Prologue

3 0 0
                                    

'Hindi kita gusto Kai.'

'Ha? Paano mo? Wait! Akala ko gusto mo rin ako, k-kasi nga d-di ba yon yung...'

'I know Im treating you differently. But not because I like you, its because I see you as my sister'.

'Ibig mong sabihin ginawa mo lang ang mga bagay na yon dahil kapatid ang turing mo sakin? Hindi dahil may nararamdaman kang higit pa?'

'Im sorry if you misunderstood my actions. Maybe I havent been cleared enough. You are amazing Kai and you deserve the worldand I mean all of it. You are special to, but I only see you as my sister Kai.'

'I only see you as my sister.'

'I only see you as my sister..'

'I only see you... as my sister.'

Napanaginipan ko na naman ang nangyari noong araw na yon. Halos magdadalawang taon na ang lumipas ngunit nanatili pa rin sakin ang alaalang yon. Ang malala pa ay kahit anong pilit ko sa sariling kalimutan ang araw na yon. Paulit-ulit naman itong laman ng panaginip ko.

"Pfft." Napailing kong hinila ang kumot patungo sa aking ulunan upang magtalukbong. "Sister my ass."

Sobrang bilis ng panaho. At ngayon wala akong ibang iniisip kundi ang katanungang saang lupalop ng mundo siya nilagay ni Lord. Matapos kong magconfess sa kaniya, kinabukasan ay hindi ako nagpakita. Nakakahiya, binigyan ko kasi ng malisya lahat ng ginawa niya sakin yon pala dahil kapatid lang ang turing niya sakin. Pathethic.

Pumasok naman sa isip ko ang sinabi sakin ni kuya noon. Binanngit niya sakin na aalis raw sila ng pamilya na patungo sa ibang lugar. Hindi ko alam kung saan iyon hindi naman kasi sinabi ni kuya. O baka sinabi niya ngunit hindi ko magawang makinig pa dahil matapos niyang banggitin sakin ang balitang yon ay umiyak na ako.

Huminto ako sa pag-iisip at umiling.

Huwag ko na ngang alalahanin, umagang umaga pinapasakit ko ulo ko.

"Mekaila bumaba ka na rito, bilis!"

Napasimangot ko ng marinig ang pagtawag sakin mula sa baba. Hindi ko alam kung bakit ganito kaaga sumisigaw si kuya. Sa pagkakatanda ko, lingo ngayon at wala siyang pasok, bakit kung makasigaw siya e parang nagmamadali.

Napasulyap ako sa orasan na nasa ibabaw ng study table ko malapit sa may bintana ng aking kwarto.

8:25 am

See? Masyado pang maaga para bumangon. Wala ring pasok si kuya pero bakit ang naman niya atang bumangon. Nagjogging na naman ba siya? O baka naman may iuutos na naman siya sakin dahil tinatamad siyang lumabas. Ganyan kasi siya tuwing gusto niyang kumain ng pandesal. Gigisingin niya ako ng maaga at uutusang bumili sa labas. Pwede naman na siya ang gagawa pero sadyang tamad talaga si kuya pagdating sa ganyan.

"Maria Mekaila Altamiro! Pag di ka pa bababa ryan bubuhusan talaga kita ng malamig na tubig!"

Inis akong bumanagon mula sa pagkakahiga. Balak ko pa sanang sumigaw para ipaalam sa kaniya na gising na ako. Pero baka magalit pa si kuya at iisipin non na sinasagot-sagot ko na siya.

Tumayo na ako at patakbong lumabas sa kwarto. Pababa pa lang ako ng hagdanan nang matagpuan ko si Kuya sa salas. Hes sitting in a single sofa, in front of him is someone I am not familiar with. I cant see its face since it was sitting opposite to my brother. But base on its vice it sounds like a guy. A guy with a medium length layered haircut with a slightly wavy texture.

I continue to walk towards them. Mukhang napansin ata ni kuya ang pagdating ko dahilan para tumigil sila sap ag-uusap at nginitian ang kausap bago bumaling sakin.

"Oh, there she is, Mekai. Halika lapit ka rito may ipapakilala ako sayo."

Naguguluhan man ay nagawa ko ulit maglakad patungo sa kinauupuan ni Kuya. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ng biglang tumayo ang kaninang kausap ni kuya at humarap it sakin.

The guys hair is left to fall naturally, giving its volume and effortless look. The layers that adds movement and dimension making his hairstyle look full and thick. Bumagay ito sa kaniya, simple at medyo bohemian ang dating. It looks fresh, natural, and versatile.

"Mekaila"

Siguro kaya ako paulit-ulit na nananaginip tungkol sa pag-amin ko ng nararamdaman ko para sa kaniya. Para ipaalala sakin na matagal na iyon at maraming taon na ang lumipas. People change. And seeing him right now, standing in fornt of me, looking just fine, handsome, and regal. It makes me realize that this was the guy that I used to like back then. He looks different, its like he outgrown the past him and became different, handsomely different.

"Noa..."

This is a work of fiction.

Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is purely coincidental.

This work is protected by copyright. All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical articles and reviews. For permission requests, please write to the author thru my Facebook acc [Raki Wp]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and UncertaintiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon