Chapter 26

294 15 0
                                        

Pagkarating ko sa bahay,ipinalagay ko lahat nang binili ko sa guest room dahil hindi ko yun kayang bitbitin lahat.Pagkatapos nilang ilagay lahat nang binili ko, umalis na sila.Nagpasalamat rin ako sa kanila dahil mababait sila at siguro kung hindi nila dineliver yung gamit ko siguro Malaki yung magagastos ko.Wala naman talaga akong nagastos at dahil yun sa card ni Kobe.

Sinimulan kong buksan yung ang mga box.Mamaya ko nalang siguro ililipat yung mga gamit ko dito,uunahin ko muna ang mga gamit ng babay ko.

Nagsimula akong magwalis sa sahig para walang alikabok.Pagkatapos kong magwalis,inasemble ko yung crib, medyo nahirapan ako kahit may manual pa ito dahil dapat kasi dalawayung gagawa nito eh ako lang naman mag-isa kaya ako nahirapan.

Ilang minute ang lumipas natapos ko yung crib, nilagay ko ito malapit sa couch.Nilagayan ko ng mattress,unan at saka teddy bear.White lahat yung binili ko dahil hindi ko alam kong ano ang gender ng baby ko.Inayos ko yung mesa kong saan ko papalitan ng diaper yung baby.Pagkatapos kong ayusin yun, nilagay ko yung stroller sa gilid nng wardrobe.Nilagay ko rin yung mga binili kong damit ni baby sa organizer bago ko ito inilagay sa wardrobe,para rin makasave sa space.

Ihiniwalay ko yung mga gamit ko katulad ng breast pump sa damit gamit ng baby ko dahil sakin yun.Nilagayan ko ng health essentials yung mga organizer na nilagyan ko ng pacifier, petroleum jelly, lotion at iba pa.Sa bedside table ko nilagay yung mga baby soap dahil may cabinet yung bedside table dito.

Nang matapos kong ayusin lahat pati na rin yung mga binili ko na design para sa kwarto,umupo muna ako sa kama at kinuha yung French fries at burger na nasa kama ko inilagay kanina.Hindi ko alam kung ba't hindi ako nakaramdam nang pagod ngayon eh marami yung ginawa ko,pero energetic parin ako.,nakakagutom nga lang.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kwarto,Maganda yung kinalabasan hindi ito masakit sa mata.Mabuti nga may wardrobe at banyo yung guest room dito,Malaki rin yung space saktong-sakto ito saming dalawa ng magiging baby ko.

Ano kaya yung magiging routine ko kapag may baby na ako?siguro nakakapagod.

Nangmatapos akong kumain,sinimulan kong ilipat yung mga gamit ko sa guest room,medyo natagalan ako dahil marami rin yung mga gamit ko.Tanging gamit nalang ni Kobe yung natira don.Siguro makakatulog nay un nang maayos.

Pagkatapos kong maligo,nagluto muna ako nang hapunan dahil gabi na at para rin makakatulog na ako dahil may trabaho pa ako bukas.Uminom muna ako ng gatas bago matulog dahil para rin may vitamin yung baby na nasa sinapupunan ko.

Pagkarating ko sa kompanya, kumunot yung noo ko dahil nakared silang lahat.

Anong meron?

Tumingin ako sa date ng cellphone ko,February 14 pala ngayon?

Kulay puti yung sinuot ko,kaya para akong alien dito.Biglang may kumalabit sakin kaya lumingon ako.

"Absent po ba kayo kahapon?"tanong ng babae sakin.

"Ahm sa hapon po...may pinuntahan po kasi ako...Anong meron ba't parang bihis na bihis sila?"ani ko.

Mamimigay kasi ng flower at chocolate si Sir Kobe,kapag ikaw yung Napili,ikaw yung makakatanggap sa pinakamagandang bouquet at may chocolate at teddy bear pa...diba ang ganda non?"masayang tananong niya.

''Okay...sige mauna na ako ha" paalam ko sa kanya at iniwan yung babae.

Umupo ako sa isang upuan, marami na naman akong e-a-arrange nito.

"Everyone proceed to the event area" rinig kong announce sa speaker.

Nang marinig nila yung announcement sa speaker,nagmamadali silang pumunta sa itaas.Sumunod nalang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam kung saan gaganapin yung event.Pagkarating ko don nandon na lahat yung mga trabahante sa kompanya.May Nakita akong isang bakanteng upuan na nasa pinakahulihan.Mabuti na rin dahil nakakahiya kapag tatabi ako sa kanila ako nalang yung nakasuot ng white.

