Queen's POV
"Tara sa haunted house?" Pagyaya saakin ni king
"Tss" sagot ko
"Takot ka lang eh noh!" Natatawang sagot ni king
"I'm not.."
"Wow english! Nosebleed ako!" Sagot ni king habang kunwaring pinupunasan ang ilong niya
Tinarayan ko lang siya.
Hindi kasi maganda ang alaala ko sa mga haunted house na yan.
Naalala ko lang tuloy bigla si kevin.
Takot yun sa haunted house, tapos palagi niya akong yinayaya para daw pagnatakot ako, yayakapin ko siya.pero baliktad, siya yung takot at siya yung yumayakap saakin.
Those days are one of my amazing days.
O!! English!! Heheh
"Hoooy!!!!" Nagulat ako nung nakita kong nasa harapan ko na ang napakalaking pagmumukha ni king
"Tang-"
"Juice" pambabara ni king sa sasabihin ko
"Tara? Haunted house?" Tanong niya saakin
"Ayoko nga sabi diba?! Ba't ba-"
"Chill! Eh di wag!" Aba!! Tinalikuran ako ng baliw na yon
"Hoy!" Sigaw ko at tumigil naman siya
"Sabi ko na nga ba miss mo agad ako. Tara dun tayo sa ibang booth!" Lumalapit siya saakin habang sinasabi niya yan
"Pagod na ko" sagot ko
"Sa kissing boo- aray!!" Sinapok ko siya bago niya pa tapusin ang sasabihin niya.
"Alam mo sadista ka!!" May paawa effect pa si king saakin. Pwe
"Sa Marriage booth kay- ouch!! Ano ba babe!!" Sigaw ng ulol na to kasi sinapok ko nanaman siya
"Anong babe?! Gago!" Sigaw ko
"Grabe!!" Kunwari pa siyang nasasaktan. Sus!
"Bakit mo ba dinideny ang relasyon nating- ouch ah aray pucha oy!!" Sunod sunod na ang pagsapok ko sakanya.
"Ano ha?! Titigil ka o sasapukin pa kita?" Inis na tanong ko sakanya habang nagtatago siya sa mga braso niya.
"Sorry na!! Titigil na po boss" sagot niya
Eh parang hindi naman nawawala galit ko sakanya eh! Parang pag natapos ang isang buwan eh sobrang inis ang maramdaman ko sakanya!
Naglakad ako palayo pero syempre sinundan niya ako.
"Queen tot" napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya
"Wag mo nga akong ma tot diyan! Naiinis ako!!" Tapos tinalikuran ko siya
"Hala grabe." Mahinang bulong niya
"Saan tayo boss tot?" Hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako
"Bosstotz queentot" hindi ko pa rin siya pinapansin
"My Queen" napatigil ako sa paglalakad ko
Hinarap ko siya at tiningnan ng masama.
"What?" Mahinang tanong ko sakanya
"Sabi ko My Queen. Bakit? Ano? Kinikilig ka na niyan?" Natatawang sagot niya
"N-no. It's just, uh may naalala ako" sagot ko
"Ano? Ako ba? Magkaharap na nga tayo tapos inaalala mo parin ako!" Aba ang hangin grabe!!
BINABASA MO ANG
Our Love Game
Romance"This game you have started should be finished as soon as possible" -Queen Bhi