Sabine's POV
"Hoy Tan! Bakit hindi mo ako kinakausap?"
"Wala naman akong sasabihin."
"Sus. Eto naman, binigyan ko na nga kayo ni Jas ng privacy tapos galit ka pa."
Tapos bigla siyang tumingin sa akin. Eye to eye. Kailangan talaga ganun? Nakaka-tense naman.
"Gusto mo ba akong magpasalamat? Eh di SALAMAT po sa di PAGSIPOT."
Nag-sigh na lang ako. Iniwan ba naman ako. Ano ba talaga ang kasalanan ko? Para namang napakalaki kaya ang parusa ko eh hindi kausapin. Ay ewan. Tatlong araw na rin niya akong hindi kinakausap. Di ko nga akalain na matitiis ako nung hinayupak na yun. Che! Eh ano naman ngayon? At least tahimik na ang magulo kong mundo! Tama. Tama. Yung mga ganyang bagay dapat hindi binibigyan ng pansin at panahon.
Haaaaayyyyy.
Pero hindi ko talaga kaya kapag may galit sa akin. Hindi lang naman ako pumunta tapos kailangan magalit? Hindi naman talaga ako yung inimbita niya eh. Ano namang problema kung hindi ako pumunta? Hindi ba matutuloy yung party kapag hindi ako pumunta? Ay. Hindi nga daw natuloy. Siguro kaya siya nagalit kasi isa akong naglalakad na malas. Siguro nga.....
"Sabine Krystal! May problema ka ba?"
"Kailangan talaga sumigaw?"
"Eh baka hindi mo ako marinig eh."
"Ah ganun ba."
"Oi. Ano ba problema mo?"
"Wala."
"Meron."
"Tss. Kasi yung si Red eh! Hindi ako kinakausap! Galit ata sa akin. Epal talaga yun. Ako naman si ewan masyadong affected. Kakaasar talaga! Bwisit na yun! Ayoko pa naman na may nagagalit sa akin. Aaaaaaaaaarrrrrrggghhh."
"O..."
Ano namang klaseng sagot yan...
"Wow. Thank you! Napagaan mo ang loob ko bespren."
"Ahahahaha. Eh di pabayaan mo na yung si Red. Hindi naman siya kawalan."
"Naku. Nagseselos ka na naman."
"Oi hindi ah."
Oo na. Hindi na. Nagjojoke lang naman ako eh. Sana man lang sumagot siya na "Slight lang" o kaya "medyo" eh di sana natuwa pa ako sa kanya. Pero hindi eh, natutuwa siya kapag sinasampal niya sa pagmumukha ko yung mga hindi niya.
"Whatever! Eh musta na kayo ni HONEEEYYY?"
"Psh. Nang-aasar ka ba?"
"Hindi naman hon."
Ang sarap sa tengang sabihin. Hahahaha.
"Hindi ko pa siya kinakausap, hon. Wala naman din ata siyang balak makipag-usap sa akin hon. Ano hon? Masaya ka na ba hon? Nasagot ko na ba ang tanong mo hon?"
Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
"Opo, honey. Nasagot mo na." Hehehehehe
"Pero ngayon parang okay na ako. Nung una kasi feeling ko katapusan na ng mundo pero ngayong second time na parang wala na lang. Okay, nanloko siya, may mahal na iba pero ngayon parang ano naman? Hindi na ganun kasakit. Siguro nung unang araw lang pero ngayon wala na talaga."
"Paano kapag nakipagbalikan siya ulit? Babalik ka?"
"Ano ako tanga?"
"Oo."
"Ano?"
Pero hindi pa naman sila break ah. Kaya sila pa rin hanggang ngayon.
"Kelan ka naman makikipag-break?"
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?