PROLOGUE. . .
Ako?
Ako si Xandra Gonzales.
Yung tipo ng babaeng mahiyain sa una pero habanh tumatagal, makikilala mo na talaga yung ugali ko.
Palaban pero hindi talaga ako mahilig sa away. Lumalaban ako kapag alam kong ako ang tama pero mapanganib talaga ako kapag nagalit.
Masyadong moody, minsan masaya tapos bigla na lang akong tatawa kahit hindi naman nakakatawa yung joke tapos mamaya bigla na lang akong magiging emo, magagalit tapos iirapan na lang yung kaibigan ng walang dahilan. Naiintindihan naman ako ng friends ko dahil nung una natanong nila sa akin na “bakit ganyan ka? Napakamoody mo kanina galit ka sakin tapos ngayon papansinin mo ako tapos mamaya nanaman galit ka ulit.” nasagot ko na rin yung tanong nilang yan. Sinabi ko sakanila na ganito talaga ako, pagpasensyahan na lang nila ako dahil kahit saan ay ganito na talaga ako.
Importante sakin yung kaibigan lalo na ang pamilya. Masyado kong pinahahalagahan at iniingatan ang mga pamilya at kaibigan ko. Kahit alam kong sobra na, ginawa ko pa rin dahil kapag mahal ko ay mahal ko talaga lalo't higit kung mabait ka sakin at pinahahalagahan mo rin ako.
Friendly ako sa kahit sino man.
Mayaman, mahirap. Mataba, payat. Maputi, maitim. Matangkad, pandak. Maganda, panget. Lalake, babae, bakla o tomboy. Kahit ano basta ang mahalaga sakin ay pinahahalagahan ako at mabait sakin lalong lalo na na dapat maganda ang pakay sakin hindi gaya ng peperahan lang ako o gagamitin sa kung saan.
Mayaman namin kasi ako. Ako nga yung pinakamayaman sa University namin eh. Sikat sa school kaya madami din akong kaibigan at manliligaw. Yung iba alam kong masama ang pakay sakin pero yung iba, napatunayan kong totoo sila saakin.
Isa na dun si Natalia Maloles, Zyrra Castro,
Nicole, Manaig, Rose Marie Aquino at Jazmine Diongco. Mga cool din sila sa school at syempre kapag cool famous na rin. Karamay ko sila sa kahit anong kinakaharap ko. Sa puso man o sa buhay.
Syempre hindi maiiwasang nagkakaalitan din kami pero syempre hindi nagtatagal, nagkakabati na rin kami.
Parang kapatid na rin ang turingan namin. Alam namin lahat ng nang nangyayari sa isa't-isa.
Ilang beses na akong magmahal, mabigo, st masaktan.Lahat naman sila madali kong nakalimutan, kung baga puppy love lang. Ngayon iniisip ko sila pero kinabukasan wala na. Nililibang ko lang yung sarili sa kung snong bagay para makalimutan ko sila.
Pero isa lang talaga ang pinakatumatak sa puso at isip ko. Minahal ko ng sobra na parang higit pa sa buhay ko. Sinusunod ko lahat ng gusto niya para iparamdam na gusto ko siya pero sa kasamaang palad may mahal pala syang iba at sa ginawa niya sobra akong nasaktan na parang gusto ng sumabog ang puso ko at iiyak lahat ng luha ko hanggang wala na akong mailabas pero wala naman skong malabas eh. Parang sa loob lang yung sakit pero sobra sobra talaga akong nasaktan.
Hindi ko alam kung bakit ako nabaliw sa kanya. Hindi naman sya ginto. Siya lang naman si . . .
John Patrick Villa.
Crush ng bayan kung baga. Tall, dark and handsome. Mabait, maalaga, matulungin, sweet, magalang pero yun nga, hindi brainy. Hindi kasi siya nag-aaral ng mabuti eh. Wala namang mali sakanya na sasabihin mong may bisyo o may bad influence na dala o na influwensiyahan ng masama. Aral lang talaga ang problema sakanya. Hindi niya kasi siniseryoso yung pag-aaral niya eh. Parang gusto lang niyang pumasok para lang maglibang. Minsan nga naaawa ako eh kaya pinapakopya ko na lang hahahaha. Syempre ganyan talaga kapag mahal mo.
Close na rin kami ss isa't-isa eh. Minsan nga magkatabi kami tapos marami ding nagsasabo na bagay kami hahaha. Lagi nga kaming inaasar ng mga classmate namin eh. Tuwang tuwa naman ako syempre at nakikita ko din syang masaya at tuwang tuwa din eh. Para bang may spark kami. Pero dumating yung araw na hindi na kami nag-uusap, nagtatabi, nagpapansinan at naging malayo na kami sa isa't-isa sa maraming dahilan.
Alam kong sa una, parang may gusto rin siya sakin. Hindi naman sa assuming ako at fillingera pero ayun talag yung narararamdaman ko eh.
Minsan iniisip ko, sayang naman, bakit hindi ko na lang sya nilandi. Bakit hindi pars maaga syang napunta sakin at hindi ns napunta sa iba. Bakit ganun? Napakahina ko naman sa ganyang mga bagay. Maganda naman ako. Famous at mayaman pa, san ka pa?
Kung tutuusin nga malapit na akong maging queen bee sa university namin eh. Agawin pa ako ng lalaki.
Pero sa huli naintindihan ko na rin yun dahil alam kong hindi talaga kami meant to be at meron talagang isang lalaking nakalaan para ss akin.
Author's quick note:
An ibig sabihin ng crush, nagagwapuhan ka pero hindi mo papatulan.
Take note. Iba ang crush sa mahal.
Ang crush ss isip. Ang mahal sa puso.
Sorry sa mga type errors.
Free to comment and vote po thank you.