Chapter 10- My Mistake

36 4 1
                                    

"Good Eve" chinat ko kay Carly 


"Same to you" reply niya 


"Umiyak ka daw kanina nung injection HAHA"


"Di ah, hyper ko nga pagtapos eh"


Matagal na kaming di nag-uusap ni Carly. February 4 na ulit kami nag-chat / nag-usap, walang pansinan nung January. Busy sa studieseh, gc pa naman siya. Grade Conscious masyado.

Tinext ko naman siya nung pasko at new year pero isang reply lang palagi, kaya di ko siya makausap.

Oo, ang torpe ko nung pasko, pero at leastmay Valentines pa.Yung teddy bear na gift ko, kinuwento niya sa akin na gumawa ng plastic box yung nanay niya at dun nakalagay yung teddy bear ko at naka-display sa kwarto niya. Maalaga daw kasi nanay niya.

Thank you Carly, for being sweet. She took care of it. Di niya tinambak. I really appreciate her. She is simply giving me more reasons to like her.

"Ok class here are your groupings for your Business proposals" sabi ng guro

Damn. Business proposal. Mukhang magiging busy na talaga ako.Sobrang dami pa ng dumagdag na projects.


"Sander, samahan mo ako bumili flowers sa Thursday ah. Kinabukasan ko ibibigay."


"Sure"Grabe daming projects. Goal kong tapusin lahat before Thursday.


"HA?! Sa Friday na pasahan ng CD?!"


"Oo, Kevin kaya tapusin na natin ito." sabi ni Venice


"Kung tumutulong kasi yung isa nating kagrupo noh?"


Apat kami sa grupo. May isang di talaga tumutulong kaya ang hirap.Natapos ko na lahat ng projects, except for the business proposal, daming iintindihin eh.

It's already Thursday at di pa namin tapos ang powerpoint.

"Kevin, can we stay up yo 5 pm para matapos ito" makaawa ni Venice


"Hala, bilisan natin please, para kay Carly" 

PAANO AKO MAKAKABILI NGAYON? NAKAKAASAR NAMAN ITO!


Sinubukan namin tapusin bago mag 4:30 p.m. , pero 5:30 p.m. kami natapos


"Sorry Kevin"


"It's ok, kailangan naman eh"

Tinawag na ako ni Jerick, time to go home


"Pwede ka pa bumili ngayon" sabi ni Jerick


"Pre walang mag-uuwi, kapag nalaman ni Mama na may bibigyan ako sesermonan pa ako at baka pagalitan pa ako kasi gagawin niya yang dahilan kung bakit di na ako nag-aaral daw ng mabuti. Magagalit lang yun, atsaka magagalit pa tatay mo kung ipaghihintay ko pa kayo para bumili ng gift ko"


"Your choice" aniya


"Monday na lang ako siguro magbibigay"


9:30 pm na ako nakauwi. May gagawin pa ako, buhay talaga oh.


"Anak, pupunta tayo sa bahay ng lolo mo sa Sabado" sabi ni Mama


"Kailan tayo uuwi"


"Sunday ng gabi, kaya tapusin mo na ang dapat tapusin"

Shet naman. Sasabihin ko na ba kay mama? I can't do this she'll just simply say 'you are too young to give flowers'. This is just wrong timing.  This is f*cked up


"YIEEEEEEEEEEEE! AYAN NA SI KEVIN"

sigawan ng mga kaibigan niya


Napansin kong namumula mga pisngi ni Carly. Mas lalong akong naging malungkot at nadismaya. I had no choice. Siguro mga 3-4 na beses ko siyang nakasalubong at mukhang nag-aantay mga kaibigan niya na lumapit ako, pero wala akong maibibigay.Napasa na namin ang proposal, pero umuwi akong malungkot.  Wala akong naibigay. Nag-expect man siya o hindi, wala, palpak pa rin ako.

Sana pala kinapalan ko na mukha ko kay mama, para kay Carly. Hay buhay. Torpe na ako, wala pa akong nabigay.

Siguro di na ako papansinin ni Carly.

Worth WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon