si Darwin. Hinawakan nya ako sa braso.

"Mikan ano ba! teka nga muna!" humarap ako sa kanya umiiyak pa din ako

"Ano?! ang sama-sama mo naman darwin eh! mahal na mahal pa naman kita eh! kita mo naman yun diba? ramdam mo yun diba?! Kahit na ipangkakain ko nalang ng meryenda ko iipunin ko pa para magka-panload tayo! kahit antok na antok na ako sa gabi pinipilit ko wag makatulog para lang makatext kita diba? saka kahit sinasabi ni ate na wag muna ako makipag-boyfriend kasi 12 years old pa lang ako hindi ako nakikinig kasi ayoko iwan ka! tapos ganyan ka ang sakit-sakit na eh! ayoko na sayo!ayoko na sayo!" humagulgol ulit ako

"Mikan..ikaw naman kasi eh! ang kulit kulit mo sa text. Tapos lagi kapa naka-buntot sakin. nakakahiya eh!" nakatungo ito habang nagsasalita

"syempre gagawin ko yun boyfriend kita eh!" humihikbi nalang ako

"kahit na! dapat hindi ka masyadong dumidikit." iritang sabi nito

"so ayaw mo dikit ako ng dikit? okay fine! break na tayo! bahala kana sa buhay mo!"

 

 

 

"Mika--"

 

 

 

"Sana pala hindi nalang kita nakilala! sana pala hindi nalang kita naging crush! sana pala hindi ko nalang binigay number ko sayo! sana pala hindi na kita naging boyfriend! at sana hindi ko nalang naging bestfriend ang Maricris na yon! magsama kayo!" sabay iyak na naman ako tumakbo na ako palayo sa kanya.

___________

"Mikan!" papasok na ako sa gate ng school ng marinig ko ang boses ni Maricris na tinatawag ako. Hindi ako lumingon sa kanya at diretso lang ako sa paglalakad.

"Mikan! mag-usap tayo!" natigil ako sa paglalakad ng pigilan nya ako sa braso at pilit iniharap sa kanya.

Puppy Love &lt;/3 (ONE SHOT) *REVISED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon