Chapter 7

290 68 2
                                    

Hei-En's POV

I came back to our classroom with a wide smile in my face. Habang naglalakad pa ako sa corridor namin kanina ay malaki ang ngiting iginagawad ko sa mga tao.

Kahit ata sinong madaanan ko kahit hindi ko kilala ay nginingitian ko. Some people are smiling back at me while the others are just looking at me like I am something weird.

Naupo ako sa upuan ko.

"Hi," Nginitian ko pa ulit ang katabi ko. He just gave me a boring look but I doesn't care at all.

Napagkaalaman ko rin na ang kanyang pangalan ay Josh Uytenchiuo. A good pianist in this University. Hindi ko pa akalain noong una na may itinatago rin pala siyang talento. Super tahimik niya kase at hindi bilang sa daliri na magsalita.

Siya na ata ang nabansagang INTROVERT ng classroom namin dahil sa ugali niyang palaging nag-iisa, hindi nagsasalita at ayaw ng may kasama. He enjoyed minding his own business.

Umayos na ako ng upo nang biglang dumating ang second proffesor namin for this day.

"Good morning, Mrs. Breusome!" Sabay sabay naming sabi dito kasabay nang pagtayo naming lahat.

"Good morning, too class. Please be seated." We did what she told us then continued listening to her discussions.

I also jot down some important details about our topic for today para naman may mareview ako for tonight. I am the type of a student that cares about my grades. Hindi kase ako nakokontento sa pasang awa lang.

For real? I really doesn't agree to those students who always say that grades are just a number.

Because I know that I am giving my full efforts just to achieve what I want about my grade. Ibinubuhos ko lahat ng oras ko sa pag-aaral, those sleepless night, kung minsan nape-pressure pa'ko.

Kaya para sa akin ay hindi lang mga numero ang grado.

"So, let's recall our topic a while ago. Let me see if there's something na naiwan sa mga utak ninyo about what I discussed." Pasimple kong tinakpan ng aking kamay ang aking mukha tsaka tumagilid sa direksyon ng katabi ko.

Kinagat ko pa ang aking pang-ibabang labi na ikinataas naman ng isang kilay niya.

For his information, hindi ko siya inaakit kung iyun ang inaakala niya. For god's sake!

"Anyone from this class?" Walang sumagot 'ni isa sa amin.. "So let me call someone to answer my question." Napalunok nalang ako ng sarili kong laway.

Pero ganoon na lamang ang paghinga ko nang maayos nang biglang may magtaas ng kanyang kamay.

"Ma'am!" Tawag ni Mira. Isa ito sa mga kasa-kasama noon ni Xandria noong nabubuhay pa siya. Ay hindi pala, alalay niya lang pala ito kung tratuhin.

"Yes, Ms. Preluna?" Our proffesor asked.

Kumamot siya sa kanyang ulo na ikinunot ng noo ko.

"May I go out? Mag-c-cr lang ako." Natawa nalang ang kalahati ng klase namin dahil sa kanyang sinabi. Inaasahan kase naming siya na ang magiging savior of the class for today pero mag-c-cr lang pala.

Napakunot nalang ang noo ni ma'am kasabay nang pagbuga niya ng hangin.

"Sige bilisan mo." Sabi nito na ikinangiti ni Mira. Agad agad siyang kumaripas nang lakad matapos siyang payagan.

Maya maya lang ay sunod namang nagtaas ng kamay ang katabi ko, si Josh.

"May I go out, too?" He said using his deep low voice. Ang lamig ng boses niya. Parang biglang tumayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig nang pananalita niya. Ang kanyang mata ay pumupungay-pungay pa.

School Of Murders [✓]Where stories live. Discover now