Panaginip ng Nakaraan
By: ChanJungSukKasabay ng pagkamulat ni Gina sa kanyang mata ay ang pagkabigla niya. Hindi niya mawari kung nasaan siya ngayon. Lumingon-lingon siya sa bawat sulok ng kinaroroonan niya ngunit ang simbolo ng dilim lang ang nakikita niya.
Bumangon siya at sinusubukan niyang lumakad para malaman niya kung may hangganan ba sa kinaroroonan niya. Ngunit nabigo siya, kasi sa bawat hakbang niya paabante, mas lalo pa siyang nalito at natakot.
Nakaramdam ng takot, gulat at pagkatindig ng balahibo si Gina nang may narinig siyang tinig na nagmumula sa likuran niya.
Lumingon siya rito...
Palakas ng palakas ang boses na naririnig niya at mas lalo pa siyang kinabahan.
Hindi niya alam kung bakit siya narito pero ang nag-iisang pamilyar lang sa mga nangyayari ay ang tinig na naririnig niya.
Tumigil ang boses na kanina lang ay napakalakas. Nawari ni Gina na malapit lang ang kinaroroonan nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita ng may naramdaman siyang likido na tumulo mula sa ulo at balikat niya. Hinawakan niya ito kahit na takot na takot na siya. At napagtanto niyang dugo pala ito.
Ang boses kanina na narinig niya ay bumalik na naman at sa pagkakataong ito, isang napakagimbal na boses ang dumadagundong...
"Sumama kana samin Anak!" Sambit ng boses na naririnig niya. Nakatulala lang siya nang maalala kung kanino nanggagaling ang tinig na iyon. Galing ito sa kanyang Ina...
Nasilaw si Gina nang biglang nag-iba ang kulay ng lugar na kinaroroonan niya. May dugo ang bawat sulok at may maraming lamang loob na nagkalat na masyado ng durog. Bigla namang hinawakan ni Gina ang sikmura niya nang makita ito.
"Anak! Sige na! Sumama ka na samin!?" Di tulad ng dati na mahinahon ang boses nito, ngayon ay rinig na rinig niya ang galit sa boses.
Hahawakan na sana ng Ina ni Gina ang kamay niya,nang bigla niya itong tinabig nang mapansin niya ang durog na parte ng ulo nito at ang dugong umaagos rito.
"Aaaaahh!" Napasigaw ni Gina. Lumapit parin ang babae sa kanya, pero hindi siya nagpatinag at winasiwas niya ang kamay nito. Hindi niya inantala ang dugo na nakukuha niya,bagkus ay nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bigla namang nagising si Aldrin mula sa pagtulog nang marinig niya ang napakalakas na sigaw ng kanyang asawa na nasa tabi lang niya.Tinabig-tabig niya ang pisngi ng asawa habang ito ay patuloy parin sa pagsigaw at waring di mapakali.
"Gina! Gising!" Makailang beses niya itong sinabi hangga't napamulat niya ang mata ng asawa.
Bigla niya itong hinagkan habang ito ay nagsimula nang umiyak. Kumuha siya ng panyo sa aparador na nasa gilid lang ng kama nila at pinahid ito sa mga luhang galing kay Gina.
"Gina. Tama na, nandito lang ako... hindi kita iiwan." Kalmado niyang sabi at hinarap niya ang mukha ng asawa niya sa kanya. Kahit man lang sa mata ay makikita ng asawa na nandito lang siya sa tabi nito at hinding-hindi niya ito iiwan kahit sa huling paghinga nito.
"Kailangan na talaga kitang ipatingin sa Psychologist Gina." Kitang kita sa mata ni Aldrin ang pag-alala at pagmamahal sa bawat salitang binibigkas niya kay Gina. Ilang minutong nakatulala si Gina sa kanya hanggat napasang-ayon ito. Hindi kasi lingid sa kaalaman niya na makailang beses na itong nangyayari kay Gina. Gabi-gabi na lang na ginagambala si Gina ng mga ala-ala sa buhay niya gamit ang panaginip. Ilang beses naring naabutan niyang umiiyak si Gina pagkamulat palang niya sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Panaginip Ng Nakaraan (One-Shot Horror)
HorrorPaano kung ang brutal na nakaraan mo ay magbabalik sa pamamagitan ng panaginip mo? Anong gagawin mo? Paano mo matatakasan ito na kahit sa pagtulog ay ginagambala ka?