[★★★]2:28 PM.
Uwian na, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sineseen ni Vaughnn.
Hindi ko na kinakaya. Nag-ooverthink na ata ako.
Isang araw na niya akong hindi kinakausap. Isang araw na din niyang halos kasama si Zaina.
Nagseselos na ako.
Na-iinggit na ako sa atensyon at oras na kanina niya pa ibinibigay kay Zaina.
Hindi ko na talaga kinakaya. Pakiramdam ko, sasabog na ako sa inis, inggit, at selos any minute now.
Naupo ako panandalian sa upuan ko habang nagkakaguluhan na ang buong classroom sa pag-uwi. I can't get my thoughts straight anymore. Birthday na birthday ko ngayon, pero 'yung lalaking gusto ko namang makasama sa araw na 'to, kasama pa rin 'yung babaeng pinagseselosan ko.
Anger took over me at that particular moment. Ang hina ko sa part na hindi ko man lang magawang mailabas ang totoong nararamdaman ko sa harapan nilang dalawa.
Ayaw ko na. Gusto ko na talagang umuwi. Makita lang na lumalandi 'yung Zaina na 'yun kay Vaughnn, halos mandilim na ang paningin ko. Gusto ko silang lapitan. Gusto ko silang paghiwalayin at huwag nang pagtabihin pa kailanman.
Bakit ganito? Kung kailan birthday na birthday ko, saka naman mapapalayo si Vaughnn sa akin? Sana pala, hindi ko na siya binitawan kaninang madaling araw. Sana pala, niyakap ko na siya nang mahigpit nang hindi na siya makalapit pa sa Zaina na 'yun ngayon.
"..Ginagawa mo dyan?"
Napadilat ako ng mata matapos marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.
Nakatayo sa likuran ko, Primo stared down at me with pure judgement and confusion within his eyes.
"Pwede bang . . umalis ka muna dyan?"
"Wawalisan ko pa 'yang inuupuan mo, ano?"
Agad akong napaupo ng maayos dahil sa naging komento niya.
I was caught a bit off guard. Masyadong tutok sa isa't isa ang mga mukha namin.
"A- aalis na nga.."
"Pwede mo namang sabihin ng hindi ako tinititigan ng ganoon.."
Kinuha ko na kaagad ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nakakahiya. Kung saan-saan na talaga ako dinadala ng nakakairitang pagseselos na 'to.
"Teka, Yurii!"
"Tubigan mo, naiwan mo! Ano? Ganoon ka na ba talaga kalutang?"
Muling napukaw ni Primo ang atensyon ko. Hawak-hawak ang walis at ang tubigan ko naman sa kabila niyang kamay, kitang-kita ang kawalang-gana sa kagustuhang makipag-usap nito sa akin.
"So- sorry, hindi ko na napan--
Bago ko pa makuhang muli ang tubigan ko mula sa kaniya, biglaan na itong itinaas ni Primo sa taas na hindi ko na maabot.
"A- Akin na 'yang tubigan ko.."
"Sabi mo lumabas na ako, hindi---
"One favor and I'll give this back to you.."
Napakunot ang noo ko sa biglaang naging sagot ni Primo.
Shit. Ito na naman. Please, hindi naman niya ako hahalikan gaya ni Xeno, hindi ba? Nagseselos ako, oo, pero ayaw ko namang makita na naman ni Vaughnn na may iba akong kahalikan.
"..A- anong gagawin mo?"
"Lumayo ka sa akin.. Bakit ka lumalapit?" Napalakad ako ng paatras matapos maglakad ni Primo palapit sa akin.
YOU ARE READING
Umaasa (Ba Sa Wala?)
RomanceJeanne Yurikko Mendoza was an ordinary HUMSS student in her final year in senior high school. She was classified as simply a "nobody", having no close friends, and only socializing with others when it was required. Hangga't maari nga, mas gugustuhin...