CHAPTER 13

8 0 0
                                    

Chapter 13

"Shot puno!"

Nagtawanan kaming magkakaibigan sa sala nila Amira.

"Walang iiyak! Walang iiyak!"

"Mga baliw..." sabi ko bago inumin ang basong may lamang soju.

"Kwento na kasi!" pagpupumilit ni Amira.

Umirap ako at uminom ng pineapple juice. Naghihintay silang lahat sa akin na magkwento tungkol sa break up namin ni Prince.

Hindi ko nga alam kung bakit gusto pa nilang malaman ngayong tatlong buwan na naman ang nakalipas. Or siguro matagal na nilang gustong ipa-kwento pero hindi lang sila maka-timing.

Kumpleto ang extended barkada sa sala nila Amira. Sila Gab, Ray, at King ay kasama naming tumambay, pero hindi sila nainom dahil ayaw nila, ganoon din si Amira. Pero natikim sila kaunti. Hindi pa rin naman talaga dapat kami uminom dahil wala pa kami sa legal age. At hindi naman marami at saka nasa bahay kami nila Amira, nasa kusina lang din sila Tita at Tito kaya may bantay kami.

"Ano, Reign? I-kwento mo na! Hindi ba sabi mo naman naka-move on ka na?"

"Wala naman kasing ik-kwento. Maayos naman kaming nagbreak," sagot ko kay Ray.

"Hindi! Alam ko merong kwento pero ayaw mo lang sabihin. Parang hindi tropa, Reign!" si Dreo na nakayakap sa likod ni Amira.

"Wala nga! Hindi naman kami nagkagalit or what nung nagbreak. Talagang maayos ang nangyari."

"Pero bakit ba kayo nagbreak?" Naitanong na rin nila sa wakas.

Ngumisi ako. "Secret," sagot ko at tumawa.

Mga nag-react naman sila dahil doon at binato pa ako ng mga pinagbalatan na chichirya.

"Ang corny mo! Bakit nga?" si Heira. "Kahit sa akin ayaw magkwento niyan! Akala mong showbiz!"

"Hindi ko naman kasi para sabihin na lang 'yung reason," depensa ko.

Nagkatinginan kami ni Amira. Nanliit ang mata niya sa akin bago magsalita. "Nagcheat 'no?"

Nanlaki ang mata ko at agarang umiling para pigilan magreact ang mga OA na 'to.

"Hindi! Walang ganoong nangyari!" sigaw ko. Tiningnan ko pa sila isa-isa para lang kumbinsihin. "Hindi gagawin ni Prince 'yon!"

"E, bakit nga?"

Huminga ako nang malalim. It's not really my story to tell, pero hindi naman din siguro masama. Kaibigan ko naman sila at mapagkakatiwalaan. Naging kaibigan din sila ni Prince kaya okay lang naman siguro.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang plastic cup na may lamang pineapple juice.

"He's gay."

Singhapan ang sumunod na nangyari pagkasabi ko noon. Halos matawa nga ako dahil napatayo pa si Heira at Amira.

But yes, maayos ang paghihiwalay namin ni Prince dahil sa dahilang iyon. He's gay. And I can't do anything about it, so, instead na magalit, tinanggap ko na lang.

"Gago? Seryoso ba?" Tumango ako kay Gab.

"Wait lang! Saglit! Kailangan ko ng details!" sigaw ni Heira at talagang niyugyog pa ang balikat ko. "Paano? I mean, kailan pa raw niya nalaman? Ha? Hindi ko ma-process!"

"Matagal na niyang nararamdaman pero hindi lang daw siya sure," kwento ko. "Ano ba lumayo ka nga ang init!" tulak ko kay Heira.

"Kaya sabi mo okay yung break up niyo?" tanong ni Camira.

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon