[60] #100STHHLigawan

80.9K 2K 441
                                    

Chapter 60

Hope's POV

February 27, 2015

Friday

Kakauwi ko lang sa bahay ng may mareceive ako na text.

From: Enzo Gutierrez

Hi

Natawa ako kasi 'Hi' lang ni Enzo kinilig ako. Anong irereply ko? Lagi naman kaming magkasama pero Hi lang nagpapanic ako!!! Napansin kong napatagal ang kilig ko kasi tumatawag na bigla si Enzo.

"Hello?"

"Hope? Why aren't you replying? Are you okay?" Kabadong tinanong niya sa akin.

"Huh? Oo okay lang ako. Grabe naman 'to wala pang 2 minutes hindi nagrereply kinakabahan agad. Yung puso mo ah, ingatan mo." Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

"I'm taking care of my heart, don't you worry. I want to spend much more time with you." Ngayon yung puso ko naman yung umarangkada. MagkakaARVD ako ng wala sa oras eh! Ano ulit yung mga symptoms? Mabilis na pagkabog ng puso na minsan nauuwi sa atake? Ay nako. Enzo, delikado ako!

"Anyway, Hope." Sabi niya.

"Yes?"

"Look at your window please."

"Huh?" Pero habang sinasabi ko yun tumayo agad ako at tumingin sa may bintana ko at nakita ko si Enzo, nakatayo, may hawak na isang bouquet ng red and white roses.

"Anong ginagawa mo diyan?! Bakit ka may hawak na roses?"

"Nanliligaw."

Nanlili—ANO DAW?! Kung may kayang magpatibok talaga ng puso ko ng ganito, si Enzo lang eh!

"Teka lang, bababa ako—"

"No, no. Don't."

"Huh? Bakit?"

"I just want to look at you... from afar."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"I just... I just want to look at you from afar, like when I go to heaven... I want to see you like that. Because near or far, you're still my Hope. I'll still love you." Pumatak na naman yung luha ko. Bakit ba... Bakit ba lagi siyang nagpaparamdam na mawawala siya?

"Ayokong titigan mo ako ng malayo. Hindi ako Farogenic. Nearogenic lang ako. Kaya dapat lagi kang malapit sa akin. Wag kang lalayo. Ha?" Nakita kong siya naman yung nagkaroon ng malungkot na ngiti.

Binaba niya yung cellphone niya. Nagpanic ako kaya binuksan ko agad ang bintana.

"Enzo?! Uy Enzo! Bakit mo binaba?!" Tapos tumawa siya tapos ginulo yung buhok niya. Wow. Bakit ang hot niya kapag ginagawa niya yun?

"Sobrang attached ka na sa akin. Binaba ko lang yung phone ko, nagpanic ka na." Tapos ngumiti siya. Yung ngiti na parang, 'Oh shit, you are in so much trouble.'

"1st year high school pa lang tayo, hindi pa tayo magkakilala attached na ako sa'yo kaya wag kang magalala!" Narinig ko namang tumawa siya. Maya maya pa, tinawagan niya ulit ako.

"Oh, bakit tumatawag ka na naman?"

"I just want to ask you something."

"Will you marry me ba 'to?" Tapos narinig kong tumawa siya ng sobra. Hindi ako nageexpect ng ganoon na tanong pero hindi rin ako nageexpect ng ganoong sagot! Tawanan daw ba ako?! Aba!

"Why? Will you marry me?" Bigla na lang nanlaki ang mata ko. First time kong makarinig ng ganoong tanong, at sa taong gusto ko pang marinig yun. God is good!

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon