10.

261 7 1
                                    

[Yuri]

"Congrats sa kaibigan namin na malapit nang magkajowa!!!" Malakas at sabay-sabay na congratulate sa kanya nang tatlo niyang kaibigan habang taas ang kanya-kanyang hawak na ice coffee.

Ngiting-ngiti na sumimsim siya ng hawak na coffe. Sa laki nang ngiti niya daig pa niya ang nanalo sa lotto. May isang linggo na rin kasi silang nagdi-date ni Virvin. Araw-araw siya nitong hinahatid-sundo sa university kaya araw-araw ay parang lutang din siya sa sobrang tuwa. Dahil din dito natigil na ang tsismis tungkol sa kanya at kay Red.

Mabuti nalang din at hindi na siya ginugulo ng lalaking 'yon. Naging payapa at tahimik na rin ang gabi niya. Hindi na rin siya binabangungot dahil sa nakakatakot nitong awra.

"I'm happy for you, Yuri. Sana all nila-love back ng taong mahal nila." May halong pag-e-emote ni Nikka.

Nginuso ni Vera si Pamela na ngayon ay hindi na mapakali habang hawak ang cellphone. Mukhang binabasa nito ang messager ng asawa. Hindi nagtagal ay tumayo na ito. "Guys, I have to go. Congrats again, Yuri. Sabi sa'yo, eh. Tiwala lang— Shocks! Kailangan ko na talagang umuwi. Bye, guys!!!" Ani pa nito sabay mabilis na lumayas.

"So, kailan ka magpapadilig?"

Muntik nang lumabas ang iniinom niya sa ilong sa tanong ni Vera. "Yawa. Hindi pa nga official ang relasyon namin tapos dilig agad? Hindi ba pwedeng sagutin ko muna siya?" Nakairap niyang turan.

Napailing-iling nalang din si Nikka. "Tigilan mo nga ang kakasabi ng 'dilig. Eh, ikaw nga mismo hindi pa nakakalasap ng talong— Aray ha!" Daíng nito ng hampasin ito ni Vera sa braso. Nakangising nagtaas-baba ang kilay ni Nikka rito para asarin ito. "Sige nga, ano lasa nang talong? Ay mali, ano pala ang feeling ng maging 'Alien' sa mahabang panahon?" Alien na ang ibig sabihin sa grupo nila ay virgin.

Natawa nalang siya nang makitang naniningkit na ang mata ni Vera habang namumula ang mukha.

"I confessed to him." Tumingin sa kanya ang dalawa nang may ngiti sa labi. "I told him everything about me."

Pinagtapat na niya kay Virvin ang lahat ng tungkol sa kanya, na ulila na siya at wala nang natitirang pamilya. No'ng una natakot siya, akala niya kasi ay matu-turn off ito sa kanya pero mali siya. Natuwa pa ito at napahanga sa ginawa niya. Wala naman kasing dapat itago. Wala naman siyang magagawa kung ganito ang buhay na mayro'n siya. Nakakatuwa lang at nakakataba nang puso dahil walang kaso sa lalaking mahal niya ang tungkol sa background niya.

Her friends genuinely smile. "We're glad to hear that. Ibig sabihin mahal ka rin niya." Yumakap sa kanya si Nikka at halos maiyak pa. "Wahhh, hindi nasayang ang ginawa nating panggagayuma."

Nawala ang ngiti sa labi niya. Bakit nga ba niya nakalimutan ang tungkol sa gayuma.

Nagkatinginan ang dalawa, mayamaya ay sabay na tumawa.

"My god! If you've seen your face you might laugh like us!" Halos maluha si Vera sa kakatawa.

"Alam niyo wala na kayong ginawa kundi tawanan ako. Kaibigan ko ba talaga kayo?" Mabuti nalang at wala na si Pamela. Siguradong maski ito ay pagtatawanan din siya.

"Ganito kasi 'yon, Yuri... Pinalitan namin ng laman 'yong gayuma na ipapainom mo sana kay Virvin." Pag amin ni Nikka.

"Ano? Teka, bakit niyo naman ginawa 'yon?"

"Sorry, okay? Natakot lang naman kami na baka lason ang laman no'n or something dangerous to drink. Baka mamaya mamatay pa si Virvin, eh di nawalan pa kami ng kaibigan. Alam naman namin na patay na patay ka di'yan sa lalaking 'yan. Paano kung mapahamak siya? Eh di sinisi mo pa ang sarili mo." Mahabang paliwanag ni Nikka. "So, ginawa namin ang alam naming tama."

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon