Chapter 2: Acceptance

14 2 0
                                    

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Napagpasyahan kong pumunta sa mall para mamili ng mga kailangan namin ni Max. Tulalang nakatingin ako sa cart habang iniisip kung may nakalimutan ba ako.

"Pancake mix pala," bulong ko sa sarili.

Tulak tulak ko ang cart habang nag-iisip pa rin kong ano pa ba ang kulang. Nawala ako sa aking malalim na pag-iisip ng may biglang sumagi sa cart ko.

"Miyo..."

Napahigpit ang hawak ko sa aking cart nang makilala kung sino ang nagmamay-ari sa boses na 'yon. Agad akong napatingin sa kanya. It's been a year since I last saw him.

"Sorry, hindi ko sinasadya," paghingi ng paumanhin ni Matt.

Ngumiti ako ng kaunti. "Okay lang," sagot ko.

Umusog siya para makadaan ako. Agad ko namang itinulak ang cart at dire-diretsong umalis. Malalim ang aking paghinga hanggang sa lumiko ako sa meat section. Pretending I didn't know him back there is not something that I do, but it's more logical. It was the right thing to do. I see no reason to socialize with him anymore.

Nang makauwi ako, nanood ako ng palabas sa cellphone para libangin ang sarili ko. Kasalukuyan akong naghahanap ng susunod kong panoorin nang may kumatok. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Tru?" Gulat kong bulalas.

"Hello po, ate Miyo," nakangiti niyang bati sa'kin.

Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin. Ngumiti ako. "Ang laki mo na, ah. Kailan ka pa bumalik?" Malumanay kong tanong sa kanya.

"Kanina lang po ate." Niyakap niya ako. "Namiss po kita," lambing nito.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit at marahang hinimas ang kanyang likod. "Namiss rin kita, Tru."

Kumalas siya. "Nandiyan po ba si Max?"

Hinawakan ko ang kanyang maliliit na kamay. "Nasa kwarto po." Tumayo ako. "Gusto mo ba siyang makita?"

Kumislap ang mga mata niya. "Opo!" Nasasabik niyang saad.

"Okay," sabi ko at hinila siya papasok. Tumatalon talon pa ito. "Alam ba ni mommy at daddy mo na nandito ka?"

"Umalis si mommy at daddy... pero nagpaalam po ako kay lolo," sagot niya.

Napangiti ako. Pagbukas namin ng pinto sa kwarto, sinalubong kaagad siya ni Max kaya agad niya itong hinawakan at nilaro. Mabuti na lang at naalala pa siya ni Max kahit anim na buwan namin itong hindi nakita.

"Gusto mo ba ng cookies, Tru?" Tanong ko sa kanya. Sinusuklay niya na si Max ngayon.

Tumingin siya sa'kin. Kumunot ang noo niya na para bang nag-iisip ito. "Pwede po bang kumain si Max ng cookies, ate?"

Napahinto ako sa inosente niyang tanong. "Ahm, hindi po siya pwede. Bakit mo natanong?" Mahinahon kong sagot.

Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok sa noo niya. "Hindi pala siya pwede... hindi na rin ako kakain ate," sagot niya at pinagpatuloy ang pagsuklay kay Max.

"Bakit naman?"

"Gusto ko 'yong kumakain din si Max ate para hindi siya mainggit," matapat niyang sagot.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Limang taong gulang palang siya pero iba na kung mag-isip at magsalita. Magalang rin siyang bata at mabait. He's a smart kid. I'm glad he's surrounded by a kind and loving family.

Bewitching ScarsWhere stories live. Discover now