Kabanata 3

3 0 0
                                    

Kabanata 3

Wildest wave

"Rago!"

Naagaw ang atensiyon namin nang may tumawag kay Rago. Napalingon kami rito ngunit sandali lamang ako dahil agad napako ang aking mga mata kay Tupe.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya iyon sinabi kay Rago. Ang simpleng salitang iyon ay siyang nagbigay ng bagabag sa aking kalooban.

"We need to go. Your father is looking for you. Hindi ko lang sinabing nandito ka lang sa Alona mo," si Randy na kaibigan ni Rago.

Malalim na hangin ang binitawan ni Rago saka tumingin sa akin. "I need to go, Alona. And make some time for us two. We need to talk,"

"S-susubukan ko, Rago---" pinutol ako ni Isabel.

"Anong susubukan? Hoy, Alona! Huwag kang magtatangka!" kinurot niya ang braso ko kaya't napatingin ako sa kanya.

"Shut up, Fortier!"

"Umalis ka na nga, Rago! Di kami natutuwa sayo!"

Sinamaan na lamang siya ng tingin ni Rago saka tumingin na naman sa akin at ngumiti. "See you, My love."

Nang makaalis si Rago ay nakahinga ako ng maluwag. Sa twi na lang nariyan siya ay para akong pinupukpok ng pako sa aking baga. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nariyan siya. Respetado siyang tao at ayaw kong malamatan iyon dahil sa mababang uri na tulad ko.

"Are you Okay, Alona? Come on... Breathe!" niyugyog ni Isabel ang balikat ko kaya binigyan ko siya ng ismid.

"Ang OA mo! Ayos lang ako. Itigil mo nga yan," tinapik ko ang kamay niya para bumitaw.

Binitawan niya ako saka sumulyap sa kinaroroonan ni Rago. Masamang-masama ang mukha niya dahil sa lalaking iyon. Magkaibigan ang pamilya nila ngunit hindi silang dalawa. Makikita mo sa mukha ni Isabel na sa twing nakikita niya si Rago ay parang nasusuka siya. Nakakatawa man pero nakakataba rin ng puso dahil may isang kaibigan kang kayang-kaya kang ipagtanggol.

"G*gong yun. Pinagtripan ka na naman,"

"Ayus lang yun. Wala naman siyang napala, e. Hayaan mo na--"

"Ay hindi! Lagi ka na lang kasing ginugulo ng mokong na yun, e. Naiinis ako dahil halatang-halata na ginagamit niya ang impluwensiya niya para lang kulitin ka,"

Kinagat ko na lamang ang aking labi at tumahimik. Wala rin akong magiging laban sa babaeng ito lalo na at gusto niya laging walang lumalapit sa akin na hindi maganda ang intensiyon. Masyado akong pinoprotektahan.

Nakakatuwa man pero nakakainis rin minsan. Ngunit ayos lang dahil nasasanay naman na ako sa ginagawa niya.

"At ikaw..."

Natigilan ako nang bigla niyang hinarap si Tupe na kanina pa tahimik sa tabi ko. Nakalimutan ko saglit ang presensiya niya. Natuwa lang kasi ako kay Isabel.

Umangat naman ang kilay ni Tupe. "What?"

"Anong what? I mean... You're cool!" nakita agad ang mangha sa aking kaibigan. "That simple word saves my friend!"

"Small thing,"

Ngumiwi agad akong bumaling sa kanya. Ano daw? Small thing? Maliit na bagay lang sa kanya? E, halos ako mukhang mauulol kakaisip kung anong ibig sabihin niyon. Tapos maliit na bagay lang pala sa kanya? Bigla akong nainis.

"Hanep, ah?! Nakalimutan mo ang pagkatao mo pero ang English, nanatili. Siguro mayaman ka? Mayayaman lang naman fluent sa English, e. Or teacher? Major in English?" pinandilatan niya si Tupe. "Ano?!"

The Heart of the Wildest Wave (Madrande Series #1)Where stories live. Discover now