Di bali na worth it naman yung pinuntahan ko kahapon.Simula kanina excited n akong gumising araw-araw dahil makikita ko yung gamit na binili ko para kay baby.

"Good morning everyone"

Nabilaukan ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang boses ni Kobe.

"Are you guys excited?Later on ililibre ko kayong lahat"ani ni Kobe.

"Yes Sir!" kinikilig na sigaw ng lahat na mga babae.

Eh sino ba namang hindi sisigaw sa kilig eh ang sexy ng boses ni Kobe at saka maganda naman talaga yung special na bulaklak pero maganda rin naman yung ibang bouquet.Mabait pala si Kobe sa mga employee sadyang ayaw niya lang talaga sakin kaya yun yung ugali niya kapag kaharap ko siya.

"Gaya nang inanounce ko kahapon, bubunot ako ng papel dito with name,at yung maswerte...siya yung makakatanggap nito"ani niya sabay turo sa magandang bouquet.

"For sure ikaw yun" rinig kong tugon ng babae na nasa unahan ko.

"Who knows'' proud na tugon ng babae.Eh di ikaw na at siguro may gusto to kay Kobe.

"Sorry dai pero may girlfriend at asawa na yung gwapong boss niyo'' ani ko sa aking isipan .

Teka ba't wala yung girlfriend ni Kobe?

Nagsimulang magsigawan yung mga babae nang inilagay ni Kobe yung kamay niya sa box.Hinalo-halo pa ni Kobe saka siya bumunot ng papel.

"Sorry girls but we have a lucky one"nakangiting ani niya sabay taas sa papel.

"Sino kaya yan?"ani nong nasa unahan.

"Briella" basa ni Kobe sa nakasulat don sa papel.

Bumagsak yung mga balikat ng mga babae.

Ang oa naman nila pwede naman silang bumuli ng ganyan.

"Briella" tawag niya ulit sa pangalan.

Sino kaya yan?

"Yung nakaputi po!" sigaw ng isang lalaki na naka upo sa unahan.

Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi lang pala ako ang nakasuot ng kulay puti dito.Nagtataka ako dahil lumingon silang lahat sakin,lumingon rin ako sa likuran ko pero wala namang nandon,kaya nginitian ko nalang sila.

Ano na naman yung ginawa ko?

"Briella pala yung name mo?"tanong ng babae sakin,maganda siya.

"Huh?Ahm may May yung complete name ko"nahihiyang tugon ko.Nakakahiya yung sitwasyon ko dahil lahat sila nakatingin sakin,gusto kong kainin ng lupa dahil sa hiya.

"Diba yan yung pangalan mo?'' tanong ng babae sabay turo sa damit ko.

"Briella May Valdez...come to the front" ani ni Kobe.

Nahihiya akong tumayo at pumunta sa harap.

"Congratulations ma'am"masayang ani ng babae na nagtanong sakin don sa first floor.

"Salamat" nakangiting tugon ko.

Kinuha ni Kobe yung bounquet at ibinigay sakin,ngumiti ako sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin,naiwan sa ire yung ngiti ko.Yung babae ang nagbigay sakin ng chocolate at teddy bear.

"Tumingin po kayo sa camera ma'am"ani ng photographer.Nagsigawan yung mga babae nang lumapit ako nang kunti ni Kobe,yun kasi yung utos ng photographer.

"Swerte mo Girl!" rinig kong sigaw ng isang babae.

Ngumiti ako sa camera habang hawak-hawak ko yung bouquet, teddy bear at chocolate.Napakalakas nang tibok ng puso ko,nanginginig ako habang nakaharap sa camera.Ganito ba talaga yung mararamdaman mo kapag bibigyan ka ng bulaklak?masaya?

Nanginginig pa rin yung katawan ko kahit nakabalik na ako sa upuan.Isa-isang binigyan ni Kobe yung mga babaeng trabahante niya at nag picture rin sila.Hindi kumupas yung ngiti ni Kobe habang pinipicturan siya kasama yung mga trabahante niya,ngayon ko lang rin nakita si Kobe na ngumiti nang ganyan.













































Thank you for reading

Goodnight every1

Sa wakas wala nang pasok!╰(*°▽°*)╯

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18Where stories live. Discover now